Chapter 11

121 17 0
                                    

On repeat: Let Me Go-Hailee Steinfeld, Alesso, Florida Georgia Line

***


Mula ng maabutan niya sa kusina ang ama na nagluluto ng almusal, hindi pa din makapaniwala si Angie sa pagbabago na nakita dito.

Kahit ilang buwan na ang lumipas, isang malaking palaisipan pa din sa kanya na hindi na niya ito naabutang nakalugmok sa sofa at yakap ang bote ng gin.

Bukod dito, nakahanap din ito ng trabaho sa factory ng hopia na malapit lang sa lugar nila.

Taga-deliver ang papa niya at kahit maliit ang suweldo, kita sa mukha nito ang pride.

Hindi niya naman pinupuwersa ang ama na magtrabaho.

Pero ito na mismo ang nagsabi na ayaw niya na pati mga panggastos sa personal na pangangailangan eh iasa pa sa kanya.

Natutuwa naman si Angie dahil kahit hindi naman magastos ang ama lalo na ngayon na hindi na ito umiinom, makakapag-ipon na siya kahit papaano.

Noon pa niya ito gustong gawin.

Pero dahil siya lang ang kumikita at sumasagot sa lahat ng gastusin, kakarampot na lang ang natitira sa kanya.

Malimit pang mabawasan ang naitatabi niyang pera lalo na kung may mga emergency tulad ng pagdala sa papa niya sa ospital.

Napansin ni Angie na lalong sumaya ang papa niya mula ng magtrabaho.

Inisip niya na lang na dahil siguro sa hindi na ito nagmumukmok sa bahay.

Ang hindi niya akalain na ang pagpunta niya sa tindahan ni Aling Linda ang magbibigay sagot sa ilang tanong niya.

Day off niya at naisipan niyang maglinis ng banyo.

Kaya lang, naubusan na sila ng Zonrox.

Para sa kanya, hindi kumpleto ang paglilinis kung hindi niya ginamitan ng bleach.

Napilitan siyang bumili sa tindahan.

Kapag nasa bahay kasi siya, bihira siyang lumabas.

Kaya naman kapag nakikita siya ng mga kapitbahay, nagtataka ang mga ito.

Nakaupo si Aling Linda at nagbabasa ng Tagalog pocketbook ng dumating siya.

Naghello siya dito at sinabi kung ano ang kailangan niya.

Kinumusta siya ni Aling Linda at tinanong kung day off niya.

Matipid na opo ang sagot niya.

Mabait sa kanila ang tindera pero kilalang tsismosa.

Hangga't maaari, iniiwasan niyang magkuwento dito dahil alam niya na malalaman ng buong barangay.

Hindi niya din naman talaga ugali ang magshare ng mga personal na bagay kahit kanino.

Hindi rin siya tumatambay sa tapat ng bahay para makipaghuntahan sa mga kapitbahay nila.

Dahilan para mabansagan siyang suplada.

Pagkaabot ng sukli, aalis na sana si Angie pero tinawag siya ulit ni Aling Linda.

"May kailangan pa po ba kayo sa akin?"

"Angie, balita ko may chicks ang papa mo sa factory?" Walang pakundangang tanong nito.

Kumunot bigla ang noo niya sa narinig.

"Saan niyo naman nabalitaan iyan?" Imbiyernang tanong niya.

Wala pang isang buwan sa factory ang papa niya pero may tsismis na agad.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon