CANDICE is humming while walking to her condo unit. Alas tres pa lang ng hapon ay umuwi na sila ni Caleb mula sa trabaho. Nag inisist pa nga ito na ihatid siya pero agad niya iyong tinanggihan. Hindi siya pwedeng ihatid nito kahit pa sabihing nasa iisang building lang sila nakatira, hindi pwede dahil siguradong buko siya. Naghahanap pa siya ng tamang tyempo para umamin sa binata. Iniipon niya pa ang lakas ng loob na meron siya.
Habang naglalakad siya sa condo niya ay napalingon siya sa likuran niya. Kunot noo niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. Nagkibit balikat naman siya ng makitang wala namang tao. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Kanina niya pa talaga nararamdaman na parang may sumusunod sa kanya. Ngunit sa tuwing lilingon siya ay wala namang tao.
"Ate!!!"
"Ate namin!!!"
Masayang sinalubong si Candice ng kanyang mga kapatid. Agad niya naman itong niyakap isa isa at hinalikan sa pisnge.
"Nagmeryenda na kayo?" Tanong niya sa mga ito.
"Hindi pa po." Sagot ni Gavin.
Ngumiti naman siya at inilabas ang mula sa paper bag ang box na donut na binili.
"Yehey! Donut!" Magiliw na sigaw ni Gia sa kanya.
"Salamat po ate." Ani naman ni Gavin. Tumango lang siya sa mga ito at ngumiti.
"Sige, kain muna kayo hmm. Magbibihis lang si ate." Paalam niya sa mga ito bago nagtungo sa kwarto at nagbihis.
Simpleng cotton shorts lang ang suot niya. Hindi na niya kailangan mag half bath ulit dahil ginawa na niya iyon sa loob ng opisina ni Caleb kanina. Halos wala nga silang ginawa doon kundi ang magyakapan at matulog matapos ng pag-uusap nila.
Pagkatapos magbihis ay lumabas na si Candice sa kwarto. Nakita niya ang kambal na abala sa panonood sa TV habang kumakain ng donut. Lumapit siya sa mga ito at pumagitna.
"Gusto niyo mamasyal bukas?" Aniya.
"Talaga ate? Mamasyal tayo bukas?" Nagniningning na matang tanong ni Gia.
"Hmm, para hindi kayo mabored dito masyado. Pasyal tayo bukas wala namang pasok si ate." Sagot niya.
"Excited na akong lumabas ulit ate." Ani naman ni Gavin na nasa tabi niya.
"Bored na kayo dito?"
"Medyo po pero ayos lang po ate. Ayaw naman po namin na kulitin ka kasi baka pagod ka sa trabaho." Sagot ni Gavin sa kanya. Ngumiti maman siya rito at yumakap.
"Ang bait naman ng mga kapatid ko. Pakiss nga si ate." Paglalambing niya at niyakap ang mga ito ng mahigpit bago halikan sa bawat ulo.
IT'S ALREADY 10pm at mulat pa rin ang mata ni Candice. Hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Nilingon niya ang kambal sa tabi at napangiti ng makitang himbing na himbing ito sa pagtulog.
Dahan dahan siyang bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Iniwan niya ang cellphone sa loob at gumamit na lang ng ilaw bilang liwanag. The last time kasi na dala dala niya ang cellphone, para siyang aatakihin sa puso dahil sa mga sunod na nangyari.
Pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Nakaupo lang siya roon habang sumisimsim ng gatas na tinimpla. Ilang minuto ang nakakalipas ng may biglang magdoorbell sa labas. Sinalakay ng kaba si Candice at napalunok ng mariin. Iisang tao lang ang kilala niyang mahilig mag doorbell sa dis oras ng gabi.
Huminga ng malalim si Candice. Paulit ulit niya iyong ginawa hanggang sa kumalma siya. Nang masigurong ayos na siya ay naglakad siya patungo sa pintuan at binuksan iyon. Tama nga ang hinala. Dahil ang nasa labas ng condo niya ngayon ay si Caleb!
"Hey!" Agad na bati nito sa kanya at ngumiti. Ngunit bakas naman sa mata nito ang pagtataka ng makita siya.
"Ikaw pala Caleb. Ahmm... si Candice ba ang sadya mo?" Muntik na siyang mautal sa tanong.
"Yeah? Tulog na ba siya?" Tanong nito at sinilip pa ang loob ng condo.
