IT'S ALREADY 12 in a midnight pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Candice. Hindi niya alam kung dahil ba iyon nabasang mensahe mula sa kulang-kulang niyang amo o dahil sa insomia niya.
"Grrr! Bwesit kasi ang hinayupak na yun eh! Hanggang sa text baboy ang bunganga." Pabulong niyang sabi at ginulo ang sarili niyang buhok.
Wala siyang choice kundi ang bumangon muli sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Baka maistorbo pa ang tulog ng mga kapatid niya dahil sa pagmamaktol niya sa lalaking iyon.
Naglakad siya patungo sa sala at binuksan ang TV. Hindi niya alam kung ano palabas na pinapanood niya sa mga oras na iyon. Wala rin naman siya sa mood para intindihin ang pinapanood, basta nakatitig lang siya roon at nagpapaantok.
Ilang minuto na ang nakalilipas habang nakaupo siya sa sofa ay nararamdaman niya na ang pagkatok ng antok. Naghihikab na tumayo siya at pinatay ang TV. Naglakad siya patungo sa kwarto nilang magkakapatid ngunit bago pa man siya makarating ay napahinto siya sa paghakbang.
Kunot noo niyang binalingan ang pinto ng condo dahil parang may narinig siyang nagdoorbell.
Nagbilang siya ng isa hanggang sampo at ng wala siyang narinig ay naglakad muli siya ngunit mabilis ding napahinto ng may mag doorbell na naman.
Dahil sa pagkairita na marahil ay may naglalaro sa doorbell sa labas ng condo niya at nagmamartsa siyang naglakad patungo roon. Hindi na niya naisip na baka masamang tao o magnanakaw ang nasa labas.
Inaantok na siya at gusto magpahinga pero dahil may impakto na naglalaro ng doorbell sa labas ng condo niya ay muling nagising na naman ang inaantok niyang diwa.
"Anak ka ng nanay mo sa pating hindi laruan ang doorbell kung sino ka mang puncho pilato ka!" Agad na bulyaw niya ng mabuksan niya ang pinto.
"Y-You're- *hik* s-still awake *hik*."
Nanlalaki ang mga mata ni Candice ng mapagtanto kung sino ang nasa labas ng oras niya. Walang iba kundi ang manyak niyang boss na kanina lang ay tinext siya kababuyan na ginawa nito.
"Caleb." Halos pabulong na banggit niya sa pangalan nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti. Ang mga mata nito ay pipikit pikit na at namumungay. Namumula rin ang pisnge at taenga nito. Naaamoy niya ang alak mula sa hininga nito.
"You're drunk. What are you doing here?" Kunot noo niyang tanong dito.
"I-I w-want *hik* to see C-Candice *hik*. A-asan ba s-siya *hik*?" Putol putol na tanong nito dahil sa kalasingan.
Tsaka lamang nag sink-in sa utak ni Candice na hindi siya ngayon ang ugly secretary ng boss niya. Hindi niya suot ang fake kilay, nunal, wig at malaking salamin niya. Hindi siya si Candice ngayon na kilala ni Caleb bilang ugly witch. She is Kaye, the Inasal girl according to her kulang-kulang na amo.
"W-wala siya rito. H-Hindi siya makakauwi ngayon." Gustong kutusan ni Candice ang sarili niya ng mautal siya sa pagsagot.
Nakita niya naman ang mabilis na pagkunot noo ni Caleb dahil sa sagot niya at ang pagdidilim ng mukha nito. "W-why? *hik* W-where is she? *hik* s-saan siya *hik* ngayon? Saan siya *hik* m-matutulog? *hik*"
Kahit lasing ito ay nababakas ni Candice ang kaseryosohan sa boses nito.
"I-I know y-you *hik* k-know where is s-she. *hik* s-so tell m-me I-I'll *hik* go to h-her. *hik*." Dagdag pa nito habang pilit na inaayos ang pagkakatayo.
Napakagat ng labi si Candice at nag-isip ng bagong idadahilan, pero kahit anong isip niya ay walang pumapasok sa utak niya.
"Caleb umuwi ka na lang. Dito ka lang din nakatira diba? Sa presidential floor ang room mo. Halika ihahatid na kita." Aniya na lang at akmang hahawakan si Caleb sa braso upang alalayan ito pero tinabig nito ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
AçãoCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...