----flashbacks-----
"Bren! Tangina ano na naman tong ulam? Sardinas? Lagi na lang ganto!" sigaw ni papa mula sa kusina.
Agad namang lumapit si Mama sa kanya nang nanginginig. Galing siya sa pagkakatayo dahil tinuturuan niya akong magbasa sa isang storybook.
Nasa limang taong gulang ako nang namulat ako sa realidad na ang estado namin sa buhay na hindi ganun kayaman gaya ng mga kaklase ko o ng mga kapitbahay namin.
"Hindi pa kasi ako nakasahod e" takot ang narinig ko sa boses ni mama.
Simula siguro ng nagkamuwang ako ganito na ang nakitang ko sistema sa loob ng bahay. Na sa tuwing umuuwi si Papa, palaging lasing kaya palaging pinagbunbuntunan ng galit si Mama. At sa tuwing ganto, hindi mahalagilap si ate dahil paniguradong nasa kwarto na siya.
Ilang beses din nila akong pinagsabihan nina ate at mama na dapat daw sa tuwing nag-aaway sila ni Papa kelangan pumasok na ako sa kwarto. Pero dahil hindi ko kayang ginaganun si mama, palagi kong napapanood ang mga sigawan nila.
Pero hindi iyon ang pinakamalala dahil isang gabi, umuwi si papa na may hawak na sigarilyo habang pagewang-gewang na naman na pumasok sa bahay. Habang ako naman ay nasa sala ulit pero kita ko sila mula dito.
"Bren! Halika dito!" sigaw ni papa nang makaupo siya sa silya sa may kusina
"Bakit Marino?" tanong ni mama sa kanya, nakayukom ang mga kamay
"Anong ulam?" tanong ni papa sa kanya habang naghihithit ng sigarilyo
"Nagluto ako ng adobo" sagot ni mama
"Aba buti naman at hindi panay sardinas ang pinapakain mo saken!" sigaw niya kay Mama "Nagsahod ka naman na siguro noh?" dagdag na tanong niya sa kanya pero hindi sumagot si mama " Nagsahod ka na o hindi pa?!" napapikit si Mama sa sigaw niya.
" Nakasahod na" sagot ni mama
" Asan na? Bigyan moko! Pupunta kami ng kumpare ko sa casino mamaya!" sigaw ni papa sa kanya, naglalahad siya ng kamay
" Hindi pwede, maraming bayarin sa bahay at allowance pa ng mga bata" sagot ni mama
" Ano?! Dudoble naman yan pag nanalo kami!"
" Hindi nga pwede Marino, wag kang umasa sa sugal. Bakit hindi ka na lang maghanap ng trabaho?" sagot ni mama sa kanya, matapang man ako boses pero nanginginig siya sa takot
" Aba sumasagot ka na?! Akin na ang pera kung ayaw mong pagbuhatan kita ng kamay!" sigaw ni papa sa kanya saka ito lumapit kay mama
"Sige pagbuhatan moko ng kamay! Ni wala ka ngang ambag sa bahay, panay bisyo pa ang inaatupag mo, hindi mo pa nagagampanan mga responsibilidad mo bilang ama't asawa!" sigaw ni mama, nasampal siya ni papa
" Papa! Tama na!" sigaw ko umiiyak "mama" saad ko kay mama habang yinayakap siya
" Anak" saad ni mama sa akin habang umiiyak "Tumakbo ka papuntang kwarto ha? Ayos lang ako, sigi na" pagpapatahan ni mama sa akin
" Hindi Mama" saad ko at mas yinakap siya habang umiiling
" Ano na Bren? Pera lang hinihingi ko hindi mo pa binibigay! Yumayabang ka na porket may trabaho ka? Pinagyayabang mo ba sakin yung pagiging katulong mo ha?!" sigaw ni papa sa kanya
" Tama na po papa" umiiyak na sagot ko
" Umalis ka dito kung ayaw mo masaktan" sigaw ni papa sa sakin habang hinahablot yung kamay ko kay mama
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √