kabanata 23

34 23 0
                                    




Agad akong napaupo sa kama pagkagising ko nung mapansin kong iba yung kwarto ko saka ko lamang napagtanto yung nangyari kagabe. Nasa condo nga pala ako ni Shawn.

Lumabas ako sa kwarto at agad na naamoy ang ulam galing sa kusina kaya nagderetso ako dun. Nakita ko ang malapad na likod ni Shawn habang nagluluto siya. Kahit nakablack t-shirt siya ay kita parin yung hubog ng katawan niya. Mas lumaki yata muscles niya sa braso kumpara nun? Nagmumukha talaga akong maliit pagkatabi ko siya.

"Goodmorning" bati niya kahit nakatalikod.

"Morning" bati ko pabalik.

"Breakfast" saad niya habang nililipat sa plato yung linuto niyang pancake.

May egg, bacon, hotdog, spam at bread na naluto na din sa lamesa. Lumayo ako sa kanya nung lumapit siya sa akin kaya tumaas ang kilay niya at medyo namangha sa galaw ko.

"Can I use the bathroom first?"

"Yeah sure. Sa kwarto ko" sagot naman niya.

" May extra toothbrush ka ba?" tanong ko sa kanya

" I didn't throw away your toothbrush. Nasa tabi nung akin but if you want a new tumingin ka na lang sa kabinet" tumango na lang ako at pumasok sa kwarto niya.

Kumuha ako ng bago gaya ng sabi niya dahil ayuko naman na gamitin yung dati kong toothbrush baka alikabok lang malalasahan ko though mukhang malinis pa rin naman at may takip. Pagkatapos nun ay lumabas na ulit ako sa kwarto niya.

Umupo ako sa tapat niya at nagsimula na siyang maglagay ng kanin sa plato ko.

"Tama na" saad ko ng marami na ang nilagay niya

"Ang kunti ng kinakain mo kaya ang payat payat mo"

" Body shamer"

" No, I just want you to eat a lot. Kumain ka na" saad niya ng matapos malagyan ng ulam yung akin.

Kumuha na din siya ng kanya at nagsimulang kumain. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa sinira nito.

" May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya.

Linggo naman ngayon kaya wala akong pasok kaya umiling ako bilang sagot.

" I want us to talk and clear things up. Can you give me a chance?"

"About what?" tanong ko

"Everything from the very beginning" sagot niya. Tumikhim ako at tumango dahil madami din akong tanong sa kanya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta ako sa sala dahil naghuhugas pa siya. Nagprisinta naman ako kanina pero hindi niya pinahawak sa akin yung mga hugasan kaya wala akong magawa kundi ang maghintay dito. Umupo siya sa tabi ko nang matapos siya at tumingin sa akin.

"Shall we start?"

"Can I go home first? I just want to take a bath and change" saad ko at napatingin sa damit ko. Parang ang lagkit ng pakiramdam ko sa sarili ko.

"No, you smells good if that's what you are implying" ngumuso ako at nag-iwas ng tingin

" I want an honest answer in every question. No more lies and secret this time, alright?" tanong niya sa akin.

" Okay" sagot ko naman at tumango

"How are you?" tumaas ang kilay ko sa tanong niya

"Is that  part of our topic?"

"Yes"

"I'm good. You?"

"I'm fine" sagot naman niya.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now