Enjoy reading! ^.^
~~~
Ano naman kayang gusto ni sir Brandon? Tingin ko naman kasi nasa kanya na lahat. Naglilibot kami nina Mae at Jessa sa loob ng mall para magtingin tingin ng pwedeng iregalo sa monita at monito dahil bukas na iyong Christmas program. Napagpasyahan namin na pagkatapos ng trabaho ay dederetso kami dito kaya andito kami ngayon.
Nakatrouser white lang ako at tuck-in na t-shirt black at heels. Eto lang kasi nakita kong komportable ako suotin kaya ito na lang.
"Maghiwa-hiwalay muna tayo para maghanap ng ireregalo tas text text na lang after an hour para sabay sabay tayong kakain. G?" tanong ni Jessa kaya napatango naman kami ni Mae kaya nagkanya-kanya muna kami.
After many hours na paghahanap, pumasok ako Regatta dahil mukhang dito na lang talaga ang bagsak ko. Wala akong maisip na ipangregalong iba kundi hoodie, yun kasi ang tingin kong bagay sa kanya. Sakto at malamig naman ang panahon. Tumunog naman phone habang nagbabayad ako kaya tinignan ko ay text galing kay Mae.
From: Mae
Tapos na kami, kita us sa cafe sa baba.Bumili pa ako ng ibang paper bag para naman hindi halatang regatta yung regalo, nakakahiya. Pagkatapos ay naglakad na ako pababa para pumunta sa cafe na sinasabi nila.
Akala ko namalikmata lang ako sa nakita ko pero nung ulitin kong tignan ay sila nga talaga iyon. Si ate at si Doc Sy na papasok sa isang restaurant habang nakahawak pa si Doc sa bewang ni ate.
Katrabaho pala ha?
Pumasok ako sa restaurant at nagkunwaring hindi sila nakita.
"Attorney Corpuz?" tawag pansin sa akin. Imbes na si ate lang ang gugulatin ko ay nagulat ako sa presenysa ni architect dito kasama si..... Shawn?
"Hi architect" saad ko nung nakabawi ako sa gulat at tumingin kay Shawn na nakatingin din sa akin "Engineer" bati ko sa kanya
"Mag-isa ka?" tanong ni architect sa akin, umiling naman ako
" Kasama ko sina Jessa at Mae, architect. If you may excuse me, mauuna na ako dahil kanina pa sila naghihintay dun" nakayukong saad ko sa kanila at naglakad papalagpas sa kanila
" Ohh okay, attorney. Take care" nakangiting sabi ni architect. Tumango naman ako at ngumiti.
"Enjoy your date" nakangiti kong sabi saka sila nilagpasan pero bago pa ako makalagpas ay hinawakan ni Shawn iyong braso ko
"Saan kayo?" tanong niya sa akin kaya napabaling ako sa kanya. Napatingin siya sa suot ko at sa bitbit ko. Nakanavy blue long sleeve naman siya ngayon at slacks na black.
"Diyan sa baba sa may cafe, kung iniisip mong ihatid ako huwag na" agap na sabi ko dahil baka iyon na naman ang iniisip niya
" Okay, enjoy " tumango na lang ako at umalis
Pero bago pa man ako makarating sa pintuan, nakita ko sina ate na kumakain sa may gilid kaya pinuntahan ko sila. Nagulat si ate ng makita yung presensya ko doon.
" Ate, andito ka pala" bati ko sa kanya at palihim na ngumisi " Hi Doc" ngumiti naman ako sa kanya
"Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" takang tanong niya habang lumilinga sa paligid
"Wala, may kikitain akong kaibigan sa baba"
" Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin" pag-anyaya ni Doc Sy sa akin pero agad umapila si ate.
" For sure kumain na yan o kakain siya kasama friends niya. Osige mauna ka na" pagtataboy ni ate sa at pinanlalakihan ng mata.
" Katrabaho pala ha " ngumisi ako sa kanya at bumulong sa kawalan
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √