Chapter 4

157 20 2
                                    




On repeat: Let Me Go- Hailee Steinfeld


First time magclosing ni Trish at nanibago siya sa pagpapalit ng schedule.

Dahil isang buwan siyang opening, alas-singko pa lang ng umaga ay gising na siya.

Pinilit niyang matulog ulit pero dilat na dilat na ang mga mata niya kaya bumangon na lang siya at nag-almusal kesa hintayin na dalawin ulit ng antok.

Pagdating niya sa store, mabigat ang pakiramdam niya.

Hindi pa man nagsisimula ang shift niya pero pagod na siya.

Nakaidlip kasi siya bandang alas-diyes.

Pero imbes na marefresh, nanlulumo siya ng gumising.

Si Mam Angie at Sir Justin ang kasama niya sa shift.

Hanggang alas-nuwebe lang si Sir Justin.

Silang dalawa ni Mam Angie ang magsasara ng tindahan.

Nang malaman ni Alyana na closing siya, sinabi nito na hindi sila nakakauwi on time.

Nasa crew room silang dalawa at patapos na ang break niya ng dumating ito.

"Malimit lampas alas-dose na kami lumalabas ng store."

"Bakit naman?"

"Iyong ibang closing kasi, ang bagal kumilos. Iyong iba naman, puro daldalan ang ginagawa. Parang mga ayaw magsiuwi."

Masaya sana kung kasama ni Trish si Alyana kaso day off nito.

Buti na lang at nawarningan na siya kung ano ang nangyayari sa gabi.

At least alam niya kung ano ang dapat asahan.

Mas madaming tao sa hapon kumpara sa opening shift.

Mas maingay at mas nakakastress kasi sobrang dami ng orders pati na din ng customers.

Pagpatak ng alas-kuwatro, tuloy-tuloy na ang peak period hanggang alas-otso ng gabi.

Hindi siya nagkaroon ng chance na magbasa ng manual dahil tumulong siya sa floor.

Dahil trained na siya sa lahat ng station, pumupunta siya sa station na may bottlenecks.

Halos isang oras din siya sa French Fries station dahil trainee lang ang kasama niya.

Ang haba ng mga resibo na nakasabit sa holder.

Hindi kasi dumating ang trainer nito kaya ang pobreng crew, nangangapa sa gagawin.

Dahil nakikita niya na nagi-struggle ito, nagsabi siya kay Mam Angie na tutulong siya sa French Fries station.

Nang makita niya ang patong-patong na resibo ng pending orders, pinayagan siya.

Bakas sa mukha ng crew na kinakabahan ito.

Pero part ng pagiging manager ang pagmomotivate sa mga empleyado.

Para kumalma, kinausap niya ang trainee na Jessa ang pangalan.

Sinabi niya dito na nandoon siya para tumulong.

"Kaya natin 'to, okay?"

"Kalma ka lang."

Nahihiyang tumango si Jessa.

Ninenerbiyos pati ang ngiti ng crew.

Siya ang naglalagay ng frozen potatoes sa basket at nagluluto.

Sa combined effort nila, nakabawi naman sila.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon