"C-CALEB..." utal na bigtas ni Candice sa pangalan ng amo.
Matiim lang itong nakatingin sa kanya at kunot na kunot ang noo. "Who are you?" Seryosong tanong nito.
Mabilis pa sa alas kwatro na sinaraduhan niya ito ng pinto dahil sa pinaghalong gulat at kaba. Dali-dali niya nilapitan ang mga kapatid at tinawag ito.
"Gia, Gavin balik na sa kwarto. Matulog na kayo. Walang lalabas, may bisita si ate." Mabilis na sabi niya at siya na mismo ang nagtulak sa mga kapatid patungo sa mga kwarto. Hindi naman ito nagreklamo at sumunod lang sa kanya.
Naglakad si Candice pabalik sa pintuan ng condo at napahawak sa ulo. "What to do? What to do? What to do?" Tarantang sabi niya habang kinagat-kagat ang kuko sa daliri.
Huminga siya ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. She needs to get back her senses! Kailangan niyang kumalma muna para makapag-isip!
Iyon nga ang ginawa niya. She inhale and exhale multiple times. Pinaypay niya rin ang sariling palad sa mukha na tila naiinitan.
"Okay. Okay. He asked who am I so...ibig sabihin hindi niya ako namukhaan. Hindi niya ako nakilala." Pagkausap niya sa sarili.
Napatalon naman siya sa gulat ng biglang tumunog muli ang doorbell. She inhale once again and try her very best to be look formal and unsuspicious.
Lumapit siya sa pinto at dahang dahang binuksan iyon. Nakangiti niyang sinalubong si Caleb na kunot noo at salubong ang kilay sa kanya.
Tumikhim siya rito bago nagsalita. "Aherm! Pasensiya na C-Cal—I mean sir Caleb po pala." Pilit ngiti niyang ani rito.
"Who are you? What are you doing inside at my secretary's condo unit?" Madiing tanong nito sa kanya dahilan ng paglunok niya ng mariin at pagtambol ng kaba sa dibdib.
"My name is Faye po. Kaibigan po ako ni Candice sir. Pasensiya na po kung napagsaraduhan ko kayo ng pinto. Nagulat lang po ako."
Gustong palakpakan ni Candice ang sarili dahil hindi siya nautal habang nagsasalita. Nakangiti pa rin siya rito habang si Caleb naman ay nakataas lang ang kilay sa kanya at nananantsya.
"Kung si Candice po ang hanap niyo wala po siya rito. Umalis po siya kanina kaya ako ang nandito para magbantay sa mga kapatid niya." Dagdag niya pa.
"Where did she go at this very late time?" Seryosong tanong ni Caleb sa kanya na naging dahilan para mamawis ng husto ang palad niya dahil sa sobrang kaba.
'Feeling ko, pati kili-kili ko namamawis na.'
"Hindi po nagsabi kung saan pupunta eh. Urgent daw po." Sagot niya.
Tumango tango naman si Caleb sa kanya ngunit nandun pa rin ang matiim na titig nito. Nakatingin ito sa buong mukha niya lalong-lalo na sa mata. Pagkatapos ay bigla itong nagkunot ng noo.
'Fucking shit! Don't tell me namumukhaan niya na ako?! Nakita na pa naman niya akong walang salamin. Lintek! Hinayupak! Engot ka talaga Candice! Patay ka talaga pagnahuli ka sa kasinungalingan mo!'
Pipeng sermon niya sa sarili habang hindi inaalis ang ngiti sa kaharap.
"You look familiar. I am sure we had met before."
'Patay ka na inday!'
"Ho? H-haha b-baka nagkakamali lang kayo s-sir. Ngayon ko lang po kayo nakita." Gustong batukan ni Candice ang sarili ng bigla siyang mautal.
"No. I am sure I already saw you somewhere." Paninigurado nito at nag-isip. Pagkuwa'y biglang lumiwanag ang mukha nito at ngumiti. "Aha! I remember now!" Maligayang sabi nito.
"Ha? Sigurado ka? S-saan naman?"
'Patay! Buko na ba ako? Goodbye trabaho na ba?'
"You are the Inasal Girl, right? Yes, I am right. I know its you. I was right." Tatango tangong sabi nito habang nakaturo sa kanya.
Hindi alam ni Candice kung matutuwa ba siya dahil hindi siya nito namukhaan bilang 'witch' na secretary nito o maiinsulto dahil sa pagtawag nitong 'Inasal Girl' sa kanya.
Either of the two and importante hindi siya nito nakilala. 'Secret safe! Whews!'pasimple siyang huminga ng malalim dahil doon at nabunutan ng tinik. Pagkuwa'y nagkamot ng ulo at ilang na nakitawa.
"Ah? Haha oo nga noh? P-pasensiya na po hindi ko kayo agad nakilala."
"No. No. No. It's okay. I was just shocked na makikita kita ulit." Nakangiting ani nito sa kanya.
Nabawasan na rin ang kaba niya dahil sa magaan na aura nito. Hindi na nakakatakot ang mata niya.
Awkward na ngumiti lang siya rito at nagkamot ng ulo." Pasensiya na po talaga. Anyway sir, ano pong maipaglilingkod ko? May sasabihin po ba kayo kay Candice na importante? Ako na lang po ang magsasabi pagdating niya." Pag-iiba niya ng usapan.
"Oh, nothing important. Ako na lang ang magsasabi sa kanya bukas. I'm glad I met you. You're really a beauty."
This time, siya naman ang kunot noong tumingin dito. "Ano pong sabi niyo?"
"I said you're a beauty. We should met more often if its okay to you." Ani nito at kinuha ang wallet sa bulsa. Kinuha nito ang callin card nito at inabot sa kanya.
"Ano pong gagawin ko dito?" Takang tanong niya habang tinatanggap ang calling card na binigay,
"My number is there. Let's call each other. Call me when you are free. And cut the sir at po, haha." Natatawang ani nito at nagkamot ng batok. "Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad I think. Just call me Cal or Caleb, okay?"
"Okay po sir-I mean s-sige C-Caleb." Ngiwing sagot niya ng mautal.
"Magkaibigan nga talaga kayong dalawa." Naiiling na mungkahi nito sa kanya at ngumiti. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya o ano, pero may nakita siyang kakaiba sa mata nito habang sinasabi iyon.
"May sinasabi ka?" Tanong niya rito. Agad naman itong umiling sa kanya at ngumiti.
"Ah wala naman. You just remind me to Candice, your friend. You two have a same voice and smell. Kaya muntikan ko ng isipin na siya ay ikaw." Natatawang sabi nito.
Para namang nabulunan sa sariling laway si Candice sa narinig niya mabilis siyang sumabay sa pakikipagtawanan dito.
"Ah-haha ganun ba. Parehas kasi kami ng ginagamit na pabango tsaka—" tumikhim siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "M-marami ngang nagsasabi na magkaboses kami."
Tumango-tango naman si Caleb sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Yeah, kaya medyo nagulat din ako kanina. But it's impossible right? I mean you two are very different in terms of physical appearance—W-what I mean is—" tumikhim ito at napakamot sa sariling batok.
"What you mean is?" Nag-iintay niyang tanong kunware kahit alam niya ang ibig sabihin nito.
'Bolero! Babaero! Hinayupak talaga! Siguradong ang sasabihin niya 'Maganda ka tapos yung kaibigan mo mukhang bruha!'
Aniya sa isipan habang unti-unti ng pinapatay si Caleb sa isipan kung sakaling iyon ang isagot sa kanya.
"Wala. You two are beautiful. Mas maganda ka nga lang, no offense meant." Sagot nito.
Tumango tango na lang siya bilang sagot dahil baka kung ano pa ang masabi niya rito.
"Anyway, I gotta go. Goodbye Faye. Hope to met you again."
"Okay, I hope so." I hope not. Sigaw niya sa isipan.
Tumango naman si Caleb sa kanya bago tuluyang umalis. Agad namang sinarado ni Candice ang pinto ng condo at nanghihinang napaupo sa sahig.
"I am so dead."
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
ActionCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...
