Chapter Eight

9.8K 228 3
                                    

BUONG ARAW na walang kibuoang nagtratrabaho sina Caleb at Candice sa loob ng opisina. Since wala pa ng sariling lamesa si Candice ay sa loob muna siya ng opisina ni Caleb magtratrabaho.

"Could you arrange this folder? Unahin mo yung pinakaimportante." Utos sa kanya ni Caleb sabay lapag ng gabundok na folder sa lamesa niya.

Ganun lang sila maghapon. Magsasalita lang kapag may kailangan o tungkol sa trabaho. Mas pabor siya sa ganun. Ayaw niya rin naman maka-interact ang bakulaw na 'to.

Kanina niya lang din napagtanto na ito yung manyak na sa labas ng bar na binayagan niya at tinulungan pagkatapos nitong matumba dahil sa sobrang kalasingan. Hindi kailanman mawawala sa isip niya ang hirap at kahihiyan na dinanas niya sa lalaking 'to!

Nag flashback sa isip ang nangyari kung paano humantong sa ganun ang lahat.

Pauwi na siya noon dahil tapos na ang duty niya as waitress sa bar. Its near midnight na noon at medyo bangag na rin siya. Isa pa, naghihintay sa kanya ang mga kapatid niya sa apartment na tinitirhan.

Hindi madali ang pagiging waitress niya dahil may pagkakataong hindi naiiwasang walang bumabastos sa kanya. Pero sinasagot naman niya ito ng maayos na hindi siya for table, na waitress lamang siya.

Isa na marahil siguro ang naging dahilan sa ganun ay dahil sa uniform nila as waitress. It's a red sexy dress na halos natakpan lang ang pwetan nila at singit. Bawal ang stocking kaya lantad na lantad ang mahubog niyang hita. Tube rin iyon at may v-slit sa bandang dibdib kung kaya't lantad din ang makinis niyang cleavage.

Gusto niyang magreklamo sa damit nila pero ang aasahan niya? Its a high class bar na tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Hindi rin uso ang conserbatibong damit dun kaya kahit gusto niyang umangal ay wala siyang magagawa.

Kita naman kung saan siya dinala ng pahamak na damit na iyon. Dinala siya sa isang gwapo, matangkad pero manyak at may sayad na bakulaw na lalaki.

Hindi biro ang nangyari sa kanya dahil sa hinayupak na yun! Dahil pagkatapos siyang bastos ay nagpabigat pa sa kanya. Nahimatay dahil sa sobrang kalasingan.

Dapat iniwan na lang talaga niya ang bakulaw na yun eh, kaso ng makita niyang tinitingan ito at balak lapitan ng mga nakaitim na lalaki ay dali dali na siyang lumapit at inalalayan ito. Mabuti nga at hindi ito nagpabigat masyado dahil sa laki nito. Kahit papano ay may ulirat pa.

"Baby naman eh, diba sabi ko wag kang uminom ng marami? Paano mo ako ipagddrive niyan?"

Halos masukasuka siya sa pinagsasabi niya dito. 'Baby my ass! Pwe!'

"Hmmm." Daing lang nito sa kanya kumapit sa bewang niya. Naramdaman niya pang gumagapang ang kamay nito pataas sa dibdib niya at marahang pinisil iyon.

"Lam-hik-bot-hik!" Utal na ani nito sabay pindot pindot sa dibdib niya. Para itong bata ginawang switch ang dibdib niya sa pagpindot-pindot.

Nakangaga lang siya habang ginagawa nito iyon. Hindi agad siya nakagalaw at nanigas lang sa kinatatayuan. Nang magsink-in sa utak niya ang ginagawa nito at mabilis niya itong tinulak ng malakas.

Napadapa ito sa semento at napangiwi siya ng makita ang ayos nito. Para itong baliw na humilata na lang na tila handa ng matulog.

"Argh! Hinayupak talaga!" Napapadyak sa inis na aniya sabay akay muli rito patayo. "Hoy! Tisoy na manyakis! Tumayo ka jan kung ayaw mong iwan kita rito at ipa gang rape sa bakla!" Mariing sigaw niya sa tainga nito pero daing lang ang naging tugon.

Yamot na napakamot naman siya sa pisnge at tumingin sa paligid. May mga taxi pa naman na dumadaan dito eh. Kaya magtataxi na lang sila ng lalaking ito. Mukha naman 'tong mayaman kaya ayos lang na kupitan limang daan para pamasahe nila.

Nang makakita siya ng taxi ay agad niya itong pinara. Nagpatulong pa siya kay manong driver na buhatin ang bakulaw. Nahirapan pa sila ni manong na ipasok ito dahil laki ba naman na tao.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay kinapa niya ang bulsa nito. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang pakay niya. Nang buksan niya iyon ay nanlalaki ang mata niya.

Ang daming lilibohin! May mga cards din at cards din! Kumuha lang siya ng dalawang libo sa wallet nito at kinuha ang isang calling card na tingin niya ay ID nito. Tiningnan niya ang address nun at iyon ang sinabi sa driver para ihatid sila.

Ang buong akala niya kapag naipasok na niya ito sa loob ng condo nito ay makakahinga na siya ng maluwag. Pero nagkamali siya. Dahil ang hinayupak nagsuka sa sahig! Mabuti na nga lang at hindi nasubsob ang mukha nito sa sinuka.

Dali-dali naman siyang kumuha ng panlinis para linisin iyon. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina nito kahit nakakahilo sa laki ang ang condo nito.

Kumuha lang siya ng towel na malinis, tubig at advil na palagi niyang dala sa bag niya.  Inilagay niya ang gamot at tubig sa side table ng kama nito. Pagtakatapos ay pinunasan niya ang mukha ng lalaki. Nilisan niya rin ang sinuka nito sa lapag.

Halos trenta minutos din ang tinagal niya sa loob ng condo nito. Nakatayo lang siya roon at tinitingnan ng maigi ang lalaki. Napahinga siya ng malalim ng makitang malalim na ang paghinga nito.

Binuksan niya ang aircon ng kwarto at kinumutan ito. Pinatay niya rin ang lampshade at tahimik na nilisan ang buong lugar.

Ang akala niya pagtakapos ng nangyaring iyon ay hindi na niya ito makikita. Imagine her shock ng makita niya ito sa pinagtratrabahuang fast food chain at kumakain?

Akala niya katapusan na niya ng araw na iyon na nahuli siya nito! Akala niya nakilala at naalala siya nito ng makita siya. Baka bigla siyang ipakulong nito sa salang 'pagtawag ng baby major in trespassing plus pangungupit ng dalawang libo.'

Mabuti na lamang talaga at hindi siya nito naalala. Nakahinga siya ng maluwag doon.

Nagsimba pa siya sa Quiapo  pagkatapos ng araw na iyon. Lumuhod-luhod pa siya palakad habang nagdadasal na wag ng magkruz ang landas nila ng hinayupak na lalaki.

Pero tingnan mo nga naman kung saan siya bumagsak. Sa dinami-dami ng pwede niyang maging amo ay ito pa! Napilitan pa siyang 'magtransform' from the beauty into the most ugly witch gaya ng paratang nito.

"CANDICE FAYE AGRESTE!"

Mabilis siyang napakura ng marinig na may sumigaw sa pangalan niya. Agad naman siya napaangat sa boss niyang hindi na maplantsa ang noo dahil sa sobrang kunot nito. Dagdag pa ang kilay nitong parang angry birds sa pagkakasalubong.

"Bakit?"

"Seriously? You are asking me why? I call your name not once, not twice or thrice but many times! Tulala ka lang jan at nag ddaydream!"
Bulyaw nito sa kanya.

Kinunutan niya naman ito ng noo, Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti rito ng matamis. "Pasensiya na po sir, marami lang pong iniisip."

"I don't care! Ayoko ng lutang sa trabaho so do your work properly! Unless you want to get fired."

"I'm sorry sir hindi na po mauulit." Paumanhin niyang muli.

Umismid lang ito sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.

"Damn witch! Kinikilabutan talaga ako sa mukha ng babaeng 'to."

Rinig niyang bulong nito na nagpapantig sa tainga niya. Huminga siya ng malalim at pilir pinakakma ang sarili.

'Calm down Candice, pagpinatulan mo yan baka mawalan ka ng trabaho. Tiis ka muna'  pakiusap niya sa sarili.

"May araw ka rin sa akin" bulong niya pa.

"What did you say?" Mabilis siyang napatingin sa boss niyang nakatingin pala sa kanya at nakakunot noo.

"Sir?"

"I heard you murmuring something, what is it?"

"Ako sir? Wala po. Wala po akong binubulong bulong dito."

"You sure?" Naniniguradong tanong nito sa kanya.

"Yes sir. Guni-guni niyo lang po iyon."

"Okay. Magtrabaho ka na jan."

"Opo sir." Sagot niya at napabuntong hininga.

'Wews! Muntik na!'

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon