Chapter Thirty Five (Part 2)

13.9K 322 5
                                        

Pagkatapos marinig ni Candice ang sinabi ni Keir ay nanghihinang naibagsak niya ang cellphone. Sunod sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang labi sa bawat hikbi.

"Ay naku ma'am anong nangyari sayo?!" Tarangtang sigaw Camille na siyang tagapangalaga sa mga kapatid niya.

Inalalayan siya nitong tumayo. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng dalaga at doon kumuha ng lakas upang maibalance ang sarili dahil ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Humarap siya sa dalaga at nangungusap na tumigin dito.

"Camille, ikaw na munang bahala rito ha? Bantayan mo muna ang mga bata habang wala ako. Hindi ko alam kung kailan at anong oras ako makakauwi basta alagaan mo sila." Nakikiusap niyang sambit dito.

"Opo ma'am walang problema. Ano po bang nangyari at umiiyak kayo? Nag-aalala ako sa inyo ng makita ko kayong nakasalampak sa sahig. May mga bubog pa naman po, mabuti at hindi kayo nasugatan." Bakas sa pag-aalalang tanong ng dalaga sa kanya. Dahil sa tanong nito ay muling bumuhos na naman ang mga luha niya sa mata. Nataranta naman ang dalaga kaya dali dali siya niton inalo. "Ay naku ma'am! Wag na po kayong umiyak."

"I c-can't help it. Si C-Caleb. Si Caleb..." hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin. Nagkakautal-utal pa siya sa pagsasalita dahil sa paghikbi.

"Ay ano po bang nagyari kay sir?"

"He was s-shot, Camille. He w-was s-shot." Humihikbing aniya.

"Ay Diyos ko po! Naku ma'am sige ako na pong bahala sa kambal. Tatawagin ko po si Danilo para ihatid kayo sa hospital kung nasaan man si sir." Tarantang ani nito at lumabas ng kusina para tawagin ang driver nila. Napaiyak na lang si Candice sa sobrang pag-aalala.

'Oh God! Wag niyo po sanang hayaang may mangyaring masama kay Caleb. Parang awa niyo na. Iligtas niyo po siya."





NANG makarating si Candice sa hospital ay sinalubong siya ng mga kaibigan nito. Naroon ang mga ito sa labas ng ER.

"Where is he? Asan si Caleb?" Umiiyak na tanong niya sa mga ito.

"He is inside the ER." Sagot ni Cole sa kanya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso.

"His gonna be alright, right? Hindi naman malala yung tama niya? It just near in his heart but it doesn't mean it pierce his heart." Pangungusap niya rito. Bakas ang pagsusumamo sa mata niya habang umiiyak.

"Asan si Liam? Sino ang tumawag sa akin? Where is Liam?!"

Lahat sila ay napalingon sa babaeng biglang dumating. The woman is wearing a classy dress, sexy but not that revealing. Maganda ito at matangkad. Bumagay sa mukha nito ang mahaba at wavy na buhok.

"Now I know kung bakit baliw na baliw si Smith dito." Rinig niyang bulong ni Blake kay Ralph.

"Yeah. Indeed. My brother is an asshole. Ngayon alam ko na kung bakit nilayasan siya ng babae niya." Naiiling naman na sagot ni Ralph.

"Ano? Pepe na rin kayo kagaya ng mokong na yun? Bakit 'di kayo nagsasalita asan na yung-"

"He is also inside in the ER miss. Mas malala ang lagay ng 'boyfriend' mo kaysa sa isa naming kaibigan pa. He hit his head severely ng aksidenteng mawalan ng balance ang sasakyan nila. The enemy shot their car multiple times. Kasama niya ang isang kaibigan namin sa loob. Our friend shot two times and one of the bullet almost pierce his heart according to the doctor. While Liam, your boyfriend was shot three times on the back and hit his head multiple times." Mahabang lintaya ni Craige sa kanila dahilan para mapatahimik silang lahat.

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon