Chapter Nine

13.8K 281 4
                                        

HINDI AKALAIN ni Candice na tatagal siya ng dalawang linggo mahigit sa pagtratrabaho bilang secretary ng isang Caleb Frost Lacsamana. At lalon hindi niya rin akalain na sa dalawang linggo na iyon ay kalbaryo ang magiging trabaho niya rito.

"Ito pa gawin mo 'to. Tapos ito, ito, tapos basahin mo 'to para sa akin tapos ito, ito tapos ito pa." Bawat sabi nito ay may nilalapag itong folder sa harap niya.

Masama ang loob na nag-angat siya ng tingin kay Caleb at sinamaan ito ng tingin. "Lintik kang hinayupak ka! Balak mo talaga akong patayin noh!" Gilgil na saad niya sabay bato ng ballpen niya rito na agad naman nitong nailagan.

Tatawa tawa lang naman ang hudyo sa kanya na halatang natutuwa sa nangyayaring kamiserablehan niya.

"What? Why would I do that to you? Edi nawalan ako ng secretary kapag ginawa ko yun?" Painosente nitong sagot.

"Hindi! Hinayupak ka talagang letsugas ka! Halos lahat ng trabaho mo binibigay mo na sa akin! Gusto mo perma perma na lang gagawin mo!"

"Of course not! I am very person. Umaattend ako ng meetings at pinag-aaralan ang report na pinapasa sa akin-"

"Heh! Ako ang nagbabasa ng report para sayo! Ako nagbabasa ng contracts! Ako nag eevaluate, check at iba pa! Ikaw perma perma na lang! Kulang na lang pati perma mo ipagaya mo sa akin para ako na gumawa ng trabaho mo!"

"Oh well, why not? Kung kaya mo naman." Kibit balikat na sagot nito.

"Walang hiya ka talagang hudyo ka!" Gigil na saad niya at dinambahan ito. Natumba ito sa sahig kaya ang ending nakaupo na siya sa tiyan nito habang nakasabot sa buhok nito. Habang ito naman ay tatawa-tawa lang at nakahawak sa bewang niya para pigilan siya sa paggalaw.

Nasa ganung posisyon sila ng bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na bored lang na nakatingin sa kanila.

Wala man lang mababakas na ekspresyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kanila na para bang nanonood ng shooting.

"Zeke?" Ani ni Caleb dahilan para mapatingin sa rito.

Nanlalaki naman ang mga mata niya ng magsink-in sa kanya ang ayos nilang dalawa ni Caleb. 'Letsugas! Puro kahihiyan na lang talaga ang ginagawa sa akin ng hudyo na 'to!'

Pinagpag niya ang sarili at inayos ang medyo nagusot na damit bago naglakad palapit sa sariling table niya. Ganun din naman ang ginawa ng kulang-kulang niyang amo bago lumapit sa pang-isahang sofa kaharap ng lalaking ngayon ay nakaupo na rin sa malapad na sofa.

"Zeke, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Caleb sa lalaking tinatawag nitong Zeke. Pero hindi naman siya nito sinagot dahil sa kanya nakatingin ang lalaki.

"You look familiar. Have we met before lady?" Tanong ng lalaking nagngangalang Zeke sa kanya.

Mabilis naman siya umiling dito at sumagot. "I'm sorry sir, but I'm sure ngayon ko pa lang po kayo nakita."

"I see. Sorry. I mistook you for someone." Ani lang nito na ikinatango niya.

Palipat-lipat naman ang tingin ni Caleb sa dalawa at pagkatapos ay kunot noong tiningnan muli ang kaibigan. "So? Anong ginagawa mo dito?"

Zeke just shrug his shoulder and stand. Naglakad ito palapit kay Candice na abala ang mata sa mga papeles sa harap pero ang isip naman ay lumilipad sa alapaap.

Nagtatakang tumayo naman si Caleb at sinundan ng tingin ang kaibigan. Nasa harap na ito ngayon ni Candice. Nakita nita rin ang pagtayo ni Candice at pag-angat ng tingin dito.

"M-may kailangan po kayo?" Narinig niyang tanong ni Candice kay Zeke.

Nakita niyang umiling lang si Zeke at lumapit sa tainga ng sekretarya. May ibinulong ito  rito na kung ano. Hindi rin nakaligtas sa panigin niya ang gulat sa mukha ni Candice matapos iyon.

"Zeke!" Hindi na niya matiis na pagtaas ng boses sa pagtawag dito. Hindi niya gusto ang nakikita niyang pagkakalapit ng mga ito. It irritates him! It made him want to assassinate Zeke anytime!

Humarap naman si Zeke sa kanya at napangisi lang sa nakitang ekspresyon sa mukha niya. Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat.

"I was just passing by and checking too."

"Checking of what?" 

"It's a 'what' its a 'who'." Sagot ni Zeke sa kanya sabay baling ng tingin kay Candice na tulala pa rin ng sabihin nito ang salitang 'who'

Kumuyom naman ang kamao ni Caleb at nagtagis ang bagang sa narinig na sagot ni Zeke. "You're a married man." Madiing ani niya rito, umaasang makukuha nito ang ibig niyang sabihin.

"I know."

"Then why are you here? Checking her?" Taging bagang na tanong niya. Nagpipigil ng galit.

"Yeah, checking her for someone I know." Ngising sagot ni Zeke at muling tinapik ang balikat niya. "I am not interested to her. I am just checking her for a someone I know who is very interested to her."

Mahigpit na hinawakan ni Caleb ang braso ni Zeke na nakapatong sa balikat niya at iwinaksi iyon. "Don't do you dare. She.is.mine." Madiing sabi niya sa kaibigan habang masama pa rin ang tingin dito. Hindi siya sinagot ni Zeke. Ngumisi lang ito at naiiling na lumabas.

Hindi alam ni Caleb kung bakit nasabi niya ang mga bagay na iyon. He can't understand himself either. Basta ang alam niya, ayaw niyang may ibang lalaking kumakausap o lumalapit sa sekretarya niya.

'His secretary is only his!'

Nilapitan niya ang tulalang si Candice at magaan na tinapik ang pisnge nito. "Hey." Mahinang usal niya. Mabilis naman itong napakurap at napatingin sa kanya. "Caleb."
Napalunok naman si Caleb ng marinig niya ang sariling pangalan dito.

For the first time ng ma hire ito bilang secretary niya, ngayon niya lang itong narinig na tinawag ang pangalan niya. Natulala siya doon at napatitid sa mata nitong natatakpan ng makapal na salamin. Para namang may sariling isip ang kamay niya na alisin iyon sa mukha nito.

Hindi naman siya pinigilan ni Candice dahil maging ito ay nagulat sa ginawa niya. Ngayon niya lang natitigan ng malapitan ang sekretarya.

Naktutok pa rin ang mata niya sa mata nito. Ngayon niya lang napansin na makinis pala ang mukha nito. Ang maliit ngunit matangos nitong ilong ay bumabagay sa maliit nitong mukha. Mahahaba rin ang pikmata nito at makuraba. Mula sa mata ay napatingin siya sa mapupula nitong labi na tila iniimbenta siyang tikman iyon.

"C-Caleb..."

"Shh.." pigil niya sa kung ano mang sasabihin nito. Dahan-dahan niya inilapit ang mukha kay Candice. Napapikit siya ng manoot na naman sa ilong niya ang mabangong amoy ng dalaga na mas nagpapabaliw sa kanya.

"I really love your scent." Mahinang bulong niya sa pagitan ng kanilang mga labi. Akmang hahalikan niya na ito ng bigla na lang bumukas ng pinto ng opisina niya.

"Caleb nandito ang mga report from-"

Hindi na natapos ni Sarah ang sasabihin niya dahil napanganga ito ayos nilang dalawa ni Candice.

"What the hell?"

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon