Bumalik sa pagpipinta si Pauline at nagplano ng isang art exhibit.
Isang linggo na ng huli niyang kausapin si Hyunnie at hindi na siya nito kinulit.
In a way nakahinga siya ng maluwag.
Pero kapag gabi, hindi niya maiwasang hindi ito isipin.
Palagi niyang naaalala ang
Pamamasyal nila.
Natatakot lang siya.
Dahil sa kabila ng lahat,
alam niya na may puwang na ito sa puso niya.
Sabado na at birthday ni Jonghyun. At Hyunnie. Pag tatama ng utak niya. Napabuntunghininga siya. Kabababa lang niya ng telepono dahil nag confirm si Mama Che niya ng oras ng alis nila.
Nagsabi siya na duon na siya didiretso dahil may appointment siya sa umaga. Pumayag naman ito.
Ang totoo gusto lang niya na maunang pumunta. May dala siyang isang basket na gerbera at zinia na paborito nito.
Jonghyun I miss you..
Please give me a sign.
Natatakot ako...
Inilapag niya ang basket sa ibabaw ng puntod nito. Katabi ng isang pumpon ng gerbera at zinia na nakapatong dito. Nagtaka siya pero ipinagwalang bahala niya na lang.
Nagulat siya ng may tumawag sa kanya.
Pauline...
Napalingon siya.
Nakita niya si Jonghyun na nakatingin sa kanya. Nakangiti.
Naka all white.
Napahakbang siya papunta dito.
Is this a dream?Tumalikod si Jonghyun at humakbang palayo kaya napabilis ang lakad niya. Dinala siya ng mga paa niya sa gitna ng park.
Teka lang...
Lumingon ito at ngumiti ulit sa kanya.
Napatakbo na siya.
Jonghyun teka.
Huminto iyon at nakangiting tumingin sa kanya.
Dahan dahan siyang lumapit baka kasi mawala ito.
Na miss kita. Sabi niya.
---------
Nakapamulsa si Hyunnie at nakatingin sa lawa. Nasa gitna siya ng memorial park. Maaga siyang pumunta dahil gusto niyang kausapin ang kakambal niya.
Wala na kasi siyang maisip na pwede niyang gawin.
Nagulat siya ng marinig ang boses ni Pauline. Lumingon siya at nakita niyang nakangiti ito. Pero tumutulo ang luha sa mata.
Na miss kita...
Tinitigan niya ito. Nagtataka siya.
Lumapit ito. Hinawakan ang mukha niya.
Happy birthday baby.
I hope youre happy.Pauline... Hindi ako...
Niyakap siya nito.
Inilagay ang mukha sa dibdib niya.
Ill always love you baby.
Please help me, move on...Parang may sariling isip ang mga kamay niya. Niyakap niya ito.
Ill never leave you Pauline.
Pumikit siya. Yun ang promise sa kanya ni Jonghyun.
Pauline... I love you.
So much... Hindi napigilan niHyunnie ang sarili.
Itinaas niya ang mukha nito at unti unting ibinaba ang mga labi sa labi nito. Pumikit si Pauline.
Paglapat ng labi nito sa kanya tumulo ang luha niya.
Hyunnie...Napadilat si Hyunnie at tinitigan ang mukha ni Pauline. Tama ba ang nadinig niya?
Dumilat si Pauline. Omo...
Paanong...?Namula ang mukha niya.
Nasaan na si...Pauline....
Niyakap siya ni Hyunnie.
Give me a chance. Alam kong mahal mo din ako.Hinawakan niya ang kamay nito at ipinatong sa dibdib niya.
Hindi dahil sa puso ni Jonghyun kaya minahal kita. He is just an extension of me. Pinahaba niya ang buhay ko kasi alam niya, makikita kita.Kasi alam niya na dadating yung time na kailangan ka niyang bitawan.. Para sa akin.
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Pero hindi rin niya
kayang magsinungaling. Magpapa
alam na nga sana siya kay
Jonghyun kanina. Kaso, nawala ito.
Is this the sign baby?
Tinitigan siya ni Hyunnie.
Ngumiti ito. At parang namalikmata siya. Nakita niya si Jonghyun na
ngumiti sa kanya.

BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...