kabanata 17

21 12 1
                                    

^.^


Dinala ako ng paa ko sa isang mausok, mag-ingay at nagsasayawang mga tao. Napagtantokong nasa bar ako. Tahimik akong umupo malapit sa may counter at simulang mag-order ng alak.

"Tequila" saad ko sa may courter dahil yun lang ang naalala kong pangalan ng alak na binanggit nina Jessa noon.

Binigay naman sa akin at nilugok ko agad kahit masakit sa lalamunan. Nag-order pa ako ulit. Tuloy-tuloy parin yung luha ko kahit ilang beses kong pinapatahan yung sarili ko.

"Fuck" saad ko habang pinupunasan yung luha.

Ilang beses na ako binigyan ng senyales bakit ngayon ko lang napansin yun. Maaring si Mama din pala yung binisita niya nung nagkita kami sa sementeryo a. Maaaring siya din yung nagbigay ng bulaklak kay Mama nung kaarawan niya. Tangina naman, bakit siya pa kasi, of all people.

Uminom ulit ako at umorder, nahihilo na ako pero sige lang.

Si papa naman, nagawa pang mambabae. Hindi pa ba sapat na andiyan kami ni ate? Now, it made sense na kaya ayaw na niyang ituloy ko yung paghahanap sa taong may sala dahil wala na siyang pakealam dun!

Parang di niya minahal si Mama a? Pero minahal nga ba niya tajaga? Panay paghihirap lang ata naranasan ni mama sa kanya e.

"Hi, are you okay?"

"Yeah" ikling sagot ko sa lalaking lumapit sakin

"Mind to share?"

"No, thanks"

"Dude, they're looking for you" biglang singit nung hindi ko kilala sa lalaking lumapit sa akin. Nag-usap sila saglit bago nila inexcuse yung sarili nila sakin.

"Hi, wanna dance?"

"Umalis ka nga rito!" pagtataboy ko sa lalaking lumapit sakin.

"Suplada, di ka maganda uy" narinig kong saad niya.

"Di ka rin kagwapuhan!" sigaw ko sa kanya, may ilan namang napatingin sa gawi ko at umiling.

Diretso inom ulit sa alak, umiiyak. Gusto kong magwala para mag-ibsan yung sakit kahit ngayon lang. Naglapag ulit yung bartender kaya ininom ko ulit. Sa pangatlong pagkakataon iinom ko ulit sana pero may humawak sa baso.

"That's enough" kalmado ngunit madding saad niya.

"Ikaw na naman?!" singhal ko nung makita siya. Tumayo ako pero dahil malakas na ang tama ko ay muntik na akong matumba kung hindi niya ako hinawakan sa bewang. "Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan. Nagsimula akong lumabas sa bar hanggang napunta kami sa madilim na parte ng kalsada.

"Let's go home, Mira please. Let's talk about this" saad niya sa akin, maingat na nagsasalita takot na baka may mabigkas siyang ikakagalit ko.

"Kapal naman ng mukha mong magpakita pa sakin!" sigaw ko at tumingin sa kanya. Sinugod ko siya at sinuntok yung dibdib niya ng malakas na pwersa pero hindi nagpatinag

"Miraa" hinayaan niya ang akong pinaghahampas-hampas siya. Nang napagod ako ang umiyak lang ako sa harapan niya at tinakpan ang mukha.

"Umalis ka rito! Away kong makita ang pagmumukha mo!" Nanghihinang sagot ko sa kanya, nahihirapang huminga dahil sa pag-iyak

"Baby please," saad niya, malungkot ang tinig "I-m sorry" nabasag yung boses niya. Lasing ako pero malinaw parin sa akin ang mga naririnig ko.

" Kayo ang pamilyang sumira sa pamilya ko! Umalis ka rito! Ayaw na kitang makita pa!" tinulak-tulak ko siya "Maybe you get along with me because you knew it before you enter to my life! "

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now