"I'm in love with you Candice, please stay. Don't leave me baby. Keep me please? Love me back please. I'm begging you."
Nanunuyo ang lalamunan ni Candice sa narinig. Nanigas lang siya sa kinauupuan at hindi agad nakaimik. "Don't answer yet about my confession. I know nagulat ka but I can't hide anymore. Just...just don't answer yet if you can't reciprocate my feelings at this moment. Just let me hold you, hug you and love you. Just please...wag mo akong iwan basta Candice."
Nanginginig ang kamay niyang inabot niya ang likod nito at niyakap pabalik. Walang namutawi na salita sa labi niya. Hinayaan niya lang ang sarili niya na damhin ang mainit na yakap nito. Rinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. 'Is it because of her?' Nararamdaman din kaya nito ang tibok ng puso niya?
She want to hug and kiss Caleb's lips after his confession. Gusto niyang sabihin na mahal niya rin ito, na hindi niya ito iiwan. Pero alam niyang malabo ang mga bagay na iyon. Napahugot naman siya ng hininga at napalunok. What if kung sabihin niya na lang kay Caleb ang totoo? Paano kaya kung umamin na lang siya ngayon? Pero handa ba siya? Handa ba siya sa magiging reaksyon ng binata?
"She is clean, pure and innocent. Wala siyang itinatago. I know her and I trust her."
Napakagat naman siya sa labi niya ng maalala niya ang sinabi ni Caleb kanina sa ina nito. Ang pagtatanggol nito sa kanya. Hindi niya kaya! Hindi sa ngayon! Natatakot siya na ito naman ang mawala. Na ito naman ang magtaboy sa kanya sa oras na malaman nito ang totoo.
"Cal." Mahinang pagtawag niya rito.
"Yes, baby?" Sagot naman nito.
Nanunuyo ang lalamunan niya. Hindi niya maitawid ang gusto niyang sabihin!
"What is it hmm?" Tanong ni Caleb sa kanya.
"Nothing important. I was just thinking of my friend's problem."
"Friend? Si Faye?" Pagtukoy nito sa pangalawang katauhan niya. Sa totoong siya.
"No. May isa pa akong kaibigan. Babae rin at ka close ko."
"Hmm? What about her?"
"May problema kasi siya. Hmm, medyo mabigat kasi she is lying about her real identity." Simula niya. Panay ang lunok niya sa bawat salita na binibitawan.
"Then?"
"Ayun. Hindi niya naman daw gusto na magsinungaling about her identity, kaso desperada na siya. She really needs money for her family kaya niya nagawa yun. Akala niya noong una magiging madali lang ang lahat, yung pagpapanggap niya pero hindi raw kasi..."
"Kasi?" Naghihintay na tanong ni Caleb. Matiim na nakikinig sa kanya habang nakayakap ng mahigpit.
"Kasi nahulog yung loob niya sa boss niya. K-katulong kasi siya. Pumasok siya bilang katulong sa isang mansyon dahil kailangan niya na ng pera. Kaso may mga kailangan siyang baguhin sa sarili niya bago muna siya matanggap sa trabaho. Noong una ayos lang sa kanya kasi wala naman siyang iniisip na iba. Wala naman siyang masasaktan. Pero noong makilala niya yung boss niya, ng makasama niya ito sa maikling panahon, nahulog ang loob niya."
Hindi umimik si Caleb at tahimik lang na nakikinig sa kanya kaya nagpatuloy siya.
"Hindi niya akalain na mamamahalin niya ang boss niya. Tapos, ganun din ang boss niya sa kanya. Minahal siya nito without the knowledge na peke ang pagkatao ng kaibigan ko. W-we advised her na sabihin ang totoo, na umamin na lang sa totoo niyang pagkatao pero hindi niya raw kaya."
"Maybe because hindi niya talaga mahal ang boss niya kaya hindi niya magawang umamin." Komento ni Caleb sa sinasabi niya na agad niya namang inilingan.
"No. She said she love her boss very much kaya hindi niya magawang sabihin ang totoo. S-she is one of the Person With Disability. Pinagtatanggol siya ng boss niya sa lahat kahit sa magulang nito. Her boss boss trust her very much na natatakot siyang masira iyon. Natatakot siyang mawala ang pagmamahal nito sa kanya dahil sa pagsisinungaling niya."
"Hmm. Kaysa naman sa iba malaman ng boss niya ang totoo. Pareho silang masasaktan kapag ganun."
"K-kaya nga eh kaso..."
"Kung umamin siya, at ipinaliwag ang side niya sa boss niya kung bakit niya ginawa yun tapos pakinggan siya ng boss niya at patawarin, then her boss really love her. Kasi kung bigla na lang nitong iwan siya at sabihing nawala na ang pagmamahal niya sa kaibigan mo, then maybe the feelings of the boss of your friend is not that deep. Mababaw lang ang pagmamahal ng boss ng kaibigan mo sa kanya." Mahabang lintaya ni Caleb sa kanya at hinarap siya.
Tahimik lang siya. Hindi niya mahanap ang tamang salita na dapat sabihin. Ngumiti si Caleb sa kanya at hinaplos ang pisnge niya.
"Wag mong gayahin ang kaibigan mo ha?"
"H-ha?" Biglang utal na sagot niya
"Sabi ko wag mong gayahin ang ginawa ng kaibigan mo. Wag kang magsisinungaling sa akin. Wag kang magtatago sa akin. Kung may bumabagabag sayo, sabihin mo lang, okay?"
"Cal..."
"Kasi kung ako ang nasa posisyon ng kaibigan mo at ikaw ang nasa posisyon ng kaibigan mo, magagalit ako." Napalunok si Candice at mariing napatingin sa seryosong tingin ni Caleb. "Masasaktan ako kung ako yun. Kasi nagtiwala ako, nagmahala ako pero niloloko lang pala ako ng taong mahal ko. Ayoko ng ganun. Ayoko sa mga taong sinungaling. It's better to hit me the truth even how painful it is, than feeding me lies just to make my heart better."
"Pero diba sabi mo k-kung hindi naman mababaw ang pagmamahal ng boss ng kaibigan ko kaya, matatanggap siya nito at mapapatawad?"
"Hmm, yeah. But it doesn't mean na ganun yun kadali. Yes matatanggap pero syempre nandun pa rin ang tampo at sakit na nagawa ng pinsan mo sa boss niya. Hindi basta basta mawawala yun."
"Kahit magpaliwanag na ang kaibigan ko? Kahit na hindi naman niya ginusto ang mga iyon?"
"Yes, baby. Ganun yun. Pero kung way into deep ang pagmamahal ng boss ng kaibigan mo sa kanya, kaya niyang baliwalain yun. Kung baliw na baliw at sobrang mahal na mahal ng boss na yun ang kaibigan mo, kaya niya yung baliwalain at kalimutan. Mas maganda gawin yun kaysa naman magkagalit kayo ng mahal mo mawala siya sayo ng tuluyan."
"Eh ikaw? Paano halimbawa kung ako ang kaibigan mo? Ako ang nagsinungaling sayo? Ano ang gagawin mo?"
Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Caleb. Mariin lang siya nitong tiningnan. Tinatansiya ang tanong niya.
"Siguro magagalit ako." Sagot nito.
"Hmm. So hindi ganun kalalim ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi mo kaya baliwalain?" Tanong niyang muli.
"No? That's not what I mean. Of course my love for you is way to deep na hindi ko kayang mawala ka-"
"Then why you can't ignore what I did kung ganun?" Putol niya sa sinasabi nito.
Napahinto naman si Caleb at napatingin sa kanya. Maya maya pa ay bigla itong tumawa at niyakap siya. "Bakit ba natin pinag-uusapan yan at inilalagay ang sarili natin sa sitwasyon ng kaibigan mo?" Natatawang ani nito sa kanya bago halikan ang noo niya.
"Basta lang, naisip ko lang kasi." Nakanguso na sagot niya at yumakap na rin dito.
"Fine. Para mapanatag ka, I will ignore it. Kakalimutan ko ang ginawa mo kasi ayokong mawala ka. Mas mahalaga ka kaya babaliwalain ko ang ginawa mo, happy?"
"Promise? Gagawin mo talaga yan kung ako yung nasa sitwasyon ng kaibigan ko?"
"Yeah, baby. I promise." Madamdaming sagot nito.
Napahinga naman si Candice ng malalim dahil dun. Nahulog sa malalim na pag-iisip. 'Sana nga Cal, sana nga matupad mo ang pangako mo. Tuparin mo lang pangako, lalaban din ako. Pangako.'
![](https://img.wattpad.com/cover/238103306-288-k303739.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)
ActionCaleb Frost Lacsamana, the second in rank of being a womanizer of their gang. He's a Mafia Member, a wealthy business man who loves fucking and flirting from time to time. It was like his hobby and stress reliever at the same time. He can get whate...