kabanata 11

37 21 0
                                    









Malamig ang simoy ng hangin at may nakasabit na mga parol sa gilid ng daan at nagliliwanag na chrismas light ang nakasabit sa mga puno, nagpapatunay na buwan na ng kapaskuhan.

Tuwing buwan ng kapaskuhan ay nalulungkot lang ako dahil naalala ko lang na ito yung buwan na namatay si Mama. Kahit na pilit kong winawaksi ang ala-ala na iyon ay hindi ko lubos magawa dahil saksi ako kung paano pinatay si Mama.

And at a very young age, I'm eager to grow up fast so I can pursue my dream to become a lawyer just to give justice to my mother. I sighed. I am a lawyer now, serving justice to people but not to my mother. How can't I even serve justice to my own mother?

"Anak, may problema ba?" tanong ni Papa nung makita akong nakatayo  sa labas habang tulala na nakatingin sa mga halaman.

"Wala po Papa"

"Ano ang iniisip mo kung ganun?"

"Si Mama lang po, Pa"

"Hmmm bakit?"

"Hindi ko parin po mahanap yung salarin e" nakatungong saad ko sa kanya.

"Anak" lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mata " Hindi ba mas mabuting hayaan na natin sila?"

"Huh?!" tumaas yung boses ko sa kanya

"Yung taong pumatay sa Mama mo anak. Hayaan na natin sila, alam naman natin na makapagyarihan sila at mapera at tsaka kung makukuha nga natin yung hustisia maibabalik pa ba yung buhay ng Mama mo? Hindi naman na diba? Kayaa huwag ka na sanang maaksaya ng panahon---"

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Papa?!! Buhay ni Mama ang usapan!" singhal ko sa kanya habang tumataas na ang boses

"Oo nga anak, pero patay na ang Mama mo, hindi--"

"Yung nga Pa e! Patay na siya pero hindi man lang sa nabigyan ng hustisya yung pagkamatay niya! Kaya nga ako kumuha ng abogada para maibapaglaban ko siya at mahuli yung salarin!" sagot ko na hindi siya pinapatapos sa sinasabi

"Pero nahuli mo na ba? Hindi diba dahil nga maiimpluwensyang tao sila anak! Baka dahil sa ginagawa mo mas lalo ka pang mapahamak kaya masabuting tumigil ka na lang!" tumataas na din ang boses niya

"Kung makapagsalita ka parang wala ng puwang si Mama sayo a! Dati ikaw ang nagtutulak sa akin para hanapin yng mga gumawa sa kanya ngayon binabawi mo na?!"

"Dahil wala na ngang saysay kahit mahuli yung salarin anak. Gaya ng sabi ko hindi na maibabalik yung buhay ng Mama mo!"

"Hindi porket hindi na maibabalik yung buhay niya Papa e ipagsasawalang bahala ko na yung paghahanap sa salarin. Gusto ko ibigay yung hustisya na nararapat para sa kanya dahil hindi niya deserve iyon! Kaya nga hinahanap ko diba? Para mabigyan kahit papaano ng parusa yung gumawa! I'm going to put him on jail no matter what! " sigaw ko saka siya iniwan doon at pumasok sa loob ng kwarto. Nagsimula namang magsibagsak yung mga luha ko.

Isang buwan na din simula nung huli kaming nag-usap tungkol kay Mama tapos ngayon yung ang sasabihin niya sa kanya? Anong nakain niya ang nagbago bigla pananaw niya?

Kinabukasan ay hindi ko siya pinansin at pumasok sa sasakyan ni ate dahil sabay kaming papasok. Bumungad naman ang nakataas na kilay ni ate sakin habang pumapasok sa sasakyan.

"Nag-away kayo ni Papa?" bungad na tanong niya. Hindi na ako sumagot dahil mukhang alam naman na niya.

"Anong pinag-awayan niyo?" kuryusong tanong niya.

"Bat dimo sa kanya tinanong?" pagmamaldita saka bumuntong hininga dahil mali yatang sa kanya ko pagbuntungan yung galit ko.

"Sabi niya nag-away kayo dahil kay Mama. Kahit ako nagalit sa kanya dahil ganun ang sinabi niya sayo pero paalala lang na kahit pagbali-baliktarin ang mundo, papa parin naman natin siya. Huwag mo sanang hayaan na tumagal yung tampuhan niyo."

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now