Chapter Eleven

13.7K 321 12
                                        

HANGGANG sa makauwi si Candice sa condo na tinutuluyan ay tulala pa rin siya at hawak hawak ang sariling labi.

Para siyang baliw habang tulalang naglalakad hawak iyon. Pinatitinginan na siya ng mga tao sa lobby hanggang sa elevator pero ang utak niya ay nasa alapaap pa rin.

"Walangya...walangya talaga." Wala sa sarili niyang bulong at inuntog ang ulo sa gilid ng elevator. Napatingin naman ang mga taong kasabay niya sa loob at napaatras. Bakas sa mga mukha nito ang takot at pagtataka.

Hanggang sa makalabas siya ng elevator at pumasok ng condo unit ay ganun pa rin ang hitsura niya.

"Ate Candice!" Masayang salubong ni Gavin sa kanya.

"Ate may pasalubong ka?" Salubong naman ni Gia sa kanya.

"Ate ayos ka lang?" Nag-aalang tanong ni Gavin sa kanya kaya napatingin siya rito.

"Hindi." Wala sa sariling sagot niya sa kapatid. "Natuklaw ako. Natuklaw ako ng malambot at matamis na mabangong ahas."

"May ganun bang ahas ate?" Inosenteng tanong pa ni Gia

"Oo, at masarap yung ahas." Wala pa rin sa sarling sagot niya sa mga kapatid at pagkatapos ay naglakad patungo sa kwarto niya.

Dumapa siya sa kama niya at sinubsob ang mukha. Doon niya pinipigilan ang tili na gustong kumawala sa labi niya.

"Kyahh! Ahas ka! Bakulaw! Lintek! Natukhang ako ng bakulaw na ahas!" Tili niya sabay padyak ng mga paa.

"Ate? Ayos ka lang? 'Di pa ba tayo kakain?" Si Gia mula sa labas ng kwarto niya.

"Gutom na kami ate." Segunda naman ni Gavin.

Tumikhim siya at inayos ang sarili. Tsaka lang niya narealize ang kabaliwang pinagsasabi niya sa kapatid. Masayado na siyang lutang at lumilipad sa alapaap ang utak niya kaya kung ano ano lumalabas sa bibig niya.

'Kasalanan talaga 'to ng hinayupak na manunuklaw na iyon eh!'

"Ate?"

"Oo lalabas na ako. Magbibihis lang ako saglit."

"Okay po."

Agad naman siyang tumayo at naghanap ng damit pamalit. Kumuha lang siya ng isang lose shirt at cotton shorts pagkatapos ay pumasok siya sa banyo para maglinis ng katawan at bihis.

After the 'tuklawan' scene sa kotse ni Caleb ay hindi na niya na ito kinausap. Hindi niya rin ito pinansin kahit nakabalik na sila sa opisina. Hanggang sa matapos ang trabaho niya at tinawag siya nito ay hindi niya ito sinagot. Dire-diretso lang siya sa naglalakad na tila walang naririnig at umuwi.

Nang makarating siya sa building na tinitirahan ay nagbanyo muna siya para alisin ang kung ano-anong nilagay niya sa mukha para sa pag-papanggap.

Natatakot siya na baka mas malala pa ang maging reaksyon ng mga kapatid niya kapag nakita siya sa ganung ayos. Kaya palagi niyang tinatanggal ang mga iyon bago umuwi ng condo unit nila.

Lumabas ng kwarto si Candice matapos niyang magbihis. Nagtungo siya sa kusina at doon ay naabutan ang mga kapatid na nakaupo at naghihintay sa kanya.

"Pasensiya na ah. Magluluto muna si ate para makakain na tayo." Aniya

"Ayos lang po ate. Alam naman po namin na pagod ka sa trabaho." Sagot ni Gavin sa kanya.

Mafia Series 4: Caleb Frost Lacsamana (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon