On repeat: Where's My Love? - SYML
Nang lumabas si Angie sa kuwarto, ang unang pumasok sa isip niya ay nananaginip siya.
Sanay na siyang gumising na ang unang nakikita sa umaga ay ang ama na tulog na tulog sa sofa at malakas na naghihilik.
Pero ng umagang iyon, nadatnan niya ito sa kusina, nakaligo na, bagong bihis at pasipol-sipol habang nagluluto ng almusal.
Panaginip nga siguro ito. Bulong niya sa sarili.
Dalawang taon na mula ng pumanaw ang kanyang ina.
Ganoon katagal na ding nakikipaglaban sa depression at dalamhati ang kanyang ama.
Sa loob ng panahon na iyon, siya lang mag-isa ang nagdadala ng lahat ng intindihin sa kanilang tahanan.
Kaya naman hindi siya makapaniwala na nakatayo ang kanyang ama at parang bagong tao.
Malaki na ang pinayat nito dahil malimit na ang laman lang ng tiyan ay alak.
Kaya naman ang mga lumang damit ay sobrang maluwag na.
Bukod sa naligo, nag-ahit din ito kaya wala na ang bigote at makapal na balbas.
Bumata ang itsura ng kanyang ama.
Hindi na ito mukhang taong grasa na malimit kaawaan ng mga kapitbahay nila.
Humarap ito at ngumiti ng makita siyang nakatayo sa may gilid ng pintuan.
"Gising ka na pala, anak. Buti naman. Halika. Umupo ka at sabay tayong mag-almusal." Pinatong niya ang plato na may lamang apat na sunny side-up eggs at hotdogs.
"Pa, okay lang po ba kayo?" Atubiling hinila niya ang isang upuan.
"Oo naman. Mukha ba akong hindi okay?" Nakangiti pa din ito.
Bukod sa bagong ligo at bagong palit ng damit, ang isa pang napansin ni Angie ay ang amoy ng paborito nitong cologne.
Kahalintulad nito ang amoy ng bagong labang damit.
Matagal na niya itong hindi ginagamit.
Kaya naman lalo siyang nagtaka sa kakaibang kilos at itsura ng tatay niya.
"May lakad po ba kayo ngayon?" Inabutan siya ng plato ng kanyang papa.
"Wala naman. Pumunta na ako sa palengke. Mamaya, ipagluluto kita ng paborito mong adobo at ipaghahanda kita ng baon mo."
Umupo sa tapat niya ang ama.
"Pa, sigurado kayo na wala kayong sakit?"
Kakagat sana ito sa hotdog pero natigilan dahil sa tanong niya.
"Bakit ba hindi ka makapaniwala?"
"Eh kasi..." Tinitigan niya ang ama.
Oo nga at masaya siya sa nakita ngayong umaga.
Pero mas nangibabaw sa kanya ang pagtataka.
Biglaan ang nakita niyang pagbabago.
Kagabi lang, naabutan niya ito sa dating puwesto sa sofa.
Kung may magnanakaw, siguradong tangay lahat ng kakaunting gamit nila dahil sa walang malay ang papa niya na nilooban na pala sila.
Minsan naisip niya na mag-alaga ng aso para may bantay sa bahay pero dagdag ito sa budget kaya sinantabi niya na lang ang ideya.
"Angie, matagal akong nahimbing. Panahon na para gampanan ko ang pagiging ama sa'yo lalo na at dalawa na lang tayo. Sigurado ako na kung buhay pa si Mely, baka dinagukan ako nun dahil sa kapabayaang ginawa ko." Nangilid ang luha nito.
BINABASA MO ANG
Fast Food
ChickLitA lot goes on behind the scenes of your favourite fast food restaurant. As Trish, the hopeful management trainee, will soon find out, there is more to that juicy beef patty, golden crispy fried chicken and light fluffy French Fries. The lives of eve...