On repeat: Gasoline (remix)-Haim feat. Taylor Swift
Ang original team members ng Store 128 ay si Sir Mario, Mam Angie, Mam Evelyn at Mam Mica.
Sa planning stage pa lang ng tindahan, tinipon na sila ng corporate office kaya mas magkakakilala sila kumpara sa mga bago nilang kasama.
Ito agad ang napansin ni Trish.
Kapag nagkakasama ang apat sa office, iba ang level ng camaraderie nila.
Napansin din niya na mas open at nakikipagbiruan si Mam Angie sa mga ito.
Nang bigla na lang siyang pumasok minsan, nawala agad ang ngiti sa mukha ni Mam Angie.
Para bang may hindi siya puwedeng malaman o marinig sa kung anumang pinag-uusapan nila.
Saglit na natigil ang kuwentuhan nila ng dumating siya pero nagbiro si Mam Mica kaya nagtuloy ulit.
Hindi naman niya pinagpipilitan ang sarili niya sa mga ito.
Alam niya kung saan siya dapat lumugar lalo na at bago lang siya.
Kapag nagkikuwento siya sa mommy niya tungkol sa nangyayari sa store, ang lagi nitong paalala ay magfocus siya sa trabaho.
"Normal sa isang workplace ang may mga tinatawag na cliques. Ganoon din naman sa school di ba?"
"Opo."
"Hindi na iyan maiaalis kasi may mga tao na sadyang magkasundo. Isa pa, bago ka lang. For sure, kinikilala ka din nila. Ang mahalaga anak, pagbutihan mo ang trabaho mo. Patuloy kang makisama at maging magalang sa kanila kahit ano pa ang ugali nila."
Kahit papaano, meron na din naman siyang mga nakakasundo sa trabaho.
Karamihan sa mga crew, halos kaedad niya lang.
Nasa teens at early twenties ang mga ito kaya nagkakaintindihan sila.
Relaxed kung makipag-usap ang mga ito sa kanya.
Ang pinakanaging kaclose niya ay si Alyana.
Cross-trained ito sa lahat ng stations.
Binibigyan siya nito ng mga tips para maging madali ang trabaho niya.
Tinutulungan din siya nitong magreview.
Ito din ang nagbibigay sa kanya ng mga inside scoop hindi lang tungkol sa mga kacrew niya kundi pati na din sa mga kasamahan nila.
Malimit siyang tumambay sa crew room dahil mas tahimik doon at mas may space para sa mga manuals at notebooks niya.
Doon na din siya nagbibreak.
Napansin niya kasi na kapag nasa office ang mga managers, bukod sa masikip at maingay, naiistorbo sila ng mga crew na malimit kumatok dahil may kailangan sa kanila.
Kapag naabutan siya ni Alyana, nagkikuwentuhan sila.
Dito niya nalaman ang kuwento ni Mam Angie.
Solong anak pala ito.
Pumanaw ang ina ni Mam Angie dahil nasagasaan.
Ang tatay niya, retired na sundalo.
Nang mamatay ang asawa, nalulong sa alak at nadepressed.
"Kaya po malimit na haggard si Mam Angie kapag dumarating. Pasaway po kasi ang tatay niya. Malimit may nakakaaway sa mga kapitbahay nila."
"Iyon ba ang dahilan kung bakit parang lagi siyang may iniisip?"
"Opo, Mam. Kung ako man siguro, hindi rin ako mapapakali. Baka kasi kung ano ang mangyari sa tatay niya habang nandito siya sa store."
Nalaman niya din na may boyfriend si Mam Angie.
"Isa pa iyon, Mam. Ang guwapo nga pero sakit din ng ulo."
"Bakit naman?" Naintriga niyang tanong.
"Kasi po, dahil sa may itsura, babaero. Ilang beses na silang nag-break ni Mam Angie pero kapag humingi sa kanya ng tawad si EJ, tinatanggap niya ulit. Smart naman si Mam pero pagdating sa lovelife niya, may pagkatanga."
Biglang natigilan sa pagsasalita si Alyana ng maalala na kapwa manager ni Trish ang nilalaglag niya.
"Naku, Mam. Sorry. Baka isumbong niyo ako."
"May mga tao talaga na pagdating sa love, hindi alam ang gagawin." Sabi niya na lang para mabawasan ang pagkapahiya ni Alyana.
"Kayo, Mam? May boyfriend na kayo?"
"Secret." Pabirong sagot niya.
"Ay ang daya."
"Ikaw? May boyfriend ka na?"
"May crush ako dito pero hanggang doon na lang siguro iyon."
"Bakit naman?"
Nilingon muna ni Alyana ang hagdanan.
Nang makasiguro na walang parating, nagsalita siya ulit.
"Kasi po, straight siya."
Natigilan si Trish tapos ng magregister sa isip niya ang sinabi ni Alyana, napabulalas siya ng oh.
"Kapag gumigimik kasi kami, puro lalake ang binabanggit ni Ivy.
Kaya kahit gusto ko siyang yayain lumabas na kami lang, nag-aalinlangan ako. Baka kasi mamaya, magalit siya kapag nalaman niya na crush ko siya."
Deep inside, flattered si Trish sa pagtatapat ni Alyana.
Kahit hindi niya totally naiintindihan ang pinagdaraanan nito, nakakarelate naman siya sa pagiging unrequited ng feelings niya.
Hindi naman kasi lahat ng gusto natin, may gusto din sa atin di ba?
"Nagkagirlfriend ka na ba?"
Kinuha ni Alyana ang baso na may malamig na Coke at uminom muna bago sumagot.
"Opo. Kaso nagbreak kami ng pumunta siya sa Japan."
"Ayaw mo ng long distance?"
"Gusto ko sana pero ayaw niya. Sayang nga po eh. Three years din kami ni Kaye. Ang katwiran niya kasi, mahihirapan lang kami pareho. Pero sa tingin ko, ayaw niyang matali sa akin. Mataas kasi ang pangarap niya sa buhay. Gusto niyang yumaman. Ang dami din kasi nila tsaka hindi naman regular ang work ng tatay niya. Sumasideline lang sa construction. Feeling ko, magiging hadlang ako sa pangarap niya kung nandoon siya pero iniisip niya din ako dito. Kahit masakit, pumayag ako na maghiwalay na lang kami."
Dahil malapit ng matapos ang fifteen minute break ni Alyana, inubos niya ang kinakain at bumaba na.
Naiwan si Trish sa crew room na iniisip ang mga bagay na nalaman niya hindi lang tungkol sa mga kasamang manager kundi na din pati sa buhay ng mga crew.
Paglabas niya sa tindahan after her shift, nagulat siya ng makitang nakatayo sa tabi ng sasakyan niya si Marky.
May dala itong bouquet ng red roses at isang kahon ng milk chocolates.
Nakangiti niyang nilapitan ang boyfriend.
"Anong ginagawa mo dito?" Hinalikan siya ni Marky sa pisngi tapos inabot sa kanya ang bulaklak at tsokolate.
"I wanted to surprise you." Nakalabas ang dimples sa pisngi nito.
Day off siguro ni Marky dahil jeans, white rubber shoes at striped blue and gray polo shirts ang suot at hindi nakablazer, button down shirts at slacks na lagi nitong porma kapag pumapasok.
"Alam mo naman na I don't like surprises." Nilanghap niya ang mga rosas.
"I know pero hindi ka ba masaya na nandito ako?"
"Happy na din. Pero sana nagtext ka muna para alam ko na darating ka."
"Eh di hindi na surprise kung alam mo na pupunta ako?"
"Kunsabagay."
Binuksan niya ang kotse at niyaya si Marky na umalis na sila.
Kahit kasi nakatalikod si Trish, feeling niya ay nakatingin sa kanila ang guwardiya pati na din ang ibang crew na kausap nito.
BINABASA MO ANG
Fast Food
ChickLitA lot goes on behind the scenes of your favourite fast food restaurant. As Trish, the hopeful management trainee, will soon find out, there is more to that juicy beef patty, golden crispy fried chicken and light fluffy French Fries. The lives of eve...