On repeat: Between The Raindrops-Lifehouse feat. Natasha Bedingfield
***
Hinila ni Angie ang folding chair at doon niya pinaupo si Trish.
Pumuwesto naman siya sa ibabaw ng bigas.
Iniwan niyang bukas ang stockroom tutal lahat naman ay nasa function room.
"What's up?"
Isang malakas na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Trish.
"I don't know where to start."
"Bakit di mo simulan sa umpisa?" Pang-iencourage niya dito.
"My life fell apart, Angie."
"Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.
Kinuwento ni Trish ang tungkol sa pagkikita nila ni Marky.
Pag-uwi niya, ang galit ng mga magulang ang sumalubong sa kanya.
Nakaabang na ang mga ito bago pa man siya makapag-tanggal ng sapatos.
Hindi daw nila maintindihan kung bakit kinancel nila ang kasalan.
At ano daw itong sinabi ni mama ni Marky na isa siyang bisexual?
"When I spoke to Marky, I should have explicitly told him not to say anything about that sa parents niya. Pero I should have known. Very close siya sa mama niya. Hindi siya makakapaglihim dito."
"I'm sorry to hear that."
"I'm more disappointed than mad. Gusto ko na ako mismo ang magsabi sa parents ko pero hindi iyon ang nangyari. Hindi daw nila alam kung saan sila nagkulang sa amin ni Kuya Charlie. Pinalaki naman daw nila kami ng maayos pero bakla si Kuya Charlie at ako naman, bisexual. They looked so disgusted, Angie. Daig ko pa ang gumawa ng krimen with the way their face cringed just saying the word. It broke my heart to see it."
"Were you expecting something else from them?"
"Oo. There was a small part of me na umaasa na after my brother left, siguro naman narealize nila na mali ang ginawa nila. But I was wrong. They haven't change."
"I think they are still in denial, Trish. Alam mo iyon. Kung hindi mo haharapin ang isang issue, baka hindi totoo. Do you think they dealt with Charlie being gay?"
Umiling siya.
"Nang umalis siya, siguro naging out of sight, out of mind para sa parents mo. They don't have to deal with questions kasi wala naman siya eh. Kung may magtanong man, maybe they made excuses?"
"Siguro nga. It's different kung nasa bahay si Kuya Charlie. Him being there will remind them of who he truly is."
"Then Marky's parents outed you. For sure nagulat sila. Baka hindi nila inakala na it could happen to you too."
"I could have explained but it was taken away from me."
"Anong gagawin mo ngayon?"
"I have been staying at Kuya Eric's house. Sina Mommy, hindi ako pinapansin at ang hirap maramdaman na balewala ako sa kanila. They see me but it was as if I wasn't there. It hurts."
"Alam na ng Kuya mo ang nangyari?"
"Oo. Sinabi ko sa kanya. Ang akala ko nga magagalit siya pero I was surprised when he hugged me and said I could stay at their place for as long as I like."
"Are you going to be okay?"
"I'm trying my best. Inaaliw ko ang sarili ko to forget what happened. Kahit saglit lang, gusto kong sumaya. I've been crying a lot at sumasakit na ang puso at isip ko sa kakaiyak."
Tumayo si Angie at nilapitan ang kaibigan.
Niyakap niya ito.
Yumakap si Trish sa bewang niya at patuloy na umiyak.
Hindi na nagsalita si Angie.
Panahon ang kailangan ni Trish para makabangon muli.
Nasa ganoon silang puwesto ng biglang bumukas ang pinto.
Sabay silang bumitaw sa pagkakayakap ng makita kung sino ang dumating.
BINABASA MO ANG
Fast Food
ChickLitA lot goes on behind the scenes of your favourite fast food restaurant. As Trish, the hopeful management trainee, will soon find out, there is more to that juicy beef patty, golden crispy fried chicken and light fluffy French Fries. The lives of eve...