AFTER their Wedding in the Philippines, Caleb and Candice decided to go in Paris for their 2 Months Honeymoon. Ngunit ang inaasahan ni Caleb na masayang Honeymoon sana nila ng asawa ay nauwi sa wala. Halos dalawang linggo na silang naroon at magpakasaya at sarap ngunit heto na naman siya, pana'y ilag sa bawat binabatong gamit ng buntis na asawa.
"Baby, calm down. Wala naman kasing ganung pagkain-ouch!" Daing niya bigla ng tamaan siya ng lotion. Fuck! Ang sakit nun! Pakiramdam niya magkakabukol siya sa noo dahil dun.
"Anong wala! May ganung pagkain! Hindi mahirap hanapin ang Chicken Salad na hudyo ka!" Galaiting sigaw sa kanya ng asawa habang walang tigil ang pagbato sa kanya.
"Damn!" Mura niya ng masapol ang ilong niya ng suklay. Shit! Ayokong umuwi ng Pilipinas na puro pasa ang mukha!
"Aba't! Minumura mo na ako ngayon ha! Pagkatapos mo akong asawahin at buntisin, mumurahin mo lang pala ako!"
"What? No! Hindi ikaw ang minumura ko baby. I am coursing myself." Agad na paliwanag niya at akmang lalapit dito upang pakalmahin ngunit naunahan siya nito at pinagpapalo ng feather duster.
"Hudyo ka! Magpapalusot ka pa! Narinig kitang bakulaw ka! Lumayas ka rito! Ayoko na sayo! Pangit ka! Mabaho ka! Ayoko na sayo! Maghiwalay na tayo! Ang liit liit ng hinihingi ko hindi mo maibigay! Gusto mo yata kaming gutumin ng anak mo!"
Mariing napapikit si Caleb. Sinabunutan niya ang sariling buhok para pigilan ang sarili na mapamura muli. 'Fuck! How did his married friends survive this?!' Oo nga maliit lang ang hinihingi nito. A fucking chicken salad pero ang halo naman sa salad na gusto nito ay nakaka alien.
Saan siya hahanap ng chicken salad na may bagoong, buko, macaroni, manok na giniling, cheese at umaapaw sa puti na gatas? Iniisip pa nga lang niya ang hitsura nasusuka na siya. Hindi na siya magtataka kung hindi normal ang anak nila paglabas.
"Ano?! Bakit hindi ka makapagsalita?! Siguro may babae ka noh?! Ayaw mo na sa akin kasi papangit na rin ako gaya mo. Lalaki na tiyan ko. Malolosyang na ako." Ani nito at nagsimula ng humikbi. Nataranta naman siya at agad na nilapitan ang asawa.
"Shh. No. No. Don't think that way hmm? Wala akong babae, hindi ako titingin sa iba kasi ikaw lang sapat na okay?" Pag-aalo niya rito at niyakap. Lihim siyang napahinga ng malalim ng hindi siya nito itulak.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Basa ng luha ang mga mata. "Talaga? Eh bakit hindi mo mabili bili yung gusto namin ng baby natin?" Humikhikbing ani nito.
"Baby, there is no such food like that. That is so alien-"
"So what? Alien kami ng anak mo ganun!" Agad na sumbat nito sa kanya. Humiwalay ng yakap at masama ang tingin na ipinupukol sa kanya.
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Mahaba ang pasensiya niya pero may limitasyon iyon. Pumikit siya ng mariin at inalala ang mga sinabi ng kaibigan niyang may asawa rin.
"Pregnant women are very sensitive. Konting bagay umiiyak na sila. Kapag hindi mo nabigay ang gusto nila magagalit agad." Giovanni said.
"Yeah. I can still remember how difficult it is for me when my wife was on her early pregnancy. She keeps asking me alien foods and fruits. And believe me man, kapag hindi mo nabigay agad ang mga yun, parang may world war 3 sa bahay niyo." Ani naman ni Ralph.
"Goodluck man. I suggest to longer your patience. Pregnant women are very sensitive and hard to understand." Zeke said.
"Yeah. Kapag naiinis ka na at malapit na sumabog dahil sa dami ng sinasabi ng asawa mo, isipin mo na lang kasalan mo yun. Binuntis mo. Anak niyo ang dinadala niya. Mahirap sa kanila yun lalo na kapag may mga morning sickness. Believe me, sobrang hirap nun. I witness how my wife suffered because of those sickness." Ralph added
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
AcciónCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...
