NAGTATAKA lang ang tingin sa kanya ng lalaki na animo'y nawewerduhan sa kanya. Ngunit maya maya pa ay nahihiyang napatawa ito at napakamot sa batok.
"Oh, ahm... Pasensiya ka na ha, hindi ka kasi pamilyar sa akin."
Mabilis namang umiling si Candice sa sinabi nito. "Hindi ayos lang. Normal lang iyon." Agad na sabi niya.
Bumukas naman ang isa kabilang pinto ng sasakyan at lumabas doon ang isang magandang babae. Para siyang nakakita ng artista ng makita ito ng personal. Kilala niya rin ang babaeng ito!
"Oh! Ikaw din! Kilala po kita!" Masayang sabi niya sabay turo sa babae.
Nagtatakang napaturo naman ang babae sa sarili niya at pagkuwa'y napalingon sa lalaking kaharap din na nagkibit balikat lang sa babae.
Palipat-lipat ang tingin ni Candice sa dalawa. Nakaka star struck ang mga hitsura ng mga ito. Hindi niya akalain na makikita niya ito ng personal at malapitan pa!
"Excuse young lady but... do you perhaps know us? I mean yeah? You seems to know who we are but we don't know who are you?"
"Ay ayos lang po yun! Ako si Candice Faye Agreste! Kilala ko po kayo kasi napapanood ko kayo minsan sa interview sa TV tapos sa magazine at dyaryo. Kayo po yung manager ng Lacsamana Company diba? Tapos ito naman pong si kuya gwapo ay personal assistant ng may-ari po. Lagi ko po kayo nakikita sa mga binabasa kong dyaryo. Isa po ako sa mga humahanga sa inyo kasi kahit once in a blue moon pumasok yung amo niyo ay nagagawa niyo pa rin ang trabaho niyo. Tapos loyal pa kayo sa kanya. Bihira po ang ganun!" Masaya at mahabang paliwanag niya.
Natawan naman ang mga ito sa kanya at pagkuwa'y nilapitan siya ng babae. "I like you na. You look decent, bubbly and kind. Mukha kang masipag." Malumanay na ani sa kanya ng babae.
"Ayy hindi naman po sa pagmamayabang pero masipag po talaga ako ma'am. Nagtratrabaho po akong Crew sa Mang Inasal pag-araw tapos waitress naman po sa club— pero hindi po ako pokpok o bayaran!" Mabilis niyang sabi sa mga ito.
"Waitress lang po trabaho ko dun. Wala na po kasi akong ibang mapasukan na trabaho. Wala na po kasi kaming magulang, tapos 2nd year college lang natapos ko. May mga kapatid din po ako pinapakain at rumerenta lang po kami ng bahay, dahil yung bahay namin dati ay squatter area po kaya nasama ng pinademolish ang lugar." Malungkot na ani niya sa mga ito.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Muli naman siyang binalingan ng tingin ng babae at nginitan. "Do you want a job?"
"Syempre naman po, of course! Oo! Yes madam!" Agad na sagot niya sa tanong ng babae. Napatawa naman ang lalaki sa kanya at naiiling na tumalikod sa kanila. Sumenyas ito sa babae na maghihintay na lang sa loob ng sasakyan.
"Good. Do you know perhaps about business management?"
"Opo! Yun po ang course ko, kaso natigil po ako sa pag-aaral. Ganun din po ang mga kapatid ko." Malungkot na dugtong nito.
Tumango tango naman sa kanya ang babae at ngumiti. Sinipat ito ang kabuoan niya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay biglang napasimangot.
"Bakit po?" Takang tanong niya rito.
"You're pretty. You're sexy and innocent. Mabait at decente pero hindi papalagpasin ng kumag na iyon ang mga katulad mo, paano kaya 'to." Ani nito na tila stress na stress sa pag-iisip.
"Ah? May problema po ba sa mukha ko? Hindi po ba qualified yung height ko?" Tanong niya.
Sinipat niya ang sarili. Maganda naman siya, alam niya yun dahil laging bukambibig yun ng bawat tanong nakikilala niya. Maganda rin hubog ng katawan niya at sabi nila at perfect daw ang vital stats niya. Pwede na nga daw siya magmodel kaso kinulang siya sa height.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
AçãoCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...