Chapter Thirty Two

9.4K 276 6
                                    

"Dapat handa ka na kung dumating ang araw na ayaw niya na talaga, kaya mong palayain siya at ipaubaya sa iba."


"Panglimang buntong hininga mo na yan Caleb. Ayos ka lang?" Tanong ni Liam sa kanya.

"Dude kung wala ka sa kondisyon I suggest na magpahinga ka na lang. We are going in the mission, hindi pwedeng distracted ka." Cole said.

"Gago! Zeke, wag mo na ngang pasamahin tong gagong 'to! Gusto yatang magpakamatay!" Sigaw ni Blake.

"No. Baka magsisi lang yan kung hindi ko siya pasamahin sa misyon na 'to." Seryosong saad ni Zeke sa kanila. Agad namang nangunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan ngunit hindi na rin nagtanong.

"Okay gagos! We will be your eyes and tonight, you need to save the Governor's 3 years old daughter." Ani ni Ralph mula sa kabilang linya.

They are actually outside in the abandoned hospital. Him, Cole, Liam and Blake. While their eyes for this mission is Ralph, Keir, Craige at Giovanni. Andrei is on leave for his honeymoon. Zeke will serve as an eyes for everybody, in short he is just observing them.

"Bata? Kidnapping? Kidnap for ransom ba?" Kunot noong tanong ni Cole.

"No. Kalaban ng Governor sa susunod na election. The Governor is outside with a woman, probably his wife or girlfriend. I'm not sure." Zeke said from the other line.

"Oh? Politics nga naman. Ang dumi maglaro." Komento ni Liam.

Hindi na nakisali pa si Caleb sa usapan. Wala siya sa mood para sa mga usapan nito. Ang nasa isip niya lang ay matapos ang misyon ng sa ganun ay makapagpahinga na siya.

"Caleb, ikaw ang kukuha sa bata at magbibigay sa magulang. The other will cover you." Zeke added.

"Mukhang hindi alam ng kalaban ni Governor na darating kayo jan. I can only see 15 men in the whole place. Low quality of gun too at mukhang hindi naman professional killer. You can finish the mission within 30 minutes." Ralph said.

"Ayos! Makakauwi agad ako!" Mahinang bulong ni Cole.

"Tangina! Tigang ka bang gago ka?!" Inis na sabi ni Blake rito sabay sipa sa paa. Akmang gaganti si Cole ng magsalita si Rios.

"Enough. Position everyone and focus." Van said.

"They are only 5 men in each floor. The kid in on the 3rd floor. Inside the emergency room. The Governors Rival is there too together with the 5 men." Keir

"You have 20 mins to save the kid. The whole place will explode after 1 hour. The police are outside too, ready to catch the culprit, together with the kid parents." Craige added.

"You start in the 1st floor Blake, distract the men so Caleb, Liam and Cole can proceed to the next. On the second floor ikaw ang maiwan Cole. Pagkarating niyo Caleb at Liam sa third floor, dumiretso ka sa emergency room Caleb while Liam will distract the men."

"Hanggang distract lang? Can we kill them?" Kunot noong tanong ni Blake

"No killing involve. Pilayan niyo kung gusto niyo pero wag niyong patayin." Rios said.

"Okidoks!" Sagot agad ni Blake.

"Your 20 mins starts now." Zeke said

Walang ingay na pumasok sila ng building. Gaya ng plano Blake will distract the men on the 1st floor.

"Hoy sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!" Rinig nilang sigaw ng isa sa mga lalaki habang paakyat ng second floor.

"May nakapasok-" hindi na narinig ang sunod na sasabihin nito.

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon