"Atty! Namiss kita" sigaw ni Engr Pita nang makita akong umo-oder sa ng kape sa baba ng kompanya.
"Hi" bati ko sa kanya nakangiti.
Nakasunod naman sa kanya si Engr Dalo at Shawn. Nakacorporate attire ang dalawa habang si Shawn naman longsleeve na puti lang at slacks na black.
This past week nga ay hindi ko sila madalas nakita at hindi ko din alam kung ano ang pinagkakaabalahan nila kaya bahala na sila.
"Nakadesisyon ka ba kung sinong Engr ang aasawahin mo, Atty?"
"Halaaa gusto mo ng Engr, attorney? Ako na yan!" prisinta ni Engr Dalo sa kanyang sarili.
"Tabee" matigas na bigkas ni Shawn, pinapaalis sa harapan niya ang dalawang engr.
Tumabi naman sakin si Engr Pita at sa kabila naman si Engr Dalo. Nalakad siya papuntang counter habang madilim ang tingin sa menu. Tumabi pa ako para makadaan siya ng maayos.
"Pangit ng mood a" bulong ko sa katabi ko.
"Nag-away kasi ata sila ni architect" kamot ulong sagot niya na bulong sa akin.
"Bakit daw?" kuryusong tanong ko
Napatingin naman si Shawn sa amin dahil nagbubulongan kami saka sinamaan niya ng tingin si Engr Pita.
"Ewan ko, umiiyak na lumabas si architect kahapon sa opisina niya e. Teka lang! Hindi ko alam na chismosa ka pala attorney!!" natatawa pa niya akong tinitignan.
"Dont spill false information Allen!" galit na naman.
Tinaas kamay ni Engr Pita yung kamay niya bilang pagsuko. Umalis siya sa tabi ko at nag-order ng kanya. Naglumpungan na naman ang dalawa. Kinuha naman ni Shawn yung order niya saka tumingin sakin.
"May gagawin ka mamaya?" tanong niya.
"Ahh yung mga papers lang sa kompanya."
"Samahan moko mamaya"
"Ha, saan?" takang tanong ko sa kanya
"Malalaman mo mamaya" Umalis na siya nang walang paalam. Suplado naman nun?
" Bye attorney!" pamamaalam ng dalawa at patakbong sumunod.
~~~
"Jessa pasuyo ako" saad ko habang papalapit sa cubicle niya
"Maski nga sarili ko hindi ko kayang suyuin, ikaw pa kaya Mira" ngising saad niya sakin
"Hahaha gaga" natatawang sabi ni Mae sa kanya na narinig yung usapan namin
"I mean, patulong naman ako dito" sabay pakita sa mga papeles na hawak ko.
"Ano gagawin ko diyan?"
"Paxerox sana tig-30 copies e. Nasira kasi printer sa opisina ko"
"Sure, no problem" nakangiti niyang sagot habang kinukuha yung mga papel sa kamay ko.
" Thank youu!"
"Akimira" napabaling ako kay sir Brandon habang naglalakad siya
"Sir? Bakit po?"
"Nagmeryenda ka na?"
Napaubo naman sila bigla nung narinig yung tanong ng boss namin. Umiling ako sa kanya.
"Tara. Kayo ba, nagmeryenda na kayo?" baling niya naman sa iba naming kasama
" Nakuuu sir tapos na po kami kanina pa" sagot nung isa, hindi masyadong pamilyar sa akin.
" Okay sige, mauuna na kami. Tara?" anyaya niya tumango naman ako at sumunod.
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √