kabanata 15

28 15 0
                                    

WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT

This story might contain sexual, strong language snd other sensitivity that is not allowed to underage children. So please if you are underage, don't try to read this. Pero dahil alam kong makulit ka, bahala ka na sa buhay mo. Enjoy reading! ^.^

~~~

"Mira?"

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.

"Try ko nagtingin ng magandang location ng next samgy natin, bakit?" seryusong sagot niya.

Hindi ko alam kung bat seryuso siya pero natawa ako sa sinabi niya at bahagyang hinampas pa sa braso. Agad naman niya itong hinuli at hinawakan ang kamay ko.

" Yung totoo?" nakangiting tanong ko.

" May dinalaw lang, ikaw anong ginagawa mo rito?" tanong niya pabalik

" Dinalaw si Mama" simpleng sagot ko. Naglakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Natigilan siya sa sinabi ko.

" Sorry to hear that"

"Ayos lang, matagal na din naman yun" nakangiting saad ko.

Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan sa kanyang sasakyan kaya pumasok ako. Umikot siya papuntang driver seat.

"San tayo ngayon?" nakangiting tanong ko at hindi na matanggal yung excitement sa boses ko.

Naramdaman kong nagulat siya sa sinabi ko parang hindi inaasahan. Nakita ko naman ang pagngisi niya.

"San mo ba gusto?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Nagsimula na siyang magdrive.

"Somewhere. Anywhere with you" ngumisi siya sa akin kaya ngumisi din ako sa kanya.

"Book na ba ako ng hotel?" pilyong tanong niya kaya tumawa ako at hinampas siya sa braso

"Sira"

Tumigil kami sa tapat ng isang convenience store para bumili. Hindi ko alam kung saan niya naisip na pupuntahan namin pero dahil may tiwala naman ako sa kanya kaya pinaubaya ko na sa kanya lahat. Maglalapag na sana ako ng card sa counter nanng inunahan niya ako kaya siya na naman ang nagbayad.

Pagkatapos ay tumigil ulit kami sa isang fast food at nag-order naman siya ng pagkain ulit. Nanatili akong nakatingin sa labas at hindi na iiniling magsalita.

"May gusto ka bang kainin bukod sa mga nabili?" tanong niya sa akin habang nagddrive.

Napatingin ako sa mga binili niya na nasa likod.

"Ang dami na nito, mauubos ba natin lahat yan?" takang tanong ko.

"Oo, basta tulungan moko kumain" ngising sagot niya "Do you want or you need something else?"

" Wala naman na"

Nakatulog ako sa biyahe pero nagising lang ako ng may narinig akong ring ng phone.

" Hello" he said in low monotone.

Napasulyap siya sa akin dahil nakita niya akong gising na bago binalik ang tingin sa daan. Napatingin ako sa labas ng sasakyan at nakitang ang mga matatayog na mga puno sa magkabilaang kalsada. Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Wala din masyadong dumadaan na mga sasakyan. Ang ganda.

"I'm busy right now" narinig kong sagot niya. Napatingin ako sa kanya kaya napasulyap din siya sa akin ulit. Busy?

"Yeah, I'll give it to you tomorrow Hazel"

" Sure."

" Okay, thanks bye" he hang up the call.

" Baka naman importante yun dapat inunan mo na" saad ko nung binaba na niya ang phone niya.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now