Chapter Thirty Three (Part 1)

9.6K 275 14
                                    

"IT'S him, isn't?" Jace said. Hindi siya umimik. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Tahimik lang siya at nakatingin sa madilim na paligid sa labas.

"I see. Gwapo pala kaya 'di makalimutan." Jace added and chuckle.

"Shut up Jace. Matagal na kaming wala. Nagagawa mo pang tumawa jan, nakidnap yang anak mo." Pagsusungit niya rito.

"Chill Caye. Masyado kang hot jan, naka move on ka na naman diba? Ba't parang affected ka pa?"

"Hindi ako affected. I was just shock. I didn't expect na makikita ko siya run' after 6 months."

"Well, he seems still into you. I can see mixture of shock, pain, longing and jealousy from his eyes earlier."

"Mali ang nakita mo, guni-guni mo lang yun Jace."

"I don't think-"

"Jace. Please, ayokong pag-usapan. I'm tired. I want to rest." Putol agad niya sa sasabihin pa ng kaibigan. Hindi na naman nagsalita ito at tumango na lang. Napabuntong hininga naman si Candice at pumikit.

It's been 6 months pero pakiramdam niya parang kahapon lang ang nangyari. Yung sakit sa puso niya dahil sa pagtataboy nito ay nandun pa rin. She hope! Umasa siya sa pangako nito, pero nasira iyon sa mabilis na panghuhusga ng binata at pagtataboy sa kanya. Masyadong masakit na kahit ang pagmamahal niya sa binata ay unti-unti ng natatabunan. Pilit niyang pinapatay ang natitirang pagmamahal para rito. Ayaw niyang maging alipin pang muli sa pag-ibig. Pagod na siyang maging bulag-bulagan sa pagmamahal niya sa binata. Muli siyang huminga ng malalim at hinayaan ang katahimikan na dalhin siya sa payapang pag-idlip.







ALAS SYETE pa lang ng umaga ay nasa opisina na si Candice. She is working at Rivano Company, sa magulang ni Jace. Mabait ang mga magulang nito sa kanya, maging sa mga kapatid niya. Ni minsan ay noong unang buwan na pagtira nilang magkakapatid sa mansyon ng mga ito ay wala siyang narinig na masama. The Rivano treat them well. Parang anak na ang turing nito sa kanila, lalo na sa kanya because somehow, she reminds them to their lost daughter. Nahirapan pa nga siyang nagpaalam sa mga ito para bumukod silang magkakapatid. They insisted that they can stay in the mansion pero ayaw niya. Sobra sobra na ang kabutihan na ibinigay at ipinakita ng mga ito sa kanya at ayaw niya iyong abusuhin.

"Ma'am, may meeting po kayo sa isang target client natin. Madam Rivano said na kayo ang makipagmeet sa client at kumausap, she believes and hoping na mapapayag mo raw po na mag-invest sa company ang client na to." Lintaya ng secretary niya. She is working as a personal assistant of Mrs. Rivano, mother of Jace. Ang daddy naman ni Jace is into politics which is kung nasaan ang binata.

"Thank you Analyn, ako ng bahala. What's the name of the client by the way?" Nakangiting tanong niya.

"Ay naku ma'am wala pong nakalagay eh. Masyado raw po kasing private ang client and this is the first time na may pinaunlakan itong business kaya sobrang hoping po si madam na mapapa invest natin sa kompanya." Paliwanag ng sekretarya niya. Tumango naman siya rito at muling ngumiti.

"I see, I understand. Anong oras ang meeting sa client?"

"7pm pa naman po ma'am, sa isang 5 star hotel po ang venue ng meeting."

"Hotel? Why not in a restaurant?" Takang sabi niya.

"Ayaw po sa masyadong matao at public ma'am ng client."

Huminga siyang muli at hindi mapigilang hindi mapanguso. "Sige. Salamat. You can go now."

"Thank you po ma'am." Ani nito at nagpaalam. Tiningnan naman ni Candice ang orasan at schedule niya. Maluwag ang schedule niya today actually. Wala ring masyadong trabaho so she will call her siblings first. She get her phone and dialed Camille's number.

"Hello ma'am! Ay napatawag po kayo?" Masayang bati nito.

"Gusto ko lang po tanungin kung gising na yung kambal?"

"Ah opo gising na po yung dalawa. Naliligo na po at naghahanda sa pagpasok."

"Ganun ba. Sige Camille, ikaw na muna bahala sa kanila. Baka gabihin din ako mamaya eh."

"Ay opo ma'am! Wala pong problema."

"Sige. Salamat."

"Welcome po ma'am." Sagot nito. Nagpaalam na si Candice at pinatay ang tawag. She sigh and look at the wall clock. Mahaba pa ang oras. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali. Parang may kung anong mangyayari sa meeting mamaya or baka naninibago lang siya since gabi ang meeting at sa hotel pa. Naiiling na binura niya ang maduming iniisip. Its pure business and tita is hoping for it. Umaasa itong mapapa oo niya ang client na iyon. Kailangan maging presentable siya mamaya at maging maayos ang meeting na iyon.

Hours had been passed. Tinapos ni Candice ang mga natitirang trabaho. Kahit ang mga hindi pa dapat gawin ay ginawa niya na. Hindi niya napansin ang oras. Alas sais na pala at mag-aala syete na, kung hindi pa kumatok si Analyn at nagpaalam ay hindi niya malalaman. Hindi man lang siya nakapag lunch. Tumayo si Candice at inayos ang sarili. Niligpit niya rin ang mga gamit at tuloy tuloy na lumabas ng opisina habang nagtitipa ng mensahe para kay Jace.

To: Jace Hottie😉
You busy?

Tanong niya. Ang binata rin ang naglagay ng pangalan nito sa contacts niya. Jace Hottie 😉tapos ang pangalan niya naman sa contacts nito ay Caye Sexy😚. Kaya napagkakamalan sila ng karamihan na magjowa minsan, lalo sa closness nila. But nothing special between them. They are just close friends. The very close one.

Habang naglalakad patungo sa sasakyan ay muling tumunog ang cellphone niya.

From: Jace Hottie😉
Yeah. I'm with my daughter and I have a meeting 7:30 onwards. Why? I can cancel my meeting for you.

Napanguso siya sa reply ng binata. Ang kapal ng mukha niya kung icancel nito ang meeting para lang sa kanya. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay nagtipa muna siya ng mensahe para rito.

To: Jace Hottie😉
Nope. Nothing important. I was just asking. Anyway, take care! I have my meeting too actually. Just wanna tell you that I'll visit tita and tito next week. 😊

Pagkatapos niya magtipa ng reply ay ipinasok na niya ang cellphone sa bag niya. Tiningnan niya ang relo sa bisig at mahinang napamura na 20 minutes na lang before 7. Agad siyang nagmaneho papunta sa nasabing hotel. Good thing walang traffic kaya less than 15 minutes ay nakarating na siya. Sinipat niya muna ang hitsura sa salamin bago lumabas ng sasakyan. Analyn says that their client's room is on the presidential suite 50th Floor room 530. Nakangiti siya sa guard na sumalubong sa kanya papasok. Dire-diretso ang lakad niya papunta sa elevator. Habang nasa loob ay napatingin na naman siya sa orasan sa kanyang bisig. 6:50pm na.

Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Dala niya lamang ang isang folder na naglalaman ng contract kung sakaling pumayag ang investor.

Agad na lumabas si Candice sa elevator ng bumukas iyon. Tahimik ang buong pasilyo. Tanging tunog ng suot niyang sandals ang naririnig. Huminga siya ng malalim ng makatapat niya ang nasabing room. Akmang mag ddoorbell na siya ng bigla na lamang bumukas iyon dahilan para mapaatras siya.
Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat ngunit mabilis din namang nakabawi agad. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng suite. Lihim pa siyang napa 'wow' dahil sa laki niyon at ganda. The whole room shouts luxury!

"Did you like it?"

Agad na napabaling si Candice sa nagsalita. Napaawang ang labi niya ng mapagtanto kung sino iyon.

"Y-you?" Utal niyang sabi. Hindi makapaniwala sa nakikita.

"Yes baby, its me. Now that you're I'll make sure na hindi ka makakalabas ng kwartong ito ng hindi ako tinatanggap ulit sa buhay mo. So...shall we start?"

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon