On repeat: Lie To Me - 5 SOS
***
Nang marating nila ang Mariposa Resort, namangha sila kasi mas maganda pa ito sa pictures sa Internet.
Open ang reception area at sa gilid ng walkway ay may iba't-ibang makukulay na banners na may malaking puting silhouette ng paruparo.
Hinahangin ang mga ito kaya lalong tumingkad ang kulay at naging buhay ang mga logo dahil parang lumilipad.
Mainit na pagbati ang sumalubong sa kanila mula sa lalake at babae sa reception.
Mula sa kinatatayuan nila ay kita ang swimming pool at sa tapat nito ay ang mga lanai kung saan sila magi-stay for the rest of the meeting.
"Sir, puwedeng huwag na lang tayo magmeeting at magswimming na lang tayo?" Pabirong tanong ni Sir Roger habang nakatingin sa swimming pool.
Bitbit niya ang malaking pulang Coleman na may lamang yelo at summer na summer ang porma sa suot na khaki shorts, red and yellow Hawaiian shirt at leather sandals.
"Kung puwede lang nga. Kaya mabuti pa, magstart na tayo magset up para makapagmeeting na tayo." Sagot ni Sir Mario.
"Okay, Sir."
Medium-sized lanai ang pinili ni Sir Mario para kasya silang lahat pati ang mga dala nilang gamit.
Tahimik na tumulong si Angie habang masayang nagdadaldalan ang mga kasamahan niya.
Nagmamasid lang si Trish.
Nakikiramdam kung kikibo ba si Angie o paninindigan ang pananahimik.
Pero kahit inaasar ni Mam Mica at Sir Mario, matipid na ngiti lang ang sagot nito.
Kahit pinuri nina Mam Evelyn at Sir Bryan ang bago niyang gupit, nagthank you naman pero matamlay.
Makahulugang nagkatinginan ang dalawa.
Marahil ay nagtataka din kung bakit wala sa mood ang kasama.
Bago magsimula ang meeting, kumain muna sila.
Habang kanya-kanyang nguya, siningit na ni Sir Mario ang agenda nila.
Samantalahin na daw nila ang oras para makaligo sila at makapag-enjoy.
"Masanay ka na, Mam Trish. Most of the time, informal talaga ang discussion natin tsaka naghahabol tayo ng oras para hindi lang puro meeting ang gagawin natin."
"No problem, Sir."
Ang unang nagdiscuss ng plano sa pagdating ng 2025 ay si Sir Mario.
Tinaasan niya ang sales target mula sa 2% to 4%.
"Directive ito ng corporate." Umiling siya.
"Gusto yata nila, sa store na tayo tumira at kalimutan na natin na meron tayong pamilya." Pabiro niyang sinabi pero sarkastiko ang tono niya.
"Ba't ganoon, Sir?" Tanong ni Mam Evelyn.
"Kung tutuusin, kulang pa nga tayo di ba? Sobrang lakas ng benta ng store pero parang ayaw nilang magdagdag ng tao." Himutok na tanong niya.
Administrative ang main duty ni Mam Evelyn.
Pero kapag busy, imbed na nasa office siya at ginagawa ang trabaho, nasa floor siya at naga-assist sa mga managers.
"Alam niyo naman ang corporate. Kapag nakita na maganda ang performance ng store, mas lalong tinataasan ang targets."
"Corporate ba talaga ang may sabi o ang nagmamaganda nating area manager?" Tudyo ni Mam Evelyn.
BINABASA MO ANG
Fast Food
ChickLitA lot goes on behind the scenes of your favourite fast food restaurant. As Trish, the hopeful management trainee, will soon find out, there is more to that juicy beef patty, golden crispy fried chicken and light fluffy French Fries. The lives of eve...