+-HYUNNIE POV-+
thursday 3:00
she looked so sad sitting there
she had her glasses on
sana sagutin na niya ako
i want to make her happy
Napailing si Hyunnie. Lipat pa ng pahina.
sunday 6:00 Birthday/ Rebirth
i just woke up
i still felt weak but im alive
and shes here sleeping
Im so happy knowing nagbantay siya sakin
id give my life for her again
ilove her so much
Nakakunot ang noo ni Hyun habang binabasa ang
mga entry sa notebook.
Lalaki ba ang sumulat nito?
Masyadong mushy.
Sobrang korni.
Binuklat buklat pa niya ang bawat pahina.
May nalaglag na larawan.
Si Pauline habang nag pe paint sa park.
Suot yung salamin niya at puro pintura ang pisngi. Nakangiti.
Thump. thump.thump.
Nanlaki ang mata ni Hyun. Saglit na napahawak siya sa dibdib niya.
Bumilis ang takbo ng pulso niya ng makita ang ngiti ni Pauline.
Itiniklop niya ang notebook.
Sabay tayo.
Naglakad siya papunta sa bintana at sumilip sa labas.
Kakaiba talaga yung babaeng nakita niya sa beach.
Hindi mawala sa isip niya. Pati ang pakiramdam ng hawakan nito
ang pisngi niya. Ano ngang tawag niya sakin, Jonghyun?
Tiningnan niya muli ang notebook. Binuksan sa random na pahina.
Biyernes 5:00
Araw ng jogging niya
ang tagal naman niyang dumating
mabuti maganda sa Yoendo Park pag hapon
Napatingin siya sa relo niya.
Tumatakbo si Pauline .Nakasalpaksa tenga ang earphone at
naka kabit sa ipod na regalo sa kanya ni Jonghyun.
Nakakatatlong laps na siya napapagod na ang binti niya pero ayaw pa niyang tumigil sa pagtakbo.
Gusto niyang pagod na pagod siya para paguwi niya sa bahay tulog siya agad. Napapagod siya sa kakaisip sa lalaking nakita niya
sa Jeju.
Ang mga mata na akala niya hindi na niya makikita, nakita niya ulit
nakatingin sa kanya.
Napailing siya. Takbo ulit.
Hinihingal na siya.
Bumagal ang takbo niya at huminto siya sa ilalim na puno.
Naghahabol ng hininga.
Inom ka muna pagod na pagod ka.
Napalingon siya.
Nakangiti sa kanya ang lalaki nakalabas ang dimple
nito sa magkabilang pisngi.
Jonghyun.
Napayuko si Pauline. Hindi. Hindi siya si Jonghyun.
Pinaglalaruan lang ako ng mata ko kasi na mi miss ko siya, naisip niya.
Muling inabot sa kanya nito ang dalang bottled water.
Sige na inumin mo mukhang pagod na pagod ka .
Ganyan ka ba tumakbo palagi?
Ma bu burn out ka nyan.
Nakatingin lang si Pualine dito pero tinanggap niya ang ibinigay nito.
Bakit ba parang nagyari na ito dati?
Salamat. sabi na lang niya. Mauna na ako.
Lumakad na si Pauline palayo. Nakatingin lang sa kanya si Hyunnie.
Nakakunot ang noo. Bakit nga ba siya nagpunta dito sa park?
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fiksi PenggemarYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...