Palihim naman siyang napalunok bago sumagot. "Ah, wala rito. Umalis siya kanina. Dumaan lang dito saglit para magbihis."
"Again? I texted her na pupunta ako ngayon dito tapos wala siya?" Hindi na maunat-unat ang noo nitong kunot na kunot.
"Oo eh kaya ako muna yung nagbabantay sa mga kapatid niya. Pumunta siya sa kaibigan namin."
"Sinong kaibigan?" Nananantsyang tanong nito.
"Ah...si Antonette, yeah si Antonette yung maid naming kaibigan." Kinakabahang sagot niya.
An 'o' formed in Caleb's lips. "I see. Yung sinasabi niyang may problema." Tatango tango na ani nito.
"Yeah. Hmm ano, pasok ka muna. Baka gusto mo magkape." Paanyaya niya. 'Tumaggi ka! Tumanggi ka!' Mahinang bulong niya sa isipan habang pekeng nakangiti rito.
"Sure." Sagot nito na nagpalaglag sa panga niya.
"Sigurado ka?" Gulat na tanong niya. Kumunot naman ang noo nito sa kanya at sumagot.
"Yeah. I want to see the condo unit na tinitirhan ni Candice."
"Ahh, haha. Sige sige pasok ka." Awkward na tawa niya bago niluwagan ang pinto para pumasok ito.
Agad naman nitong ipinalibot ang tingin sa buong condo unit ng makapasok ito. Nasa likod lang siya nito nakayuko at kinakagat ang sariling kuko. 'Tanga mo Candice! Inaya mo pa talaga!" Mahinang bulong niya sa sarili.
"May sinasabi ka?"
Napaatras sa gulat si Candice dahil sa biglang tanong nito. Napatid pa siya ng sariling mga paa dahilan para muntik na siyang mawalan ng balanse at matumba. Ngunit gayunpaman, mabilis naman ang naging paghawak ni Caleb sa mga bewang niya kaya ngayon ay halos magkadikit na sila at ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha.
Napatitig siya sa mukha nito. Maraming beses na niyang natitigan ang binata pero iba pa rin kapag malapitan. Nakita niya rin ang mariin na paglunok nito habang nakatingin sa kanya pababa sa mga labi niya. Pakiramdam ni Candice bumalik na naman ang init na nararamdaman niya kanina sa office.
Siya ang unang nag-iwas tingin at tumikhim. Kumawala siya sa hawak nito at umayos ng tayo. "P-pasensiya na. Masyado akong clumsy." Nakayukong sabi niya rito. Hindi ito sumagot kaya nag-angat siya ng tingin. Nahuli niya itong nakakunot noo at nakatiim bagang. Namumula rin ang leeg nito at tainga.
"Ah, Caleb ayos ka lang?" Tawag pansin niya rito.
Tumingin naman ito sa kanya. Mariin siyang tinitingan. Mula ulo hanggang paa tapos pabalik sa mukha. Nagtagal ang tingin nito sa mga mata niya. "Imposible! It can't be her. They're two different person. Fuck! I should only feel this feelings towards to Candice! Not with anyone." Frustrated na bulong nito na narinig niya naman.
Mariin naman siyang napalunok at pakiramdam niya tinakasan ng kulay ang mukha niya sa pamumutla. Akmang tatawagin niya muli ito ng bigla itong lumingon sa kanya at seryosong tinitigan siya.
"B-bakit?" Utal na tanong niya. Kumunot noo lang ito at umiling. "Damn!" Rinig niya mahinang mura nito bago naglakad palapit sa kanya dahilan para mapaatras siya.
"B-bakit?" Tanong niyang muli.
"Nothing. Thanks for the offer of Coffee but I should go now and..." napalunok ito at muling tumingin sa labi niya. Wala sa sariling napadila naman siya dahil dun. Narinig niya ang pagtikhim nito at pag-iwas tingin. "And, wag mo na lang sabihin kay Candice nangyari, pati ang pagpunta ko. Ako na lang ang magsasabi sa kanya."
Tumango naman siya rito. "Okay." Sagot niya.
"Okay thanks again." Anito at naglakad patungo sa pinto niya. Narinig niya pa ang mahihinang mura nito habang lumalabas.
Tsaka lamang napahinga ng maluwag si Candice ng wala na ito. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok nun.
'Damn! Muntik na!'
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
AksiyonCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...
