kabanata 6

43 28 0
                                    





"Ate alis nga pala ako mamaya." pamamaalam ko habang nasa daan kami pauwi

"At bakit Akimira Corpuz, saang lupalop ka naman pupunta?" taas kilay niyang sukyap sa akin saka muling tumingin sa daan dahil nagmamaneho.

" Sa tylers."

"Huh?!!!" shocked evident on her face.

"Ateee, tumingin ka sa daan" madiing saad ko sa kanya.

"Hindi ba bar yun? Abaaa bago to a? Shytype na panget kong kapatid first time in history na pupunta sa Tyler? "

" Ganda ka?" pambabara ko sa kanya.

" Ha? Talagaa HAHAHA pinag-aawagan nga ako ng mga doctor e pero sa pasyente ako tinamaan shet."  tawa-tawa niyang kwento.  " Anyways, sinong kasama mo?"

"Mga katrabaho ko lng atee."

"Sigee, ako mag-aayos sayo mamaya. " kumidat siya sakin.

~~~

" Eto isuot mo, dalii naaa."

" Ate masyadong showy sa skin."

" Hindi yan, hindi ka lang sanay"

Isang off shoulder ang pinapasuot niya sakin na kulay pula at isang high waist na. Wala tuloy akong kawala kaya sinuot ko na lng. Nagheels na din ako ng kulay pula.

"Halaaa, tao ka na." natatawa niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Una na ako."

"Saan ka sasakay? Hatid kita o may susundo sayo?"

"May susundo sakin" yun ang usapan namin ni Shawn kanina bago kami umuwi. Naningkit naman mata ni ate sakin.

"Sino?"

" Katrabaho, madadaan niya kasi bahay natin. "

"Ohh okay, ingat kayo. Huwag muna storbohin si papa baka tulog na yun." tumango na lang din ako bilang sagot.

09** *** ***
:Andito na ako sa may kalsada.

09** *** ****
:May multo pa ata dito sa inyo.

Saktong pagbeep ng phone ko ay lumabas na ako. Napangisi ako sa text niya. Paniguradong si Shawn to. Baka manginig na yon sa takot.

"Hi" bati ko sa kanya pagkapasok sa kotse.

" Hi" mahinang sambit niya sa akin habang titig na titig.

Umiwas ako sa kanya ng tingin dahil hindi nakayanan ang titig at nagkunwaring nag-aayos ng seatbelt.

" You're beautiful" seryusong saad niya bago pinaandar ang sasakyan.

Kung hindi lang madilim, paniguradong nakita na pamumula ko. Nakasuot naman siya ng polo white at slacks na black. Ang ganda niya pamasdan.

Kung hindi lang tumunog ang kanyang phone ay paniguradong katahimikan na naman ang babalot sa amin.

Nakita kong si Architect Bautista ang tumawag kaya napabaling na lang ako sa bintana.

"Yes, Hazel?"

"Of course, I'll be there later."

"No, I won't stay long."

"Okay, bye. "

Ibaba na sana niya ang kanyang phone ng may tumawag ulit. Si Engr Pita naman ngayon.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now