start or the end

85 7 6
                                    


Mula nang gabi na iyon hindi na hiniwalayan ni Hyunnie

si Pauline. Natakot kasi siyang baka magbago ang isip nito.

Ibinigay sa kanya ng papa niya ang isang negosyo nito. Para daw mapaghandaan niya ang kinabukasan nila ni Pauline.

Isang Sulbing o Dessert Shop na malapit sa Art Center.

Magandang location ito at malapit pa siya sa

exhibit area ni Pauline.

Seryosong nakatingin si Pau sa canvas ng

maramdamn niya ang pagyakap sa kanya ni Hyunnie.

Umikot siya para nakaharap siya dito.

Binigyan niya ito ng smack na kiss.
Bakit nandito ka? Wala bang tao sa shop?

Puno nga..kaya nagpunta ako dito... Di na kami kasya..

Nakatawang sabi nito.

Kain ka muna.. Sabay hila sa kamay niya.

Itinaas niya ang dalawang kamay para ipakitang puno ito

ng pintura.

Nakatawa naman si Hyunnie. Sinubuan na lang siya.

Napataas ang tingin ni Pau ng may matanaw siyang nakatingin

sa kanila. Pero nakaalis na ito.

May tao yata.. Nasabi niya kay Hyunnie.

Lumingon lang ito at nagkibit balikat.

wala namang tao.

--------

Dalawang buwan ag lumipas.

Successful ang Art exhibit niya sa Seoul Art Center na

matatagpuan sa Gangnam District.

Sold out ang dalawampung painting niya.

Kasabay naman nito ang pagbubukas ni Hyunnie ng panibagong

branch ng Sulbing shop nito malapit sa Tita Jane niya sa Busan.

Si Jane na rin ang kinuha nilang manager para sa branch duon.

Wala pa ba kayong balak magpakasal?

Nagdinner nuon sila sa bahay nila mama Che niya.

Nanduon ang papa Min at mam Chloe ni  Hyunnie at ang papa Bruce niya.

Nagkatinginan silang dalawa.

Napagusapan na namin yan Ma.

Gusto ni Pauline, simpleng kasalan lang.

Tumango tango naman ito.

Sana po Ma. Katulad lang ng dati. Nahihiyang sabi ni Pauline.

Tiningnan siya ni Hyunnie at ngumiti naman siya dito.

Itinakda ang kasal nila para sa susunod na buwan.

Ipinilit ng mga magulang nila na sila na ang gagastos.

Sa Namsan Tower ito gaganapin.

Para daw romantic.

Pinabayaan naman nila ito.

Pati ang mommy Chloe ni Hyunnie ay excited sa gaganaping kasal.

Tuwang tuwa ito sa malaking pagbabago ng anak

dahil kay Pauline.

------------------------

Araw ng kasal.

Kasama ni Pauline si Tita Jane niya na papunta sa venue. Isang gardden wedding lang iyon at iilan lang sila na dadalo.

Kaunti lang din naman kasi ang kaibigan ni Pauline.

Ang agent niyang si Shinea at assistant manager ng Art Center na si Dhez.

Naka cocktail dress siya na beige.

At naka coat naman si Hyunnie.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon