kabanata 4

58 45 0
                                    


"Wala ka ba talaga balak mag-asawa ate?" I asked.

Andito siya sa ngayon sa kwarto ko dahil may kinakalikot siya sa laptop ko. Habang ako naman ay nagtutupi ng damit na nilabhan niya kahapon. Linggo kase ngayon kaya pareho kaming walang pasok.

"Bat mo naman natanong yan?"

"E ate 29 ka na tas ka man lang jowa? Ayuko naman na tumanda kang dalaga, please lang naman."

Napatingin siya sakin at nang-aasar na ngumiti. Tinigil niya ang pagtitipa sa keyboard at humiga sa kama ko.

"Look who's talking, someone na 25 yrs old na pero never pa nagkajowa." she said while raising her brows

"Ate iba yung akin e, may misyon ako na dipa natatapos, focus muna ako dun saka na yan, sabagal lang naman."

"Pwede namang pagsabayin ang pagjojowa habang ginagawa mo yung mission a. And ohh, may misyon naman ako a." pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.

"Ano namang misyon yan?"

"I'm a doctor, ano ba ang misyon ng doctor?" tanong niya na para bang ang bubo ko dahil hindi ko alam yun.

"Arghh, wag mo iwala yung topic. Ang gusto ko mag-asawa ka na, ako na bahala kay papa. Feeling ko naman pwede na kayong magkadevelop'an nung doctor na nakita natin sa restaurant nun." saad ko sakanya habng nililigpit ang mga tinupi.

"You mean si Doc Sy?"

"Ata?" diko sure na sagot.

"Excuse me, Mira." taas kilay niyang sagot " Hindi ako pumapatol sa bata, kasame age mo yun, kung gusto mo ilakad kita sa kanya since single naman siya, for sure kayo ang magkadevelop'an." nakangiting saad niya sakin na parang ang ganda ng ideya niya.

"Sabing wala akong panahon diyan e"

"Duhh."

Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho.  Agad kong inayos ang mga papeles na kelangan para mapawalang bisa ang pagkulong ni sir Henry. Naging abala ako sa lahat ng trabaho ngayon at hindi ko din nakita si Shawn as if naman na hinahanap ko siya.

Pagkaraan nga isang linggo ay nakatanggap ako ng envelope na nangpapatunay na mapawalang bisa na ang pagpapakulong kay sir Henry. Pinatawag ko naman agad ang pamilya nito upang ibalita ang magandang nangyari.

"Maraming salamat po attorney, utang na loob po na sa inyo ang himalang nangyaring ito." saad ng asawa ni sir Henry.

"Walang anuman po, mag-iingat po kayo pauwe." nginitian ko sila saka tinapik sa balikat ang anak nito.

Sa pagiging abala ko sa nangyari ay halos hindi ko na maalala na birthday ni mama sa araw na ito, mabuti na lng at nagremind yung cellphone ko kung ano ang ganap sa araw na ito.

Pagkatapos ng aking trabaho ay dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para kay mama bago ko nagpasyahan na pumunta sa puntod niya.

Bren Ignacio Corpuz
birth: May 15, 19**
Died: December 27, 20**

Malinis ang puntod ni mama nung nadatnan ko ito, talagang maayos ang pangangalaga ng naglilinis dito. Nilagay ko sa lapida ang binili kong bulaklak para sa kanya. Napansin kong may ilang pagkain, kandila, at bulaklak na din ang naroon, nagsasabing may bumisita na rin sa kanya rito.

"Happy birthday 'nay"  basa ko sa isang sulat na nakaipit sa mga bulaklak. Hindi naman nay ang tawag namin ni ate kay mama kaya nagtaka ako pero pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now