the Past

58 4 5
                                    

Buddy buddy sila ni Jonghyun.

Madalas silang magkasama pagkatapos ng klase.

Kungdi sa may soccer field nandun sila sa ridge malapit s Incheon port.

Kambal nga daw sila sabi ng mga kaklase nila.

Matalino si Jonghyun gaya niya hindi rin ito hirap mag aral kaya lang madalas itong wala dahil sa sakit niya.

Siya ang nagturo dito tumugtog ng gitara. Nag ja jamming sila sa kwarto niya kapag weekends. Hanggang sa mag college sila.

Tuwang tuwa ang mga parents nila sa closeness nila. At halos kapatid na ang turingan nila sa isat isa.

Pero gaya ng karaniwang kabataan mapusok si Jonghyun. Kung anu anu ang ginugustong gawin kahit bawal sa kanya.

Malapit na ang graduation nila ng mawala ito at ipahanap sa kanya ng tita niya. Buong magdamag na hindi umuwi kaya alalang alala sila.

Nakita niya ito sa isang bar at nakikipag inuman.

Jonghyun halika na umuwi na tayo. Yaya niya dito.

Mauna ka na. Sagot nito sabay inom ng laman ng baso. Bottoms up!

Kagabi ka pa umiinom me problema ka ba? Hinahanap ka na ni tita.... Alam mong bawal sayo napupuyat..

Hindi ako bata na alaga mo Hyun. Uuwi ako mamaya.

Hindi niya tinigilan si Jonghyun kaya napilitan itong tumayo. Naglakad ito palabas ng bar.

Binayaran niya ang nainom nito sabay habol sa labas. Nagulat siya ng makitang nakikipag away ito.

Magaling ito sa judo pero dahil lasing walang tumatama sa mga suntok nito. Umawat na siya.

Heto pala ang magaling na gitarista.. Narinig niyang sabi ng isa sa tatlong lalaking kaaway nito. Hawak ng isa ang dalawang kamay ni Jonghyun sa likod at sinuntok namn ito ng isa pa.

Tama na yan! Awat niya at natawa ang lalaking sumusuntok dito.

Oh me kakambal ka pala. Gusto mo bang makita kung anu gagawin
Ko sa mayabang na to?

Pare tama na. Lumapit siya at pilit na pinakakalma at kaaway nito.

Hindi mo ba alam na itong g* gong ito ang may kasalanan kaya iniwan ako ng girlfriend ko? Magbabayad siya.. Suntok ulit at nakita niyang napaluhod si Jonghyun.

Sumugod na siya. Nagulat siya ng may tumulong sa kanila na isang lalaki si SungMo. Madali nilang napabagsak ang dalawa at ng makita ito ng lalaki. Tumakbo iyon palayo.

Tinulungan nila si Jonghyun. Namamaga ang mukha at dumudugo ang ilong nito.

Akala niya tapos na ang gulo. Pero nung nakatalikod na sila, dumating ang lalaki at walang sabi sabing hinampas ng tubo si Jonghyun.

Buti na lang at nakita niya. Pero kapalit ng buhay nito, ang pagkawala ng pangarap niya.

Isang linggo sila sa ospital. Buong panahon na yun hindi niya ito nilapitan. Hanggang makalabas sila.

Pag uwi sa bahay nagkulong na lang siya sa kwarto niya.

Hindi niya sinasagot ang mga tawag nito.

Humigpit ang hawak ni Hyunnie sa manibela. Dumiretso siya sa Hongdae. May kailangan siyang malaman.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon