kabanata 5

52 39 0
                                    


"Tapos na po ang kaso, naipasa ko na po sa taas yung mga papeles. Salamat po sa kooperasyon." nakangiting saad ko sa mag-ina na ngayon ay nasa opisina.

"Maraming salamat po attorney, pagpalain ka nawa ng Diyos." saad ni nanay habang lumuluha't nakikipagkamay sa akin.

"Walang anuman po."

"Salamat ate" ngumiti ako sa bata at saka tumango habang tinatapik ang kanyang ulo. "Balang araw ate, magiging kagaya niyo ako. Abogada at tumutulong sa mga gaya namin mahihirap."

"Lagi mo lang tatandaan, sa kahit anong sitwasyon, panahon at esatado mo sa buhay, kailangan mo lang maging mapagkumbaba. Hindi dapat ginagawang panumbat ang pinag-aralan, yaman, o ano mang meron sayo para lang ipamukha sa iba ang wala sa kanila. "

"Opo ate."

" Sipagan mo lang mag-aral, balang araw makakamit mo din yun."

" Opo atee, salamat."

~~~

" Uyy attorney! Sama ka samin attorney, kakain kami sa labas." tawag sakin ni Engr. Pita

" Kayo na lang, salamat sa pag-imbita."

" Naku attorney, sigii naa minsan lang naman tsaka madami naman tayo atty! Isama niyo na din sina Jessa at Mae atty!"

" Engineer Raqueno!" bati niya sa padating na si Shawn.

" Sama kayo lunch samin Engr!"

" Sige" tipid na sagit nito.

" See, sumama siya attorney! Sama na din kayo. " tumango na lng ako bilang sagot.  Hindi naman siguro masama makihalubilo minsan dba?

"Sama kayo lunch? Jessa.. Mae?" anyaya ko sa mga kasamahan ko.

"San ba atty?"

" Ewan ko kay Engr Pita, sama na kayo. Kasama natin iba pang engr dept."

" Sure atty." they answered in unison.

"Drop the atty na lng" tumango naman sila, nakangiti

"Andun ba si Engr Raqueno, atty?" tanong ni Jessa, nakipaghigikan naman yung isa.

"Gaga, wag na nga daw atty dba." bulong kasama pero naririnig ko naman

"Pupunta ata. Bakit?"

"Halaa pogii kase niya, nakakalaglag panty!" nagtawanan pa sila. Umiling na ako, di makapaniwala sa inasta nila saka aalis na sana ng saktong dumating sina engr.

"Attorney!!!" sigaw ni engr pita sakin.

"Ganda mo atty!! Sigurado ka bang wala kang jowa atty?" tanong naman nung isa.

"Mga lumang paraan ni Engr. Dalo HAHAHA" saad ni Engr. Pita

" Ulol!!" binatukan pa ang kasama

Napabaling ako sa kasama nila sa likod. Nagtama paningin namin ni Shawn na nakacorporate attire, madilim ang paningin niya nung nagkatinginan kami. Katabi niya si Hazel, architect head. Kasama siya?

" Ohh kasama ka pala architect?" biglang singit ni engr Dalo.

"Ayos lang ba?" tanong niya.

"Nakuuu, oo naman architect! Kung girlfriend ba naman ni Engr walang problema, dba engineer?" tapik niya sa balikat ni Shawn na nanatiling tahimik at nakatingin sakin.

Kala ko ba wala siyang girlfriend?

Mga lalaki talaga.

"San tayo engineer?" baling ko kay Engr. Pita

"Ayy dito lang sa malapit attorney!"

~~~

" Ano sayo?" dinig kong tanong ni Shawn.

"Steak" dinig ko namang sagot ni architect.

Ano ba masarap dito? Di ako makapili sa dami at mukhang masarap naman lahat.

"Mira?" napaangat ako sa tawag ni Shawn na parang hinihintay sagot ko.

"Uhh... eto" turo ko sa chili chicken. Tumango naman siya saka tumayo.

"" Ano senyu girls?" tanong ni engr Dalo. Sumagot naman sila.

" Samahan na kita engr!" masayang saad ni architect kaya sabay silng pumunta sa counter. Nauna nga lang si Shawn.

" Uyy" kurot sakin ni Mae sa tagiliran kaya napabaling sa kanya ang tingin ko.

" Bakit?" takang tanong ko.

" May something senyu ni Engr noh?" pabulong na tanong niya pero rinig parin ng mga kasamahan namin. Mabilis akong umiling.

" Halaa, may something senyu ni engineer?!!!" sigaw ni engr pita habang turo-turo ako. Napasapo na lang ako ng ulo at napayuko. Napatingin pa samin ang ibang table.

" Mahiya ka engr, wala juskoo. " iling iling na sagot ko

"Wehhh?" sagot nilng tatlo.

"Bakit nakafirst name basis kayo kung ganun?"

" Oo nga." pambubulabog naman nung isa.

Mabuti na lang na lang at nakabalik na sila. Biglang tumahimik naman ang mga kasama ko. Nilapag niya sakin ang steak at red velvet na milktea saka umupo sa harapan ko, katabi naman niya si architect.

"Hindi ko alam flavor na gusto mo, yan na lng naorder ko kase yan yung order mo nung huli dba?" tumango na lang ako kay Shawn. Nahihiya pa ako sa usapan namin kanina nina Mae. Tsaka pinanood niya ba ako nung huli? Bat alam niyang red velvet milktea ko nung kasama ko si Doc Sy.

"Halaa nagsama kayo nung huleee?!!!" sigaw ulit ni engr. Hindi ata nauubusan ng energy, laging hyper.

"Hindi engr, nakita niya lang ako." malumanay sa sagot saka kami nagsimulang kumain.

"Nga pala, g kayo Tylers tayo mamaya?" pambabasag ni Jessa sa katahimikan. Tylers? dba bar yun?

"G ako, Saturday naman ngayon." pagsasang-ayon naman ni Mae.

"Engineers???!!!!" nakataas kilay na tanong ni Jessa sa kanila.

" Gameee!" sabay na sagot nina Engr. Pita at Dalo

" Architect? Attorney? Sama na kayo minsan lang naman e. Sagot ko na tatlong bucket. " pag-aaya ni Jessa.

Hindi pa natatapos yung tanong ay umiiling na ako.

" Sorry, may gagawin ako e, next time na lang." sagot ni architect na patapos na sa kinakain.

" Attorney?" puppy eyes pa siyaaa. " Akimiraaa, sigiii naaa. " saad niya pero umiiling ako. Hindi ako sanay sa ganun.

" Oo nga attorney, minsan lang to e. " singit ni engr Dalo.

" Sama ka na." napabaling ako kay Shawn, nakatingin sa akin. Umiling naman ako sa kanya.

" Hindi ako sanay sa ganun." Sagot ko sapat na para marinig niya.

" Hindi ka naman iinom tsaka andun naman ako."

Bumuntong hininga na lang ako saka tumango.

" Yes!!!" sigaw nila.

Hindi ako pupunta dahil andun siya kundi dahil gusto ko din namang subukan.



*⁠\⁠0⁠/⁠*

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now