CANDICE IS trembling and sweating bullets because of nervousness. Maaga siyang pumasok sa opisina dahil ayaw niyang maunahan siya ni Caleb.
After the incident na nangyari kagabi hindi alam ni Candice kung ano ang gagawin. Nabuko na siya ng mga kaibigan ng amo!
"Tanga-tanga mo kasi Cand! Ang daldal mo kasi!" Sermon niya sa sarili habang inuutog ang sariling ulo sa lamesa.
"If I were you ititigil ko yang ginagawa mo."
Mabilis na napaangat ng tingin si Candice ng bigla na lamang may nagsalita. Nanlalaki ang mga mata niya ng mapagtantong isa iyon sa mga lalaki kagabi na sumundo sa amo niyang kulang-kulang.
"Hi secretary ni Caleb! Ganyan pala ayos mo kapag secretary ka niya. Mangkukulam sa umaga, dyosa sa gabi. Ang galing parang Cinderella!" Ani ng lalaking laging nakangiti at charming ang mukha. Yung mukhang playboy.
"Gago! Anong Cinderella? Maganda naman si Cinderella umaga man o gabi." Sabat naman ng isa. Yung nakaakbay dito kagabi.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Utal na tanong niya. Namamawis na rin ang kamay niya sa kaba.
'Paktay kang bata ka! Malamang isusumbong ka ng mga yan!' Sigaw niya sa isipan.
"Don't worry we don't stick our nose in someones businesses, so your secret is safe to us." Ani ng lalaking laging may nakakatakot na aura.
"Talaga?!" Pakiramdam ni Candice ay nakarinig siya ng musika sa langit dahil sa sinabi ng lalaki. Ngunit mabilis ding umiling at nanliliit ang matang nagbalik tingin dito.
"Siguro may kapalit yan noh!" Tanong niya rito at sinamaan ng tingin.
Nakita niya naman ang pagngisi ng lalaki sa kanya na tila naaaliw sa nakikitang reaksyon mula sa kanya. "You're smart, I see." Ani nito at pinasadahan siya ng tingin.
Nanlalaki ang mga matang napayakap si Candice sa sarili niya dahil sa uri ng tingin nito. "B-bakit ganyan ka m-makatingin?! P-para kang nangangain ng buhay ah!" Sigaw niya rito habang dahan dahan na umaatras.
And for the first time, nakita niyang tumawa ang lalaking may nakakatakot na aura. Maging ang mga kasama nito ay nakisabay na rin sa pagtawa.
"You're funny. Now I know why that brute is interested to you." Natatawang anito at umiling-iling pa. Pagkuwa'y ngumisi ito sa kanya at naupo sa sofa. "Sit down first miss. Let us introduce ourselves first before we proceed to my condition." Anito at naglahad ng kamay patungo sa upuan sa harap.
Hindi agad siya gumalaw sa kinatatayuan. Nanliliit lang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ito.
"Don't worry. You might be pretty but definitely not our type. You are someones property now. We love our life so more than how we love beautiful woman so..." dagdag pa nito at itinuro ang upuan sa harap ng mga ito.
Dahan dahan naman siyang humakbang sa mga ito at umupo sa sofa na kaharap ng mga ito. Ibinaba na rin niya ang kamay na nakayakap sa sariling katawan. Napagtanto niya kasing masyadong gwapo ang mga ito para maging rapist lang. Sa itsura ng mga ito, hindi ito ang tipo ng mga lalaking maghahab sa babae o magpipilit. Baka babae pa nga ang naghuhubad sa harapan ng mga ito.
'Candice Faye Agreste! Puro kahihiyan na lang ang ginagawa mo sa sarili mo!' Sermon niya sa sarili.
"So, Ms. Agreste I hope you don't mind if we do a little background check to you. We just did it for safety purposes."
"Excuse me? Mukha ba akong gagawa ng masama sa amo niyo?" Hindi niya mapigilang sabat habang nakataas ang isang kilay.
"We don't know that's why we did a background checking. Anyway, 'lemme' introduce myself. I am Craige Matthew Sowyer, one of the close friend of Caleb." Pagpapakila ng medyo second in rank sa pagiging seryoso.
Hinintay ni Candice na maglahad ito ng kamay since yun naman ang ginagawa kapag nagpapakilala, right?
"We don't do shake hands to the woman of our assholes friend." Ani ni Craige na tila nabasa ang iniisip niya.
Hindi man niya nakuha ang ibig sabihin ng sinabi nito ay kiming tumango na lang siya.
"Hi! Andrei Jace De Guzman is the name. The most handsome, cute, sexy and fresh, please to meet you Cinderella." Magiliw na pagpapakilala naman ng lalaking mukhang playboy at charaming.
Indeed. He is cute.
"You're charming, I like your smile." Hindi niya mapigilang puri rito at ngumiti. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa binata. Tho, nandun pa rin sa hitsura nito ang pagiging playboy at bully.
"Talaga! Charming ako?! Really? So Can I be your Prince Charming Cinderella?" Kumikislap na matang ani nito.
Natawa naman siya rito at hindi mapigilang hindi pisilin ang pisnge nito. She's hoping na kasing bibo at cute nito paglaki ang kapatid niyang lalaki.
Agad namang binitawan ni Candice ang pisnge nito ng may mag-flash na kung ano sa harap nila.
"Gago bakit may flash!"
"Hayaan mo na! Ang importante patay si gago mamaya."
"Rest in Peace in advanve Andrei"
"Tangina mo Cole!" Nagulat naman si Candice sa biglang pagsigaw ni Andrei at hinabol ang dalawang lalaki.
Napanganga lang siya ng makita ang mga itong nasa sahig at nag-aagawan sa cellphone. Nilingon niya ang si Craige at ang lalaking may nakakatakot na aura para tingnan ang reaksyon ng mga ito.
"Ahm? Hindi niyo ba sila aawatin? Nagkakasakitan na sila oh." Aniya sa mga ito.
"Don't mind them. Hindi pa sila mamamatay sa simpleng bugbugan lang." sagot ni Craige sa kanya.
Tumango tango na lang siya sa sinabi nito. Nang binaling niya ang paningin sa tatlo ay nakita niyang nasa ilalim ang lalaking may cellphone nakadapa. Sumunod dito ang isa pa at si Andrei na nakaupo sa likod ng mga ito.
"That's Cole and Blake."
"Huh?" Nagtatakang napalingon siya ng magsalita ang masungit na lalaki.
"The one who is lying in the floor is Cole, the next on top is Blake. We are one of the close friends of Caleb."
"Eh, ikaw? Sino ka?" Di niya mapigilang tanong. Ito na lang kasi ang hindi niya kilala sa lima. Ngumisi ito sa kanya at nailing.
"Keir Clinton Montero for your information Ms. Agreste."
"Candice na lang. Parang nakakatanda naman ang Ms. Agreste." Nakangiwi niyang sabi sa mga ito.
"If that's you want then okay." Craige
"So, Candice shall we start?"
"Start saan?" Kunot noong tanong ni Candice kay Keir.
"Seems like you forgotten the main purpose of this conversation Candice." Naiiling na sabi ni Craige.
"Huh?" Naguguluhang tanong niya.
"What they mean Cinderella is your story about being a witch in a morning and being a beautiful princess in the evening." Singit ni Andrei sabay kindat sa kanya.
Napangiwing ibibalik niya naman ang tingin kina Craige at Keir na kapwa seryosong nakatingin sa kanya at naghihintay.
"So, shall we?"
![](https://img.wattpad.com/cover/238103306-288-k303739.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
AcciónCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...