kabanata 8

33 23 0
                                    






"Nanliligaw sayo yun?" tanong niya papasok kami sa restaurant.

"Huh? Hindi a!" nakataas kilay siya sakin parang hindi naniniwala sakin.

Napatigil naman ako bigla ng may naalala kaya napatigil din siya.

"Teka lang, bat ako lagi mong inaaya. Asan girlfriend mo?" tumaas kilay niya sa tanong ko parang di alam kung sino tinutukoy ko. "Si Hazel ba asaan?"

"Hindi ko alam at hindi ko siya girlfriend."

"Sino kung ganun?"

"Wala" titig na sagot niya sakin saka umiwas ng tingin.

"Wehh? Kung hindi si Hazel paniguradong architect din. Mahilig ka kaya sa architect!" tumaas ulit yung kilay niya sa akin parang kahibangan yung mga pinagsasabi ko sa harap niya. Tumaas pa gilid ng labi niya.

"Says by who?"

"Ako? According to my observation!"

Umiling na lang siya saka ako pinaupo sa upuan bago siya pumunta sa harapan ko at siya naman ang umupo. Gentleman.

"Annongseuyoo?" Nakangising tanong niya pa sakin. Hindi pa siya ata nakalimot don!

"Chicken and fries"

"Yun lang?" tumango ako bilang sagot.

Agad namang dumating yung order namin kaya kumain na kami.

"susunduin ka o hihintayin mo ate mo mamaya?" biglang open niya sa topiko.

"Hindi ko alam. Tinetext lang din naman ako ni ate paghindi siya makakasabay sa akin kaya commute na lng ako pag ganun."

"Sabihin mo na lang sa ate mo na sa akin ka na sumabay mula ngayon para hindi na siya mahirapan"

"Hindi naa, sanay na din naman ako"

"Oo nga pero hassle yun kaya sumabay ka na lang sa akin"

"Hindi, kaya ko naman sarili ko"

"Huwag kang mag-alala safe ka naman kung yun ang inaalala mo"

"Alam ko naman yun pero hindi na. Ano to pagtatalunan pa natin?"

"Okay fine" pagsusuko niya.

Pagkatapos naming kumain bumalik din kami agad sa kompanya dahil hindi pa naman tapos ang work hours.

Nagkaroon pa kami ng meeting bandang alas dos kaya nasa conference room ang lahat.

Nagsimulang magsalita si Hazel sa harap habang pinapakita niya mga designs niya para sa gagawing hotel sa Quezon.

Napag-usapan na din naman kanina na gawin na lamang hotel ang natumbang building sa Quezon dahil sayang naman kung hindi magagamit ang lupa.

Nagkaroon pa ng sumbatan kanina dahil ang iba ay mas gustong magpatayo ng restaurant kesa hotel. Hussle daw kase pag restaurant.

Majority naman ang hotel kaya iyon ang natuloy.

Nagsasalita lamang si Hazel sa harapan. Maganda siya, dati pa. Mula sa mukha hanggang sa hubog ng kanyang katawan. Magaling magsalita at animoy saulo na niya ang sinasabi kahit ang presentasyon dahil alam na ang susunod na slide.

Walang kapintasan. Hindi nga nakakataka kung nahuhumaling ang karamihan na lalaki sa ibat ibang departamento dito.

Sinamantala ko naman iyon para tignan ang mga kasamahan namin.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now