kabanata 21

9 6 0
                                    


"Ma, alam mo ba, malaya na ako sa nakaraan." nakangiting saad ko habang nakatingin sa puntod ni mama.

Andito ako ngayon sa cementeryo, napabisita sa kanya para ipaalam na may bago na akong trabaho. 

"At akalain mo yun ma, marami na akong kaibigan" dagdag ko pa habang inaalala ang mga dating kaibigan at mga bagong kaibigan sa kasalukuyan.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko iyon

"Ano? Paepal naman to, nag-eemote ako e" bungad ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

"Dalian mo at pumunta ka na dito. Hindi to magsisimula kung wala ka" si Von.

"Wow, how important I am" ngising saad ko sa kanya habang naglalakad na papunta sa sasakyan. Nagwave na lang din ako kay mama bilang pamamaalam.

"Sige sabihin ko sa pari sisimulan na" 

"Wait lang, papunta na" saad ko at natatarantang sumakay sa sasakyan ko. 

Kumalabog pa at nauntog pa ako dahil sa pagmamadali. Narinig ata niya ako kaya tinawanan ako

"Ingat ka" saad niya.

Pagdating ko ay saka lamang nga nagsimula ang program kaya humingi ako ng tawad sa kanila. Buti na lang at late lang naman ng sampung minuto. 

"So how was it?" tanong ng katabi ko

Nakatayo na kami ngayon sa harap ng pinatayo naming law firm. A&A law firm, halatang pinaghirapan yung name ng law firm dahil kinuha lang naman namin sa initials namin. Katatapos lamang ng ribbon-cutting bilang opening. May kunting salo-salo din sa dito sa baba na kakabukas lang din ng cafe which turns out na sa amin din. 

After the case, napagdesisyonan namin ni Aeris Von Somera, yung naging lawyer sa kaso namin. Napagdesisyonan namin na magpatayo kami ng law firm para kami ang mamahala at eto na, after a year. Natapos na din. 

"What a blessing from above" nakangiting saad ko habang nakatingala 

"Ano ganyan na lang kayo diyan? Kain naa" sigaw ni ate mula sa loob ng cafe. Nagkatinginan kami ni Von at sabay na natawa. 

"Sana next na makikikain ako sa kasal niyo na attorney!" hirit nung isang kasamahan namin, legal assistant namin.

"Ako na po pala sa invitations niyo!" hirit pa ng isa. Tinukso na naman kami ni Von. Nagkatinginan kami at nag-act pareho na parang naduduwal tsaka sabay kaming natawa.

Von really tried to court me, not only once but thrice and he was rejected three times too. I don't want to hurt him cause I know myself I am not yet ready for that. Or should I say I'm inlove with someone else? Someone, I can't be mine. 

He's a good person. At kahit papaano hindi pa naman sira yung ulo ko para abuso'hin yung kabutihan nung tao sa aken. I pray na makahanap siya ng taong talagang para sa kanya dahil napakabuti niya. He stay true even after I rejected him... his intentions were pure and genuine. At ayukong mawalan ng kaibigan dahil lang dun. Matapos kong iexplain sa kanya yun, naintindihan naman niya at ayos na kami pareho. No hard feelings.

"Huwag niyo sila I pressure, hayaan niyo at magkilalanan muna sila sa isa't isa" the older man said. Ngumiti lang kami sa kanila at di alam ang sasabihin. 

"Alam niyo po, sa kasal ko na lang po kayo dumalo" singit ni Ate habang namimigay ng invitations sa amin. Sa amin! 

Nagulat akong napabaling sa kanya nung lumapit siya sa akin at pinahawak sa akin ang isa. Tinignan ko naman iyon at hindi nga nagbibiro

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now