Love Hurts

73 8 6
                                    

Tumatakbo na naman siya.

Tuwing ayaw niyang mag isip tumatakbo siya.

Pinapabayaan niyang maubos ang tubig ng katawan niya para mabakante ang utak niya.

"Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sayo."

" Lahat ng nakikita mo binibigyan mo ng kahulugan.

Hindi ba pwedeng tanggapin mo kung anu yung meron ngayon?

Masyado kang nakakulong sa alala ng asawa mo..."

Hindi pwede! Sigaw ng utak niya.

Nasa pababang parte ng siya ng park ng magkamali siya ng hakbang.

Dirediretso siyang natumba at gumulong pababa.

Binilisan ni Hyunnie ang takbo.

Kitang kita niya ng matumba si Pauline.

Pau... pauline...

Tinapik tapik niya ang mukha nito.

Tiningnan niya ito.

Tssk..

May gasgas sa braso.

Maraming lumapit at nakiusyoso.

Binuhat niya si Pauline.

Excuse me...

Pinaraan siya ng mga tao at kanya kanya ng umalis ang mga ito.

Tiningnan niya ang mukha nito.

May maliit na pasa sa noo.

Nakakailang hakbang pa lang siya ng kumilos si Pauline.

Humawak sa noo niya.

Dont move sweetheart. How do you feel? Mahina niyang tanung dito.

Lumapit siya sa pinakamalapit na bench at ibinaba dun si Pauline.

Hyunnie? Nagtatakang tanong nito.

Inayos niya ang buhok nito na nakakalat sa mukha at inilagay sa likod ng tainga nito.

Ngumiti siya. Thats the first time na pangalan ko ang tinawag mo pagkabukas ng mata mo... Tiningnan niya ito.

Tiningnan siya ni Pauline pero hindi na iyon kumibo.

Tumayo siya pero biglang tumupi ang tuhod. Sinalo siya ni Hyunnie.

Whoa! Ok ka lang ba?
Kumain ka na ba?

Sunod sunod ang tanung nito.

Nakapikit si Pauline at nakasandal sa kanya.

Umiling ito pero hindi dumilat.

Binuhat niya ito.

Put me down Hyunnie. Mahinang sabi ni Pauline. Pero hindi siya nito pinakinggan.

Diretso sa kotse nito at dahan dahan siyang ibinaba sa upuan. Ibinaba niya ang sandalan para naka incline ito. Inayos ang seatbelt.

Ok lang ako..sabi niya pero hindi siya nito pinansin.

Nag drive ito palabas sa park at pinatakbo ang kotse. Wala silang imikan.

Dito na lang ako. Ipara mo sa tabi.

Sabi ni Pauline. Hindi na niya kaya ang sobrang katahimikan.

Umayos siya ng upo at tatanggalin ang seatbelt niya ng ihinto ni Hyunnie ang kotse.

Pero hinawakan nito ang kamay niya. Napalingon siya dito.
Pau... Can we.. Can we start over?
Kalimutan natin yung dati.

Bakit? Nakakunot ang noo na sabi niya.

Because I want to court you.
Liligawan kita.. Nakatitig sa kanya si Hyunnie. Please...

Paano yung girlfriend mo?

Balik niya dito. Tinitingnan ang reaksiyon nito.

Ito naman ang napa kunot noo.
Sinong girlfriend? Napatingin siya kay Pauline. Nakita kaya nito si Reich? Kelan? Saan?

Nagbuntong hininga si Pauline.
Ayokong maging unfair sa ibang tao. Babae ako at alam ko ang pakiramdam na... pinaglalaruan lang ako. Lets stop now. Before we hurt others.

Hinawakan nito ang kamay ni Hyunnie na nakahawak sa braso niya. Dahan dahan niya itong ibinaba.

Goodbye Hyunnie. Mahina niyang sabi. Tsaka lumabas sa kotse nito. Pinara niya ang taxi na papadaan at sumakay dito.

Napatanga si Hyunnie walang nagawa kungdi ang sundan siya ng tingin.

Tumulo ang luha ni Pauline na kanina pa niya pinipigilan.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon