Chapter Thirteen

13.3K 318 7
                                        

MAAGA PA LANG ay pumasok na si Candice sa trabaho. Saktong alas sais ng umaga ay nandun na siya.

"Magandang umaga! Ang aga mo naman iha." Bati sa kanya ng guard. Ngumiti lang siya kay manong guard at bumati rin.

"Magandang umaga rin po manong guard. Yes po, marami kasing kailangang gawin." Magalang na sagot niya rito.

Tumango lang din ito sa kanya at ngumiti. Nginitian niya rin naman ito pabalik. Maliban kina Ark at Sarah, si manong guard lang ang isa sa maayos nag pakikitungo sa kanya. Yung tratong 'TAO' at walang panghuhusga.

Nagpaalam si Candice sa guard at tuloy tuloy na naglakad patungo sa elevator. Sinadya niya talagang pumasok ng maaga ngayon kahit alas otso pa naman ang pasok niya. Isa pa, alam niyang maaga rin papasok ngayon sina Sarah at Ark. Tinawagan niya ito kagabi pagkatapos ng nangyari na muntik na siyang mabuko.

"Oh tapos? Hindi ka naman nakilala diba? Anong iba pang nangyari?" Sunod sunod na tanong ni Sarah sa kanya ng makapasok siya ng opisina. 

Kwenento niya ang lahat sa mga ito. Maging ang paghatid niya kay Caleb sa condo nito ng makatumba ito sa sobrang kalasingan. Pero syempre hindi niya sinabi yung pangungupit niya ng dalawang libo rito.

"Kailangan na natin mag-ingat sa susunod. Lalo ka na. Lahat tayo malalagot kapag nalaman 'to ni Caleb." Seryosong mungkahi ni Sarah.

Napayuko naman siya at napabuntong hininga.  Of course she knows the consequences kapag nabuko sila. Goodbye work siya sigurado at papalayasin sila nito sa condo na tinitirahan.

"Yeah, you should be more careful Cand, muntikan na yung kagabi. Consider that as a warning and lesson." Ani naman ni Ark.

"Caleb might be kind and understanding. He can go with a flow, joke around and such. But we all know that he has limitations." Sarah said.

"He hates liar." Dagdag pa ni Ark na mas lalong nagpakaba kay Candice.

"Hindi natin habang buhay matatago 'to. Darating ang araw na malalaman niya ang lahat ng mga ito."

"Aalis ako. Mag rresign ako." Mahinang ani niya.

"What? Saan ka naman pupunta kapag mag resign ka? Alam mo ano mangyayari kapag mag resign ka. Paano ang mga kapatid mo?" Gulantang na tanong sa kanya ni Sarah.

Nag-angat siya ng tingin dito at ngumiti. "Kapag nakaipon na ako ng malaki, aalis na ako. Siguro babalik na lang kami sa probinsiya ng mga kapatid ko. Sa bahay siguro ng lolo at lola namin kami titira muna. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ng kambal. Sa ngayon...magtitiis muna ako. Magtitiyaga muna ako at mag-iingat na hindi mabuko."

"Sigurado ka na ba jan sa plano mo?" Paniniguradong tanong ni Sarah sa kanya.

Tumango ako sa mga ito at huminga ng malalim. "Sa tingin ko naman may malaking ipon na ako months from now. Sapat na po siguro yun para magtayo ako ng maliit na sari-sari store sa probinsiya. Tskaa ayokong madamay ni kuya Ark—"

"Wrong. Damay talaga kami. Kami ang nagplano nito remember? We just drag you in this mess because of selfish reasons." Putol ni Sarah sa sinasabi niya.

Tumango tango naman siya bilang pag-intindi sa rason ng mga ito. "Naiintindihan ko. I am thankful actually that its me who you drag in this mess. Because if its really a mess, I consider this as a beautiful mess. A blessings in disguise."

"I hope Caleb will see what I can see right now, right babe?" Biglang sabi ni Ark sabay tingin kay Sarah na malamlam ang matang nakatingin sa kanya.

"Yeah, I hope so." Sang ayon nito sa nobyo habang nakatingin pa rin sa kanya. "I really like you talaga. You are not just pretty. You're also kind and—"

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon