Chapter 6

178 21 3
                                    

On repeat: Wildest Dreams-Taylor Swift


Naalimpungatan si Trish ng maramdaman ang init at liwanag galing sa bukas niyang bintana.

Minulat niya ang isang mata at agad na hinanap ang cellphone na nakapatong sa bedside table.

Pag-angat niya ng phone, 10:28 na pala ng umaga.

"Oh my God." Pinatong niya ulit ang phone at tinakpan ang mukha ng unan.

Nag-set siya ng alarm bago matulog pero mukhang hindi niya narinig dahil sa pagod.

Rest day niya ngayon at inaabangan niya talaga ang araw na 'to.

Exhausted na siya.

Mula ng maging closing, lagi na lang siyang inuumaga ng uwi.

Hindi niya din matiis na iwanan si Mam Angie kaya hinihintay niya itong matapos dahil ihahatid niya ito.

Pati ang mommy at daddy niya, nagtatanong kung bakit hindi sila natatapos sa oras.

Pero kahit ipaliwanag niya sa mga ito ang sitwasyon, hindi nila maintindihan.

"Dapat binabayaran kayo ng overtime." Reklamo ng daddy niya habang nananghalian sila.

Sila na lang ang nasa bahay kasama ang yaya niya.

Ang Kuya Erik niya, bumukod na mula ng mag-asawa.

Dumadalaw lang ang mga ito tuwing weekend para makasama ng family nila ang dalawang pamangkin niya.

"Hindi makatarungan iyang lampas ka na lagi ng ala-una nakakauwi."

"Dad, management po ako. Wala pong bayad sa OT." Paalala niya sa ama.

"Iyong mga crew, anak, may bayad sila kapag na-extend ang oras?" Tanong ng mommy niya.

Nagbaba si Trish ng tingin.

Nalaman niya mula kay Alyana na kapag lumampas sila ng alas-dose, TY na ang ilang oras na nai-extend sila.

Kaya siguro hindi na din nagmamadali ang mga crew na tapusin ang paglilinis bukod sa pagod na din ang mga ito sa maghapong trabaho.

Kinumpirma ni Mam Evelyn ang sinabi ni Alyana ng magtanong siya tungkol dito.

Feeling niya, ang unfair lalo na sa mga crew.

Hindi na nga mataas ang suweldo, lugi pa sila sa oras.

"Buti at walang nagrereklamo sa labor tungkol dito." Mataas pa din ang boses ng daddy niya.

"Kapag may naglakas loob na magreklamo, hindi maganda para sa kumpanya ang ganyang patakaran. Masisira ang pangalan at reputasyon ninyo dahil sa unfair labor practice ng hindi pagbabayad ng overtime. Sikat pa naman ng kumpanya at kilala din sa ibang bansa. Nakakahiya."

Nagkatinginan na lang si Trish at ang mommy niya.

Pero may katwiran ang daddy niya.

Bago ito nag-abroad, may posisyon ito sa union.

Kaya kahit matagal ng retired, hindi pa din naaalis dito na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.

Dahil sa nangyari, iniwasan niyang magbanggit ng mga bagay na may kinalaman sa labor.

May mga koneksiyon pa din kasi ang daddy niya sa dati nitong organization.

Baka may masabi ito.

Nag-unat muna si Trish bago bumangon at bumaba sa kusina.

Naabutan niya ang mommy niya na nagluluto kasama si Yaya Metring.

Amoy tomato sauce sa kusina at bigla siyang nagutom.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon