On repeat: How's It Going To Be-Third Eye Blind
***
Inimbitahan ni Trish si Angie sa bahay ng Kuya Eric niya ng magkasabay ang day off nila.
Pinadaan nito sa text dahil nalaman niya mula kay Angie ang nangyaring pag-uusap nila ni Sir Mario.
Nasa loob sila ng guest room at tinutulungan ni Angie si Trish na mag-ayos ng mga gamit.
Nang umalis siya sa bahay nila, wala siyang halos dala kaya namili pa siya ng mga kailangan niya.
Sa maliit ng kuwarto ay kasya lang ang single-size bed, tokador, night stand at aparador.
Sumasayaw sa hangin ng electric fan ang dilaw na kurtina na lalong nagpaliwanag sa kuwarto ni Trish.
Tanaw sa tapat ng bintana niya ang likod bahay kung saan nakasampay ang mga nilabhang kumot.
"Malimit kong mahuli si Sir Mario na nakatingin sa akin." Sabi ni Trish habang inaalis sa reusable shopping bag ang mga pinamiling toiletries tulad ng toothpaste, shampoo, conditioner at sabon.
"Akala niya yata hindi ko siya nahahalata. Pero hindi ako nagsasalita kasi noong nakita niya tayo sa stockroom, kinutuban ako." Tinupi niya ang reusable bag at pinatong sa night stand.
"Wala naman tayong ginawang masama pero sa itsura ni Sir, parang gumawa tayo ng krimen.
Ngayon alam ko na kung bakit napakajudgmental ng itsura niya. Dahil tamang-hinala pala siya."
"Kaya nga kahit alam ko kung ano talaga ang pinupuntirya niya, hindi ako nagsalita. Mahirap na. Bukod sa pagtsitsismisan ako, tayo, parang ako na rin mismo ang gumawa ng sarili kong ikapapahamak. Isa pa, sabi nga niya, matagal na tayong pinag-uusapan. Kapag kinumpirma ko ang lahat, di lang ako ang madadamay kundi pati ikaw." Inabot niya kay Trish ang isa pang reusable bag.
"Ang hirap ano? You would think na sa dami ng nangyari sa mundo, kahit papaano, mas magiging open-minded na ang society natin. Pero karamihan, stuck pa din sa makalumang paniniwala. As if naman may gagawin tayong masama sa kanila. We just want to leave our lives in peace."
Natigilan si Angie sa paglabas ng mga potato chips at iba pang kutkutin.
Napatingin siya kay Trish na umupo sa tapat ng tokador at hinihilera ang mga lalagyan ng baby powder sa tabi ng deodorant.
"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" Tanong niya ng mahalatang nakatitig sa kanya si Angie.
"Naninibago lang ako sa'yo. Parang sigurado ka na sa mga sinasabi mo."
Umikot si Trish at humarap sa kanya.
"Sure na naman talaga ako. After kong umalis sa bahay nina Mommy at Daddy, I had time to think about what I was doing with my life. Nasaktan kita, nag-away tayo. Pati si Marky, nagtangkang magpakamatay. Tinanong ko ang sarili ko kung saang direksiyon ko ba gustong dalhin ang buhay ko? Saan ba talaga ako magiging masaya? I realized na I should not be ashamed of who I am. Ito ako eh. I love the person and not the gender. Kung para sa ibang tao eh mali ang pag-iisip ng ganoon, then it's their problem. I just don't want to keep lying to myself and the people I care about. Mas nagdudulot ng sakit kasi kung patuloy akong magsisinungaling sa sarili ko. Pati ang mga tao na concern sa akin, nasasaktan din."
"It's not going to be an easy life, Trish."
"Alam ko. Ngayon pa lang, sa experience mo with Sir Mario, nakikita ko na ang challenge. But you know what, I don't have to come out to anyone kung hindi ako kumportable. Kung sa tingin ko mapapahamak ako, I will protect myself first. I will protect our friendship, Angie. Kahit ipatapon nila ako sa bulkan, I will not make the mistake of outing you to anyone."
"Anong gagawin natin ngayon? I'm sure na kahit kinausap ako ni Sir, nagmamanman pa din siya."
"It will help kung babawasan ko ang pangungulit sa'yo kapag nasa store tayo."
"Para na rin tayong nagtatago kung ganon."
"Nasa hot spot pa kasi tayo. At alam mo naman ang mga tsismoso at tsismoso, hahanap at hahanap ng way para gumawa ng kuwento."
"Kunsabagay, tama ka diyan. Pero di din tayo puwedeng maging obvious na nag-iiwasan kasi puwede din nilang gawan ng kuwento ang ganoon di ba?"
"Tama. There has to be a good balance. Kapag nasa store tayo, I think it's best na we are around other managers at hindi iyong tayo lang palagi tulad ng ginagawa natin dati. Iwasan natin pareho ang nasa stockroom kasi alam mo na? Isolated ang area na iyon."
"This is crazy." Napailing si Angie.
"Bakit tayo nagpaplano ng mga ganitong bagay eh we're not even together?"
"Tulad ng sinabi ko kanina, we have to protect ourselves first. Para sa mga makakating dila, we are together. Wala nga lang silang proof kaya they continue to speculate."
"Mas madali sana kung meron talaga tayong tinatago. At least I have a reason to pretend Pero wala eh. I feel like a criminal na wala namang ginawang kasalanan."
"Gie," Lumipat si Trish sa kama at umupo sa tabi niya.
"Ngayon lang naman 'to. Lilipas din ang bagyo. Mapapagod din ang mga tsismoso at tsismosa. Ang mahalaga, alam natin ang totoo tungkol sa isa't-isa."
"That's my point. We are not together and yet we have to do all of this to prove them wrong."
"Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Ikaw." Walang paga-alinlangang sagot ni Angie.
"But Angie," Nakita niya sa mga mata ni Trish ang paga-alinlangan.
"I'm so stupid. Ginawa ko na ito dati and I'm doing the same thing."
"It's not that."
"Then what is it? Bakit lagi kang nag-aalangan everytime I bring this up?"
"I know I said I'm ready to embrace who I am pero tingnan mo naman ang sitwasyon ko." Ginawad ni Trish ang tingin sa paligid.
"I lived with my brother dahil my parents hate me. Now, gumagawa tayo ng plano to save our friendship from the people who are spreading lies about us."
"Is that who I am to you, Trish? Hanggang friendship na lang talaga?"
"Sa ngayon, Angie, that's all I can give."
"Okay. At least malinaw ang lahat."
"But you are upset."
"I am not upset. I'm brokenhearted."
"Angie, believe me when I say na I will be the luckiest girl to be with you. I have no doubt about that. But right now, you don't want to be with me. My life is not in order. Ayokong pumasok sa isang relasyon during a chaos. I don't want to fail because I rushed into it."
"You're right. You don't have to explain pero salamat sa honesty mo."
"Gie, ayokong pareho tayong masaktan in the end. That's the last thing na gusto kong mangyari sa ating dalawa. I value you as a person. You're strong and you know yourself. Those are a few of the things I admire about you."
"Thank you. I need to accept na may mga bagay talaga na hindi puwedeng ipilit."
"It has nothing to do with love but time."
Tumango si Angie.
Tumayo na si Trish at kinuha ang mga reusable bags bago tumungo sa kusina.
Pinagpatuloy ni Angie ang pag-aayos ng mga gamit pero hindi katulad kanina ng dumating siya, napalitan ng lungkot ang saya niya.
Sinabi niya sa sarili na siguro nga ay dapat tanggapin niya ang katotohanan pagdating sa nararamdaman niya kay Trish.
Hindi nakikiayon ang pagkakataon sa gusto niyang mangyari.
Kailangan niyang respetuhin ang hiling ni Trish.
Kailangan niya ding irespeto ang sarili niya.
Hindi iyong lagi niya na lang pinipilit ang pagmamahal niya sa isang tao na hindi handa.
Kahit masakit para kay Angie, bago niya iniwan si Trish ng hapong iyon, may nabuong desisyon sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Fast Food
ChickLitA lot goes on behind the scenes of your favourite fast food restaurant. As Trish, the hopeful management trainee, will soon find out, there is more to that juicy beef patty, golden crispy fried chicken and light fluffy French Fries. The lives of eve...