kabanata 12

30 19 0
                                    

Enjoy reading!








"Sorry anak" sabi ni Papa nung makitang nagtitimpla ako ng kape, linggo ng umaga.  Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"Bati na tayo, ayukong nag-aaway tayo e" paglalambing niya sakin habang ang mga kamay ay handa akong yakapin.

"Sorry din at nasagot kita papa pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko bibigyan ng hustisya si Mama "

" Oo naman anak, pasensya na. Halika nga, payakap ako" sabi niya at lumapit naman ako para yumakap sa kanya.

" Ano yannn?!! Favoritism ganun? Abaaa papa baka nakakalimutan mo ako Papa's girl dito mula bata" ingay ni ate palabas ng kwarto.

" Mahal ko kayo pareho, walang favoritism dto. Halika na rito" si papa

" Bati na kayo? "

" Oo naman" ngisi ni papa sa kanya

Nakiyakap si ate sa amin. Mga ilang minuto pang ganun ang pwesto namin saka napagdesisyonan ni papa na siya ang magluluto ng agahan namin. Nagsibalikan naman muna kami ni ate sa kwarto.

Nagsusuklay ako galing sa pagligo nang biglang bumukas pintuan sa kwarto.

"Huyy malandi ka hahaha kwentuhan moko!" gigil sa sabi ni ate.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya habang pinagpapatuloy pagsusuklay

"Anong bakit? Boba ka! Nakita kita nung nakaraan!" umupo siya sa kama ko habang tinitignan ako at naghihintay na matapos

"Na ano?"

" Nakita kitang sumakay sa BMW nung nakaraan, sino yun? Gaga ka! " malakas na sigaw ni ate kaya nanlaki mata ko sa kanya ang pilit tinatakpan ang boses baka marinig ni papa!

" Ate hinaan mo boses mo! "

"Ohh sino nga? Kaya pala ayos lang sayo na hindi kita sinusundo kase may naghahatid sayo dito!"

"Ano?! Hindi kaya! Sumasabay lang ako sa kanya kase tagamagsingal siya! At ikaw bakit lagi kang nag-oovertime?" singkit matang tanong ko sa kanya

"Kasi madaming pasyente!"

"Suss sabihin mo nakikipagdate ka kay Doc Sy! Akala mo hindi ko alam ha? Nakita ko din kayo ilang beses na pero nanahimik lang ako" panglalaglag ko sa kanya.

Totoo naman kasi. Nakita ko silang magkasama na pumasok sa isang hotel malapit sa pinagkainan namin ni Shawn noon. Hindi ko lang pinagtuonan nang pansin dahil busy ako.

"Huyy grabe ka katrabaho ko lang yun" pagsisinungaling niya kahit halatang namumula na yung pisngi

"Sige itanggi mo pa, isusumbong kita sa kanya"

"Huwaggg!"

"Umalis ka na rito kung ayaw mong masumbong"

"Huwag mong ibahin yung usapan Akimira Corpuz! Sino yun? Boyfriend mo?" tanong niya sakin paniguradong ako naman ngayon ang namumula.

"Hindi ate, katrabaho ko lang yun" kagat-labing sagot ko at umiwas ng tingin

"Sige itanggi mo lang din" ngising saad niya sakin habang naglalakad patungong pintuan

"Kung ayaw mo sa kanya, pakilala mo ako. Sayang pogi e hahaha" dagdag niya pero sinamaan ko siya "Biro lang sis! Byers! Baba na kakain na" sigaw niya habang bumababa na

~~~~

"Shawn pinapapunta ka ni mommy sa bahay. Gusto ka raw makausap" saad ni architect habang kumakain kami sa hapag.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now