Chapter Five

11.5K 261 4
                                    

"HOY CANDICE! Kung hindi niyo lang din naman kaya magbayad ng renta ng mga kapatid mo, aba'y mag-umpisa na kayong magbalot-balot! Lumayas kayo dito sa apartment ko! Nalulugi paupahan ko sa inyo eh!" Maaga pa lang ay pagbubunganga na ng landlady nilang si Aling Ivica.

Kaya maging ang ibang nagrerenta rin sa building na iyon ay nagsimula na ring maglabasan sa kani-kanilang bahay at naki-usyoso.

Mahinanon namang lumabas ng tinutuluyang apartment si Candice at nahihiyang hinarap ang ginang.

"Pasensiya ka na po aling Ivica. Pangako sa susunod na linggo ay magbabayad na po kami ng upa. Maghintay lang po kayo sandali. Wag niyo 'ho sana kaming palayasin agad, maawa na po kayo sa amin. Wala na po kaming mapupuntahan ng mga kapatid ko." Pagpapakiusap niya sa ginang.

"Aba'y hindi ko na problema iyon Candice! Ang gusto ko pera! Magbayad kayo! Ilang buwan na kayong hindi nakakapagbayad ng renta! At tsaka paano mo ako mababayaran sa sunod na linggo aber? Ni kulang pa nga sa pagkain niyo ang nakukuha mong sweldo bilang crew at waitress ng bar."

"Pasensiya na po talaga aling Ivica. Pangako magbabayad na po ako ng renta sa susunod na linggo, wag niyo lang po kami palayasin. Naghahanap na po ako ng maayos na trabaho."

"Ayoko ng puro pangako Candice. Kung sana hindi ka na lang nag-waitress sa bar ba pinapasukan mo. Dapat nagpokpok ka na lang! Maganda ka naman at pwede mo pagkakitaan ang katawan mo para may maipambayad ka naman sa akin!" Suhesyon ng ginang.

Agad namang nag-init ang ulo ni Candice sa narinig. Walang araw na hindi pumupunta roon ang ginang para singilin siya. Wala ring araw na hindi nito pinagtutulakan na magpokpok na lang siya.

Hinding-hindi niya gagawin ang bagay na iyon! Kahit magduldol sila ng asin. Kahit magtrabaho siya umaga hanggang gabi ay ayos lang, basta malinis at may dangal ang trabaho niya. Hindi sila pinalaki ng magulang niya para lang maging bayaran na babae. Lumaki man sila sa hirap magkakapatid at maagang naulila dahil sa maagang pagkawala ng magulang, kailanman ay hindi sila tinuruan ng magulang na gamitin ang katawan o gumawa ng hindi marangal na gawain para mabuhay lang.

"Hindi gagawin yun ng ate ko! Kung gusto mo tanda, ikaw na lang magpokpok!"

Nanlalaki naman ang mata ni Candice sa biglang pagsabat ng kapatid niyang lalaki. Agad niya itong hinila pabalik at pinapasok sa loob ng apartment.

"Aba't! Wala na ngang pinag-aralan, wala pang modo! Manahimik ka jan kung ayaw mong ikaw ang kunin at ibenta sa mga sindikato pambayad ng utang niyo!" Nanlilisik na matang sigaw ng ginang sa kapatid niyang ngayon ay nagtatago na sa likuran niya.

Pinandilatan niya naman ng mata ang kapatid dahil sa ginawa nito bago muling humarap sa ginang na ngayon ay mas namula na sa galit.

"Pasensiya na po talaga aling Ivica. Pakiusap wag niyo po sanang kunin ang kapatid ko. Wag niyo po kaming palayasin agad. Magbabayad na po talaga ako sa susunod na linggo." Pagmamakaawa niya rito.

Umismid lang ang ginang sa kanya at inirapan siya. "Kapag wala ka pa ring naibigay sa susunod na linggo, pasensiyahan tayo at mapipilitan akong kaladkarin kayo ng kapatid mo palabas ng apartment ko."

"Opo aling Ivica. Salamat po talaga. Pangako magbabayad na po kami."

Hindi na siya sinagot ng matanda at iripan lang. Napahinga naman siya ng maluwag ng umalis na ito. Nagsipasukan naman ang ibang nakikiusyosong rumerenta rin sa kani-kanilang apartment. Ganun din ang ginawa niya. Pumasok siya sa apartment na tinutuluyan nilang magkakapatid at hinarap ang mga ito.

Tiningnan niya ang nakababatang kapatid na lalaki na nakayuko at hindi makatingin sa kanya. Habang ang isa naman ay tahimik lang ngunit bakas ang takot at luha sa mga mata. Napabuntong hininga na lang si Candice at niyakap ang mga kapatid.

"Sorry ate kung nakisabat ako sa usapan niyo kanina. Baka sundin mo siya at magpokpok na lang dahil pamigat kami sayo." Mahinang ani ni Gavin sa kanya.

Hinalikan niya naman sa ulo ang kapatid at nginitian ito. "Hindi kailanman gagawin iyon ni ate okay? Hindi rin kayo pamigat sa akin. Promise, kapag nakahanap na ng trabaho si ate, babalik na kayo sa pag-aaral tapos aalis na tayo rito."

"Bibili po tayo sariling bahay ate? Di na tayo uupa?" Tanong ni Gia sa kanya. Nginitian niya ito at ginulo ang buhok.

"Opo, hindi na tayo uupa at bibili na si ate ng sariling bahay. Kaya magpakabait kayo dito okay? Wag lalabas ng apartment. Ilock ang pinto at wag bubuksan kung hindi si ate ang kakatok."

"Opo ate." Sabay na sagot ng mga ito.

"Sige. May kanin na jan at de lata. Papasok muna si ate sa trabaho. Baka gabihin din ako kasi maghahanap pa ng ibang mapapasukan si ate. Kaya dito lang kayo okay? Wag maingay at pasaway. Behave lang."

"Opo." Sagot muli ng mga ito.

Niyakap niyang muli ang mga kapatid at hinalikan sa ulo. Maya maya pa ay nagpaalam na siya sa mga ito at pumasok sa trabaho niya bilang crew ng Mang Inasal. Hindi na muna siguro siya papasok sa bar mamaya at maghhalf day na lang muna siya ngayon.

Kailangan niyang makahanap agad ng trabaho. Hindi pwedeng palayasin agad sila sa tinitirhan. Hindi sapat ang ipon niya para makahanap agad ng titirhan nila ng mga kapatid niya.

Sa estado niya ngayon ay nahihirapan siyang maghanap ng trabaho. 2nd year college lang ang natapos niya, habang parehong elementarya naman ang kambal niyang kapatid.

Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Lumilipad ang isipan niya kaya hindi niya napansin ang puting sasakyan noong tatawid na siya. Huli na ng mapagtanto niya ito. Kasabay ng malakas na busina nito ay siyang malakas na pagtili niya at mariin na pagpikit.

Kung iyon man ang katapusan niya ay hindi niya alam. Ngunit nananalangin siyang sana'y hindi. Ulila na sila sa magulang at siya na lang ang aasahan ng mga kapatid niya. Masyado pa itong mga bata para iwan niya rin, kaya sana ay kung mababangga man siya at magkakalasog ang katawan, sana ay mabuhay pa rin siya, para sa mga kapatid niya.

Hinintay niya na tumama ang sasakyan sa katawan niya ngunit ilang minuto na ang lumipas ng wala naman siyang maramdaman na masakit sa katawan niya. Dahan dahan niyang idilat ang mata niya at tiningnan ang buong katawan.

Buhay pa naman siya. Buo pa ang katawan niya at hindi lasog-lasog ang katawan niya. Napabaling naman ang tingin niya sa sasakyan na muntik ng makasagasa sa kanya at napahinga ng maluwag ng makitang nasa ilang dangkal pa ang layo nito mula sa kanya.

Tulala lang siyang nakatayo roon hanggang sa bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang isang gwapo at matangkad na lalaki.

Nanlalaki pa ang mata niya habang tinitingnan ito. Kilala niya ito! Nakita niya na ito! Hindi siya nagkakamali!

"Ikaw! Kilala kita!"

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon