Chapter 7

144 16 0
                                    

On repeat: Metro (Re-recorded)-Berlin


Dahil tapos na ang training niya sa bawat station, ang next round naman ng training ay ang paggawa ng mga reports.

Kitchen ang lifeblood ng bawat tindahan kaya dito siya mag-uumpisa.

As usual, ang trainer niya ay si Mam Angie.

Siya ang dakilang shadow ng kitchen manager.

Pero hindi tulad ng nag-umpisa siya na iniiwasan niyang lumapit dito, ngayong medyo nakikilala niya na ito, nagkikuwentuhan na silang dalawa.

Pagdating niya ng hapong iyon, ang sumalubong sa kanya ay si Mam Angie at ang napakaraming folders.

May folder para sa quality checks, inventory, orders, performance reviews ng mga kitchen crew, memoramdum, updates pati na din sa equipment maintenance.

Color-coded ang mga ito.

Binuksan ni Mam Angie ang drawer at pinakita sa kanya ang iba't-ibang klase ng thermometers na ginagamit.

Iba ang para sa pagkain at iba din ang para sa mga equipments.

Merong bilog ang hugis na may patusok na probe.

Ang para sa griddle ay mabigat, may cover na plastic pero heatproof at flat ang dulo.

May wire na tinutusok sa isang parihabang temperature reader.

Sa dami ng ginagawa nila at sa sobrang busy ng store, milagro na nagagawa ito lahat ni Mam Angie.

Nang magtanong siya kung paano niya ito ginagawa, sinabi nito na malaking tulong sa trabaho niya ang grupo ng core crew kung saan si Alyana ang leader.

"Maasahan ko siya na gawin ng tama ang trabaho. May respeto din sa kanya ang mga crew kaya sumusunod sa kanya kapag inuutusan niya." Kita sa mukha ni Mam Angie ang pride habang nagsasalita.

Part ng trabaho nila ang magdelegate.

Pero hindi basta-basta inuutos ang isang trabaho.

Kailangang i-train ng mabuti ang crew bukod sa dapat ay may taglay na leadership qualities din ang mga ito.

"Importante ang tiwala sa trabaho natin." Paalala nito sa kanya.

"Pero hindi ito basta-basta binibigay. They have to earn your respect at magagawa nila iyon kung nakikita natin na maganda ang performance nila sa trabaho."

Nakatayo silang dalawa noon sa tapat ng walk-in freezer.

Bitbit niya ang dalawang makapal na thermal jacket at hawak naman ni Mam Angie ang rectangular handheld thermometer at ang wire na may clip sa dulo.

Everyday, kinukuhanan nila ng reading ang cold storages.

Hindi sapat ang reading sa built-in thermometers.

Kailangang manual na kuhanan nila ng temperature ang walk-in freezer at walk-in chiller.

"Magjacket ka muna bago tayo pumasok." Kinuha ni Mam Angie ang isang jacket at sinuot niya din ito.

"Ready?" Tanong nito ng pareho na silang nakajacket.

"Ready." Excited na sagot niya.

Una siyang pinapasok ni Mam Angie.

Pagpasok niya, gusto niya na lumabas ulit.

Nanuot sa manipis na blouse at slacks niya ang lamig tapos parang bigla siyang nabingi.

Dinig na dinig ang tunog ng air vent sa loob.

Nilakasan ni Mam Angie ang boses niya habang pinapakita sa kanya kung saan dapat isabit ang clip.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon