Isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari sa restaurant. Balita ko ay may nanakawan pa ng bag that time. Agad naman itong kinalat sa social media para matunton kung sino ang salarin pero hanggang ngayon wala namang balita.
"Happy birthday dadehh" sigaw ni ate mula sa sala.
May hawak itong cake at paper bag. Naglalakad siya papunta kay papa na nasa kusina. Agad ko namang kinuha yung money bouquet na pinagawa ko lang kahapon dahil muntik ko ng makalimutan dahil sa madaming pinagkakaabalahan. Mabuti na lamang at may kakilala akong tagaayos ng ganyan.
"Happy birthday Papa" nakangiti kong bati sa kanya saka humalik sa pisngi.
"Hati tayo sa pera pa!"
Nakakita lang ng pera e.
" Salamat mga anak" naluluha niyang sagot sa amin.
"Tumatanda na siya ate, kelangan na daw niya ng apo" nakangisi kong saad kay ate
"Pa, alam mo ang buhay ay hindi karera" Pagbibigay aral niya kay papa. "Halaa papa, bat ka po umiiyak?" natatarantang tanong ni ate sa kanya.
"Pinaiyak mo, ayaw pa kasi bigyan ng apo" iling-iling na sabi ko sa kanya.
"Gaga ka.... Pa, tahan na po, birthday na birthday mo e."
"Naalala ko lang mama niyo. Sana andito pa siya. " lumuluhang sabi niya na nagpatahimik sa akin.
"Papa, tapos na po. Kahit ilang balde pa iluha natin, hindi naman na babalik si mama kaya tahan na po. San niyo ba gustong kumain, itreat kita since birthday mo papa!" maligayang saad niya kay papa.
Wish you were here, mama. We miss you so bad.
Nagpunta kami sa Shakeys since yun ang gusto ni Papa. Nakacolor beige puff dress ako habang si ate naman ay kulay puti. Si papa naman syempre kulay red.
Lingid sa kaalaman nila na nagrequest ako sa staff na kantahan siya ng happy birthday at maliit na cake kaya pareho silang nagulat sa sorpresa.
Nakalabas ang phone ko para ivideo si Papa. Nahagip ng mata ko may entrance na papasok si Doc Sy kasama ang isang babae kaya kinalabit ko si ate na kumakanta tsaka tinuro sa may entrance.
Nakita naman kami ni Doc Sy kaya ngumiti at kumaway ako sa kanya. Napansin atang kinakantahan namin si Papa kaya medyo nagtagal ang titig niya sa kanya.
"Happy birthday to youuu ~~" kanta namin kay Papa kasama ang staff na may pa confetti pa. Nakikanta din ang iba pang customer na nasa ibang table nung marinig ito.
Napansin ko namang umirap si ate sa kawalan kaya napabaling ako sa kanya at bumulong.
"Nyare sayo? Dinala mo kahit saan yung pagkamaldita mo ate a."
" Tsee wala!" pagmamaldita niya " Babaero" bulong niya pero narinig ko naman.
Binalingan ko ang dating pwesto nina Doc Sy pero wala na sila dun. Pinuputok ng buchi netong katabi ko? Parang nawala sa mood a.
" Thank youu anak. Thank you maam/sir" nakayukong saad ni Papa pero hindi gaya kanina, nakangiti na ngayon.
Nagpicture pa kami ng ilang minuto bago namin napagpasiyahang kumain. Masarap talaga Shakeys, isa sa mga binabalik balikan ko.
Nakukwentuhan lang sina ate at papa habang ako naman ay busy sa phone dahil balak ko sanang magpost sa ig.
Kahit naman mailap ako sa tao ay may mga followers at kaibigan parin naman ako kahit papaano noh.
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √