SPECIAL CHAPTER

13.2K 348 28
                                    

IT IS 12 in a midnight pero ang buong bahay nina Caleb ay maingay pa rin at nakakagulo dahil sa sigaw at bawat daing ni Candice.

"Walang hiya ka talaga Lacsamana! Hindi na talaga ako magpapabuntis sayong hayop ka-Aray!" Galit na sigaw ni Candice sabay daing ng maramdamang humihilab na naman ang tiyan niya sa sakit.

Habang si Caleb naman ay namumtla habang tinatawag ang mga kasambahay at driver nila. Maging ang iba niyang kaibigan ay nagising din ata sa ingay nila dahil nakita niya ang mga ito na nasa labas ng bahay nila.

"What's happening man?" Takang tanong ni Andrei sa kanya. Katabi nito ang asawa na pupungas pungas pa. Pagkatapos ay dumako ang tingin kay Candice na namimilipit sa sakit habang nakaupo sa sofa katabi si Trixie Kate, ang OB-Gyne ng asawa.

"Oh! His wife is giving birth hon." Ani ng asawa ni Andrei.

"Tangina mo Cal! Mangaganak na ang asawa mo nakatunganga ka lang jan." Ani ni Andrei sa kanya sabay lapit kay Candice. "Hey princess, lalabas na talaga?" Alalang tanong ni Andrei.

"Gago ka! Layuan mo ang asawa ko!" Galit na sigaw ni Caleb at lumapit sa mga ito. Hinawi nito si Andrei na nailing na lang.

"Her water bag broke. Manganganak na talaga siya, let's bring her to my clinic, wala rito ang mga gamit ko dahil hindi mo naman sinabi na manganganak na ang asawa mo Lacsamana."

"No need. Bring her in our house. I am an OB-Gyne and also a doctor. I have my things in our house." Singit naman ng asawa ni Craige.

Agad namang binuhat ni Caleb ang asawa at naglakad palabas ng bahay nila. Malalaki ang hakbang niya habang naglalakad patungo sa bahay ng kaibigan.

Nang makarating dun ay agad niyang inihiga ang asawa sa kama. Naroon ang asawa ni Craige at si Trixie. Inaayos ng mga ito ang gamit na gagamitin sa panganganak sa asawa.

"Mr. Lacsamana, dala mo ba ang gamit ng babies niyo?" Tanong ng asawa ni Craige sa kanya.

"I bet not sweetheart. Sa hitsura ng gago na yan malamang nalimutan niya." Singit naman ni Craige na nakatayo sa pintuan ng kwarto.

"Aray! Shit! Ang sakit na." Daing ni Candice kaya napalapit siya rito. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at hinalikhalikan.

"Masakit ba talaga baby?" Tanong niya pero mali yata ang tanong niya na iyon. Pinukol siya ng masamang tingin ni Candice.

"Gago ka ba?! Kita mo panay akong daing tapos magtatanong ka kung masakit?! Ikaw kaya rito at manganak?! Bwesit ka Caleb! Maghiwalay na tayo pagkatapos nito bwesit kang hinayupak ka! Ngayon pa lang halos mamatay na ako sa sakit! Paano pa paglumabas sila?!" Galit na sigaw ni Candice sa kanya sabay daing na naman.

Nanghihinang napalunok siya. Ramdam na ramdam niya ang tibok ng puso niya at pamumutla ng buong mukha niya. "Tangina!"

"Oo tangina ka talagang hinayupak ka! Bwesit ka! Winasak mo na nga ako noon, wawasakin mo ulit ako ngayong hayop ka!"

"Baby, babies are blessings-"

"Alam ko! Pero kapag tatlo at sabay sabay pang lalabas talagang mapapatay na kita pagkatapos nito-ouch!"

"Calm down baby-"

"Calm down mo mukha mo! Lumayas ka-Aray! Doc palayasin niyo yang hudyo na yan-Ouch!"

"I see. I'll assist Dr. Aldeon here. I can't work that much, I'm pregnant too." Tumingin sa kanya ang asawa ni Craige. "Kunin mo ang gamit ng babies niyo, since ayaw kang makita ng asawa mo."

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon