Chapter 26

154 15 0
                                    

On repeat: Let Go-Safety Suit

***

"Anak, sigurado ka ba sa gusto mong gawin?" Naghahapunan si Angie at ang kanyang ama.

Wala siyang pasok kaya pagkatapos niyang linisin ang bahay ay nagpunta naman siya sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa menudo.

Pagdating na Papa niya ay nakahanda na ang lamesa.

Bumili din si Angie ng Coke at nilagyan niya ng yelo ang baso nilang mag-ama.

"Opo, Pa. May nakausap po akong isang manager sa ibang store. Tinanong niya po ako kung nag-apply daw ako papuntang Canada. Open pa daw kasi ang temporary foreign worker program doon at baka gusto kong subukan."

"Aba eh magandang oportunidad iyan."

"Binigay niya din po sa akin ang website ng agency kung saan siya nag-apply. Wala naman pong mawawala kung susubukan ko di ba?"

"Wala naman anak." Sumeryoso ang itsura ng kanyang ama at parang malalim ang iniisip.

"May problema po ba, Pa?"

"Ha?" Hindi ito natuloy sa pagsubo ng kanin na may sarsa ng menudo.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Para po kasing may gusto kayong idugtong sa sinabi niyo kanina?"

"Anak, natutuwa ako sa plano mo. Medyo nalulungkot din kasi iiwan mo ako."

"Pa, kapag nakuha ko ang permanent residency eh puwede ko po kayong kunin. Eh di magkakasama pa din naman tayo."

"Kung sakaling matuloy ka sa balak mo, maiiwan natin ang nanay mo."

Binitawan ni Angie ang hawak na kutsara.

Nang magdesisyon siya na tingnan ang oportunidad sa abroad, hindi niya naisip ang bagay na ito.

Oo nga at wala na ang kanyang ina pero kahit papaano ay nalungkot din siya sa sinabi ng kanyang Papa.

"Puwede naman po nating ipakiusap sa mga kakilala natin na bantayan ang puntod ni Mama. Maiintindihan naman po siguro niya na kung bakit ko ito ginagawa."

"Bakit nga ba bigla kang nagdesisyon na mag-abroad anak? Dati naman eh wala kang nababanggit tungkol dito."

Huminga ng malalim si Angie.

Sasabihin ba niya sa ama ang nangyayari sa trabaho?

Ayaw niya itong mag-alala.

"Ang dami ko na pong nabalitaan na mga katulad kong manager na nangibang-bansa. Hindi ko lang po binibigyang pansin dati kasi okay naman tayo dito. Pero tumatanda na din po ako, Pa, bukod sa nandito ang oportunidad. Sayang naman po kung palalampasin ko di ba?"

"Kunsabagay. Kailangang makipagsapalaran kung may gusto kang marating sa buhay mo. Pero huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko sa iyo ha?"

"Ano po iyon?"

"May kinalaman ba ang nangyayari sa inyo ni Trish kaya mo gustong umalis?"

Natigilan sa pagsandok ng kanin si Angie.

"Bakit niyo naman po naitanong iyan?"

"Kasi noong birthday mo, nagwalk-out siya. Tapos hindi mo na siya nababanggit at hindi na din siya dumadalaw dito. May nangyari sa inyong dalawa?"

"Wala naman po, Pa. Nagkausap na nga kami ni Trish. Okay naman po kami."

Half-truth lang iyon.

After ng nangyari sa kanila ng huli siyang pumunta sa bahay nina Trish ay hindi na sila masyadong nagkakausap.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon