Nagligpit si Pauline sa bahay pagkagising niya.
Wala na si Hyunnie nang magising siya.
Umuwi na siguro sa kanila.
Hindi niya maipaliwanag ang gaan ng pakiramdam niya.
Nilapitan niya ang canvas na binanggit ni Hyunnie kagabi.
Kumuha siya ng ilang pintura at nagumpisang haluan ang nasa canvas.
Hindi niya napansin ang paglipas ng oras.
Nagulat pa siya ng marinig ang boses ni Hyunnie.
Kumain ka muna.
Napalingon siya sa may pinto.
Nakatingin ito sa kanya, may dalang bag ng groceries.
Kanina pa kita tinitingnan. Mahigit 30 minutes na ko dito.
Pinapasok ni Pauline si Hyunnie.
Dirediretso naman ito sa kusina at
Ibinaba ang bag sa mesa.
Sumunod si Pauline sa kanya.
-------
HYUN POV
Totoo nga yung nabasa ko sa notebook.
Napaka ganda niya kapag naka harap na siya sa canvas.Tinitingnan niya ang mukha ni Pauline.
Nang umuwi siya kanina, balak sana niyang di na bumalik dito
Pero hindi pala niya matitiis.
Dumaan siya sa grocery dahil wala siyang maisip na dahilan para sa pagbalik niya sa bahay nito.
Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pisngi nito.
Gusto sana kitang... yayain lumabas... Hawak pa rin niya ang pisngi nito.
Bahagyang umatras si Pauline.
Natakot yata siya sa akin.Ngumiti siya. Kahit hindi magsalita, kita naman sa mata ni Pauline ang lahat ng nararamdaman niya.
Kaya siguro siya nagustuhan ni Jonghyun.
Sige na. Maghihintay ako dito.
Umupo siya sa sofa.
Hindi naman malaman ni Pauline ang gagawin.
Ahmm.. Hindi na lang. A- ayokong lumabas..
Yumuko siya. Pasensiya ka na pero..
Ayaw mo ba kasi pinsan ako ng asawa mo? Tanung niya dito.
Mahigit isang taon na siyang...nawala.Nagtaas ng tingin si Pauline at nakita niyang nag aalinlangan ito.
Bumuntung hininga siya. Bakit ka ba nakakulong sa alaala ng asawa mo?
Hyun..natigilan siya ng marinig ang boses ni Pauline. Ang sarap naman pakinggan..Pwede ka bang.. Magkwento tungkol kay J-jonghyun .. Nung mga bata pa kayo..
Tiningnan niya ito. Si Jonghyun.
Wala namang espesyal sa kanya. Ang mga nasa internet na nakasulat tungkol sa kanya. Yun na yun. Pero kung gusto mo, isasama kita sa mga lugar na madalas namin puntahan.Tumango naman si Pauline.
Tiningnan niya ang kamay niya, nung una niyang makita si Jonghyun puno ng pintura ang kamay niya.
Nagtaas ito ng tingin at tiningnan siya.
Saan tayo pupunta? Nakangiting tanung nito.
Ngumiti din siya. Sasama ka? Kakain lang naman tayo.
Teka mag aayos lang ako. Tumayo na ito at pumasok sa kwarto. Sinundan naman niya ng tingin si Pauline.
Napailing siya. Kailangan pa niyang gamitin si Jonghyun para lang mapasama si Pauline.
Ang daming babaeng nagkakandarapa sa akin nag ta tyaga ako sa biyuda ng pinsan ko..
Napakamot siya sa ulo. Nasisiraan na nga yata ako.
Tumayo siya. Wala sa loob na inabot ang gitara at tumipa.
Palabas na si Pauline ng kwarto ng marinig niya ang tugtog.
Sumilip siya sa pinto at nakita niyang nakatayo si Hyunnie sa tabi ng bintana. Kinakalabit ang mga kwerdas ng gitara ni Jonghyun.
Nakapikit ito pero gumagalaw ang mga daliri kabisado ang bawat chords.
------
PAULINE POV
Napahawak siya sa dibdib.
Thump.. thump...thump..Nanlaki ang mata ni Pauline.
Ganito din yun...
Andiyan ka na pala. Halika na.
Ibinaba ni Hyunnie sa stand ang gitara. Lumakad siya at hinawakan ang isang kamay ni Pauline.
Hindi na siya nakatanggi ng hawakan nito ang kamay niya. Napasunod siya ng paghakbang.
Saglit na huminto sa labas si Hyunnie at hinintay siyang mag lock ng pinto.
Inakbayan siya nito at sabay silang tumawid. Hindi malaman ni Pauline pero parang may tumutulay na kuryente mula dito.
Ipinagbukas pa siya ng pinto.
Sumakay na ito at pinaandar ang kotse. Tumingin sa kanya si Hyunnie at nginitian siya. Tayo na?
Tumango siya.
Hindi niya alam, pero parang sa pagtango na iyon, pinayagan niya ang puso niya na muling mabuhay.
Napatingin siya sa labas ng bintana.
Ang dami namang iba, bakit sa kanya pa?
BINABASA MO ANG
Second Chance
ФанфикYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...