kabanata 22

10 5 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pa sinabi sa akin ni Engr Pita iyon dahil hanggang ngayon kinakabahan parin ako. Nagdrive ako papunta sa reception hanggang sa naipark ko ng maayos yung sasakyan pero yung pintig ng puso ko abot hanggang langit. I'm nervous, I don't know how to act if he's around. Should I act friendly or act like I didn't know him at all?

Ilang anghel na ang pinagdadasal ko kanina na sana tulungan ako pero hanggang ngayon hindi ako makakuha ng sign para dun. Masyado na ba akong maraming kasalanan sa nakaraan para pahirapan ng ganito? Bati na kami ni Papa, hindi pa naman ganun kabati pero pwede na.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung ideya pero nakuha ko pang magpowder at mag-ayos ng mukha kahit kabado. Napatalon pa ako sa upuan ko dahil sa katok. Napabaling ako dun at nakitang si Engr Pita iyon. Dali-dali kong tinapos ang pag-aayos at tsaka binuksan ang bintana.

"Woahh... Nag-ayos pa nga" natatawang saad niya sa akin

"Ayuko naman magmukhang haggard habang nagbibigay ng speech noh" palusot ko, tumango-tango naman siya

"Oh okay, kunwari naniwala ako"

"Ano bang ginagawa mo rito? Mauna kana dun" taboy ko sa kanya

"Okay hahaha maganda ka daw may make-up man o wala" natatawang saad niya

"Huh?"

"Huh?" paggagaya niya "Una na ako ha, bilisan mo diyan naghihintay si prinsipe" natatawang saad niya at umalis na

Bumuntong hininga ako bago ulit tumingin sa salamin. Nung kontento na ako ay bumaba na din ako kaagad.

Dito sa bahay nina Leo idadaos ang reception. Pumasok ako sa entrance at kita agad ang dami ng tao. Sa malayo tanaw ko ang isang parang stage doon na nakalagay ang Mr&Mrs, paniguradong doon ang bagong kasal habang sa harap nito ay round table na nasa mahigit 50 para sa mga bisita.

Naglakad lang ako papunta sa harapan dahil andun ang table nina Brianna kasama na nito ang iba pang bridesmaid na iilan lang ang kakila. Si Efryl lang ata ang kakilala ko dun yung kapatid ni Leo at ang iba ang mga pinsan na niya.

"Andito ka na!" gulat at masayang bati ni Brianna "Bigla kang nawala kanina!"

"May dinaanan pa kasi ako" palusot ko ulit.

Ngitian at nakipagshakes hands ako sa mga andun pero iba nga lang Si Efryl dahil pinilit ako nitong umupo sa tabi niya kaya nagpunta ako dun at dahil hindi kayang humiwalay sa akin ni Brianna ay naupo siya sa kabila ko.

Umingay ang paligid, ang akala ko ay dahil sa pagdating nina ate ay nagkamali ako dahil nagsidatingan lang naman ang mga groomsmen. Naglakad sila papunta sa kabilang mesa malapit sa amin.

"Sino yung matangkad na nakakulay blue?" dinig kong bulong ng isa, hindi malayo sa amin.

"Ang pogi niya!"

"Hot daddy"

Nangunguna si Engr Pita na nakasunod sa kanya si Engr Dalo at si Shawn. Nakalongsleeve na kulay bughaw siya na di nalalayo sa kulay ng mga groomsmen habang nakasunod sa kanila ang iba. Umupo siya na pinaggigitnaan siya nina Engr Pita at Dalo. Mukhang hindi ako napansin dahil hindi naman siya tumingin sa gawi namin. Wala ata si Architect?

"Efryl!" tawag ni Engr Pita sa kanya kaya napabaling silang lahat sa gawi namin. Nagtama ang paningin namin ni Shawn, narinig ko naman ang halakhak ni Engr Pita.

"Why?" takang tanong ni Efryl sa kanya

"May space pa ba diyan? Gusto namin makiupo e!" natatawang saad niya kahit kita naman na punuan na sa amin.

"Wala na e" sagot ni Efryl

"Pwede namang pagsamahin yung lamesa natin" suggestion nung isang kasamahan nila at nagsinang-ayunan naman ng lahat.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now