Chapter 12

130 19 0
                                    

On repeat: I'll Wait-Kygo feat Sasha Sloan

***

Noong second year college si Trish at break sila ni Marky, lalong nadevelop ang friendship nila ni Mam Nicole.

Inimbita pa nga siya nito sa birthday celebration ng professor.

Dahil Sabado ang celebration, gumawa ng rason si Trish para payagan ng parents niya.

Sinabi niya sa mga ito na meron silang group project sa school.

Ayaw pa nga siya payagan ng mga ito noong una.

Bakit daw hindi nila puwedeng gawin ang project sa weekday?

Bakit daw kailangan Sabado pa?

Medyo nawawalan na siya ng lakas ng loob pero dahil gusto niyang pumunta, pinanindigan niya ang rason hanggang sa alinlangang pinayagan siya ng mga ito.

Wala pa siyang lisensiya noon.

Nang sinabi ng daddy niya na ipapahatid siya kay Charlie, sinabi ni Trish na magcocommute na lang siya.

Muntik na namang magbago ang isip ng magulang niya pero sanay naman siyang magbiyahe.

Sinabi niya na hindi na kailangan.

May van naman na malapit ang terminal mismo sa school nila sa LaSalle-Dasma.

Isang sakay lang at nandoon na siya.

Tinext ni Mam Nicole ang address niya sa Imus.

Hindi niya puwedeng sabihin sa parents niya kung saan talaga siya pupunta dahil magtataka ang mga iyon.

Siguradong tatanungin siya kung bakit siya kumbidado sa birthday party ng professor niya.

Pagdating niya sa bahay ng guro, wala siyang kakilala ni isa.

Nagtaka nga siya dahil kahit mga co-teachers sa university, walang dumating.

Siya lang ang imbitado na taga-school nila.

Karamihan din sa nandoon, kaedad ni Mam Nicole.

Siya lang ang teenager kaya na-out of place talaga siya.

Mukhang puro professionals ang mga kaibigan nito kaya lalo siyang naasiwa.

Her first thought was, hindi na lang siya dapat pumunta.

Naiilang siyang lumapit sa mga bisita at ang prof niya lang ang kausap niya.

Kapag umaalis ito para salubungin at kausapin ang mga bagong dating, nakaupo lang siya sa isang sulok lang at nago-observe sa mga nangyayari.

Ramdam niya na nagtataka din ang mga guests ni Mam Nicole kung bakit nandoon niya.

Feeling niya ng time na iyon, she should not be there.

Dahil asiwa sa party, pumunta na lang siya sa CR at nagdesisyon na paglabas niya ng banyo, magpapaalam na siya kay Mam Nicole.

Hindi niya namalayan na sinundan pala siya nito papunta sa banyo.

Bigla siyang hinawakan nito sa kamay tapos niyayang umakyat sila sa kuwarto.

Pagpasok nila, iniwan ni Nicole na nakaawang ang pinto.

"What are we doing here?" Nagtataka at kinabahan siya bigla.

May malaking glass window sa kuwarto at kita niya mula dito ang garden na natataniman ng mga rosas at iba't-ibang klaseng halaman.

Maliwanag sa loob dahil matindi ang sikat ng araw.

"I'm sorry, Trish. Hindi ka nage-enjoy sa party." Tumayo ito sa tapat niya.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon