Chapter 24

114 15 0
                                    

On repeat: Mad World-Tears For Fears

***

Nang mga sumunod na araw, pangamba ang naramdaman ni Angie.

Magkahalong gulat at pagtataka ang nakita niya sa mga mata ni Sir Mario.

Wala naman silang masamang ginawa ni Trish pero sa itsura ng store manager nila, iba ang pakiramdam ni Angie.

Matagal niya na itong kasama.

Alam niya na mahilig ito sa tsismis.

Kapag galing ito sa mga business meetings at conventions, ang dami nitong kuwento tungkol sa buhay ng ibang managers.

Silang dalawa ni Mam Evelyn ang mahilig maghuntahan.

Pati sa sarili nilang tindahan, inuusisa ni Sir Mario ang mga crew lalo na ang mga malapit sa kanya.

Doon siya kumukuha ng impormasyon tungkol sa iba nilang empleyado.

Sinabi ni Sir Mario na kailangan nila ng table napkins.

Dumiretso ito sa shelf kung saan nakalagay ang box ng napkins.

Bago ito lumabas, pinaalalahanan sila na kailangan ang tulong nila sa party.

Nagkatinginan sila ni Trish.

Tumayo na ito at sumunod sila kay Sir Mario pabalik sa function room.

Kahit nag-iba na ang pakiramdam ni Angie, pinilit niyang maging masaya ng humarap ulit sa mga kasama nila.

Tinanong pa nga siya ni Mam Mica kung saan siya pumunta.

At kung ano daw ang nangyari kay Mam Trish dahil namumugto ang mga mata.

Ang tanging naging sagot niya ay saka na lang sila magkuwentuhan dahil marami pa silang gagawin para sa party.

Nahalata ni Mam Mica na umiiwas siya pero hindi na ito nangulit.

Closing pa din ang shift niya hanggang matapos ang Disyembre.

Nagulat siya ng makitang nabago ang schedule niya.

Bigla siyang naging mid-shift.

Pareho sila ng schedule ni Sir Mario.

Fifteen minutes bago magsimula ang bago niyang shift, dumating na siya sa tindahan.

Nasa opisina si Sir Mario at nakaupo sa tapat ng computer.

Bumati siya dito at dadaan sa gilid nito ng bigla itong magsalita.

Gusto daw siyang kausapin.

Hindi na siya nagtaka.

Alam niya na darating ang pagkakataong ito.

Ang hindi niya lang alam ay kung kailan.

Ni-lock ni Sir Mario ang pinto.

Hindi man lang siya binigyan ng time para makapag-ayos.

Hinila ni Angie ang isang upuan at pumuwesto sa tapat ng store manager.

Mula ng insidente sa stockroom, napansin niya na malamig ang treatment sa kanya nito.

Hindi tulad dati na lagi itong nakikipagbiruan sa kanya, nang mga nagdaang araw ay seryoso ito.

"Mam Angie, matagal na tayong magkasama at gusto kong isipin na kahit papaano ay kilala kita." Panimula nito.

May bumara bigla sa lalamunan ni Angie.

Kahit wala siyang dapat ikaguilty, alam ni Angie kung saan papunta ang usapang ito bago pa man siya kausapin ni Sir Mario.

"Sir, kung matagal niyo na po akong kakilala, bakit hindi niyo na lang po ako diretsahin?" Kahit kinakabahan, sa lahat ng ayaw niya ay ang magpaligoy-ligoy.

Hindi siya naniniwala na delaying the agony will bring less pain.

It will still be painful nonetheless.

"Okay. I guess there is no other way to say this pero tandaan mo, Mam, na ginagawa ko ito dahil may tiwala ako sa'yo. Alam ko na mahalaga sa'yo ang reputasyon mo at ang mga bagay na ipinundar mo para sa career mo."

Tiningnan niya si Sir Mario.

Hindi concern ang naramdaman niya kundi threat.

Warning na kung magkakamali siya ng sasabihin, she risks losing everything.

Bumuntong-hininga si Sir Mario bago nagsalita.

"May mga naririnig akong tsismis tungkol sa closeness ninyo ni Mam Trish. Gusto kong malaman mo na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. May naging boyfriend ka. Alam ko din na close ka kay Mam Mica at malimit kayong magkulitan."

"So, anong problema Sir? Bakit ninyo ako kinakausap tungkol sa closeness namin ni Mam Trish kung may tiwala kayo sa akin?"

"Dahil naga-alala ako sa'yo, Mam. Kilala mo naman ang mga crew natin. Madali para sa kanila ang gumawa ng kuwento."

"Sir, hindi ko sila mapipigilan kung gusto nilang gumawa ng tsismis. Wala akong ginagawang masama. Magkaibigan kami ni Mam Trish. Kung bibigyan ng kulay ng ibang tao ang closeness namin, hindi ko iyon problema."

"It will be a problem, Mam Angie." Mabigat ang tono ni Sir Mario.

"Paano, Sir? Sabi niyo nga, gumagawa sila ng tsismis. Kung walang basehan ang isang bagay, kusa itong mamamatay."

"I don't think that the case with you and Mam Trish. Matagal ko ng naririnig ang tungkol dito pero hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil kilala kita at ganoon din si Mam Trish."

"Sir, ano po ba talaga ang pinupunto ninyo?" Hindi niya na naitago ang pagkairita.

Pakiramdam niya ay paikot-ikot ang usapan nila ni Sir Mario.

"Mahalaga sa akin ang unity hindi lang ng management team kundi pati na din ng mga crew. Kung may ganitong issue, makakasira ito sa credibility natin."

"Sa anong paraan, Sir? Sinabi niya na may tiwala kayo sa akin. Pero sa sinabi niyo ngayon, parang sinasabi ninyo na mas naniniwala kayo sa mga naririnig ninyo."

"Gusto kong maging honest ka sa akin, Mam."

"Sir, the whole time na nag-uusap tayo, honest po ako sa inyo. Magkaibigan kami ni Mam Trish. Kung hindi niyo mapaniwalaan iyan, then I don't know how to convince you. O baka naman dahil hindi iyan ang gusto ninyong marinig sa akin?"

"Hindi naman sa ganoon, Mam."

"Sir, matagal na po tayo magkasama. Pero alam ninyo na respectful ako pagdating sa personal space. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto ninyong marinig mula sa akin. Kung gusto niyong i-explain ko kung ano ang nakita ninyo sa stockroom, I can't do that. It's a personal matter and it was shared in confidence. Maiintindihan niyo din naman po siguro iyon di ba?"

Tumango si Sir Mario pero kita sa mga mata nito ang disappointment.

Pakiramdam ni Trish, ang disappointment na iyon ay dahil sa hindi niya pagtatapat dito tungkol sa real score sa kanila ni Trish.

Wala naman talagang score.

Wala siyang dapat aminin.

Wala din siyang karapatan para sabihin kay Mario ang nangyari kay Trish.

"May gusto pa po kayong sabihin sa akin, Sir?"

"Wala na."

Tumayo na siya at ganoon din ang ginawa nito.

Kahit nag-usap sila, hindi pa din naalis ang tensiyon sa paligid.

Mabigat ang dibdib ni Trish.

Kilala niya si Sir Mario.

Bukod sa hindi ito sanay na narereject, nagtatanim ito ng sama ng loob.

Fast FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon