Chapter 19

120 19 3
                                    

On repeat: Free To Decide-The Cranberries

***

Nang mga panahon na niloloko si Angie ni EJ, ang isa sa reklamo ni Mam Mica ay ang pagiging maunawain niya at ang sobrang bilis na magpatawad.

Ilang beses siyang sinabihan ng kaibigan na isa siyang dakilang tanga.

Kahit nasasaktan, binalewala niya na lang ang pangungutya nito.

Galit kasi ito sa treatment sa kanya ng ex niya at alam niya na concern lang ito sa kanya.

Nang marinig niya ang sinabi ni Trish tungkol kay Marky, agad na naglaho ang mga agam-agam niya tungkol sa ginagawa nitong hindi pagkibo sa kanya.

Nalaman niya na pinuntahan si Trish ng magulang ni Marky.

Nagmakaawa ang mommy nito na tanggapin niya ulit ang dating nobyo dahil hindi daw nito kaya na mawala ang anak.

Dahil hindi siya agad nakasagot, ang mommy niya ang nagsalita para sa kanya.

Sinabi nito na walang dapat ipag-alala ang mga magulang ni Marky.

"Tampuhan lang naman ang nangyari sa kanilang dalawa. Nakakalungkot nga lang at umabot sa ganito ang lahat pero pasasaan ba at magkakaayos din sila." Pang-aalo ng mommy ni Trish.

Matalim ang tingin na iginawad niya sa ina pero pinandilatan siya nito.

Nagbabanta na hindi iyon ang tamang oras para mangatwiran siya.

Natunaw sa dila niya ang mga rason na gustong niyang ibigay.

Nandoon din ang daddy niya kaya lalo siyang nautal.

Nang magsalita ito, nayanig lalo ang mundo ni Trish.

Tinawag niyang balae ang mga magulang ni Marky.

Hindi maintindihan ni Trish kung ano ang nangyayari ng mga oras na iyon pero pinagtagpi-tagpi niya ang usapang nangyayari sa parehong kampo at naging malinaw sa kanya ang lahat.

Pagkaalis ng mga bisita, doon niya nilabas ang galit.

Nalaman niya na pinagkasundo siya ng mga magulang.

"Ginawa nila iyon?" Hindi makapaniwala ang tono ni Angie.

"Oo. Pakiramdam ko, para akong bumalik sa medieval times. The whole time na nasa biyahe ako, they were arranging our wedding."

"Anong sabi mo?"

"I told them na ayokong magpakasal. Nagalit si Daddy. Kaya daw ba ng konsensiya ko na mamatay si Marky dahil sa katigasan ng ulo ko?"

Naiyak si Trish.

Nilapitan siya ni Angie at niyakap ng mahigpit.

"Bakit hindi ka agad nagsabi sa akin?"

"Because I said yes to the engagement."

"Ano?" Humiwalay si Angie sa pagkakayakap kay Trish.

Para siyang napaso sa narinig.

Umupo siya ulit sa kama at gumuho ang pag-asa niya.

Nag-angat si Trish ng tingin at patuloy sa pagdaloy ang naglalakihang patak ng mga luha.

"I felt guilty. Naisip ko ang mga ginawa ko kay Marky. Ang mga topak ko na kaya niyang i-tolerate. Kahit bigla na lang nagbabago ang mood ko, hindi niya pinapatulan. Kapag bigla na lang akong nakipagbreak sa kanya, hindi siya tumitigil sa panunuyo sa akin hanggang sa magkabalikan kami. I thought, maybe it was the right thing to do."

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon